04

15 6 0
                                    


"Asan na ba yun?"nilibot ko na ang buong bahay at wala parin siya,hindi ko alam kung anong nangyari kanina at bigla nalang siyang umalis.


Nagpalit ako ng damit bago napagpasiyahang lumabas,sinilip ko din pati ang bahay ng kapitbahay naming pinipitasan niya ng bulaklak at baka sakaling nandun nanaman namimitas ng bagong tubo na halaman.


Naglakad lakad pa ako at pati mga maliliit na gusali ay tiningnan ko dahil baka nandun lang siya pero wala parin,napabuntong hininga ako bago pagod na bumili ng bottled water at uminom dito.Nasan kana ba Enzo?


Ilang lakad pa at napagdesisyunan ko munang pumunta sa parke para makaupo sa upuan doon,gulat naman akong napatingin kay Enzo na kasalukuyang nakaupo sa isa sa mga upuan at pinagmamasdan ang mga batang naglalaro.


Walang ingay akong umupo sa tabi niya bago tumikhim na siyang kinaagaw ko ng atensyon nito.


"Bakit ka naman umalis kanina?"napaiwas naman ito ng tingin bago napangiti ng maliit.


"Sumakit lang ng panandalian ang ulo ko kanina,wag mo namang ipahalata na concern ka"umismid naman ako bago pinaglaruan ang bote ng tubig.Sinong nagsabing concern ako sa kanya?


"May naalala ka?"magaan kong tanong na siyang kinailing lang nito ng dahan dahan.


"Meron akong nakikita na mga lugar at pangyayari pero hindi ko parin naaalala ang nakaraan ko"napakamot naman ako sa batok ko bago tiningnan ang mga batang tinitingnan niya.


"Gusto mong mamasyal?"napalingon ito sakin bago napataas ang dalawang kilay.


"Bike tayo"napatawa naman ito bago napailing iling.


"Tayo ba talaga o ikaw lang at ako ang tagabantay mo?"napangiti naman ako ng malawak bago tumayo na siyang kinasunod nito.


Hindi naman masyadong malayo ang isa pang parke na may rentahan ng mga bike,nasa malayo palang kami ay tanaw ko na agad ang mga nakalinyang bike malapit sa entrance.


Lumapit ako dito bago nagbayad,nilingon ko naman siya na nakatingin lang sa ginagawa ko.


"Sama ka?"humalukipkip naman ito bago ako tiningnan ng naiinis.


"Wag na,baka hindi pa ko nakakasakay hulog na agad ako"nakagat ko naman ang ibabang labi ko para magpigil ng ngiti.


"Tama yun,sakin ka lang dapat mahulog"napatingin naman ito sakin at kalaunan ay napangiti nalang din.Nahihiya akong napaiwas ng tingin sa kanya bago sinimulang sakyan ang bike.San galing yung pick up line na yun?


Habang nag eenjoy ako sa pagba bike ay pasulyap sulyap ko itong nililingon at nakamasid lang ito sakin habang nakangiti,wala sa sarili naman akong napa out balance pagkabalik ko ng tingin sa harapan na siyang kinapikit ko at hinihintay na ang pagbagsak ng katawan ko sa semento ng maramdaman kong may sumalo dito.

Being With Your Ghost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon