Prologue

21 6 0
                                    

Prologue


"Zahra!!!!"napabalikwas ako sa sigaw ni mama na siguradong bubungangaan nanaman ako ng sobrang aga,napatakip ako ng tenga ng marinig kong bumukas na ang pintuan ng kwarto ko.


"Ikaw na bata ka!!Wala ka bang balak na tumayo jan??!!"sigaw nito na siyang kinakamot ko sa ulo ng padarag bago siya tiningnan ng nakasimangot.


"Ma,highblood ka masyado,kaya lumaki akong sumpungin eh"piningot naman nito ang tenga ko na siyang kina aray ko dito.High blood na nga sadista pa,di ako makakalabas ng buhay sa bahay na to.


"Maligo kana at may pasok ka pa"padarag nitong sinarado ang pinto pagkatapos na siyang kinaikot ng mata ko.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa kama ko bago tiningnan ang sarili ko sa salamin.


"Maganda parin kahit mukhang pugad ng ibon ang buhok"pagpuri ko sa sarili ko bago kinuha ang tuwalya sa kabinet at dali daling pumasok sa Cr.


"Asan si Kuya ma?"hinampas nito ang kamay kong dapat kukuha sa hotdog na niluto niya.


"Umalis muna ang kuya mo dahil may aasikasuhin daw na project sa site nila"nilapag nito sa lamesa ang bacon at kanin na siyang lalantakan ko na sana ng sinapok nito ang ulo ko.


Napasimangot naman akong umupo sa upuan bago hinintay matapos maghain si Mama,napadako ang tingin ko sa pader ng may isang kaluluwa ng bata ang lumusot dito.Eversince bata ako ay nakakakita na talaga ako,hindi ko nga lang alam kung papaano.Sabi lang nina Mama ay biyaya daw ito.


Pagkatapos naming magdasal ay napasandok ako ng pagkain bago napatingin sa batang nasa pader sa likod ni Mama.


"Ma,yayain mo naman yung batang nasa likod mo kumain"nanlalaki naman ang mata nitong napatingin sakin bago napa sign of the cross.


"Gaga ka talagang bata ka,wag mo ngang sinasabi sakin yung mga nakikita mo.Magkakasakit ako sa puso dahil sayo"lumipat naman ito sa upuang katabi ko na siyang kinapigil ko lang ng tawa.


Nung una ay hindi ko matanggap na nakakakita talaga ako pero kalaunan ay natanggap ko na din.Masaya akong nagpatuloy sa pagkain bago binigay sa plato ni Mama ang natira kong ulam pagkatapos.Sinamaan naman ako nito ng tingin na siyang kinangiti ko lang ng malawak.


"Alis nako Ma"hinalikan ko ito sa pisngi na siyang kinalingon niya sakin habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan namin.


"Mag iingat ka,tsaka kung pwede anak pag may nakita ka ngang espiritu na pagala gala wag mo ngang kausapin,baka mapagkamalan kang baliw sa labas.Kagandahan ang pinamana ko sayo at hindi kabaliwan"napaismid naman ako bago kinurot ang bewang nito.


"Wala karin naman nun"patakbo akong umalis ng akmang maghuhugas ito ng kamay para mapingot ako,seeing someone's spirit is fine not until you see your relatives spirit.Naalala ko pa nung mamatay si Lola ay nakausap ko siya bago siya tuluyang kunin sa amin.

Being With Your Ghost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon