Epilogue

38 6 0
                                    


Napahawak ako sa dibdib ko ng malakas parin ang kabog ng puso ko,tumagilid ako ng higa.Sinulyapan ko ang palagi niyang pwesto sa kwarto ko at napangiti ng mapait ng hindi ko siya makita dito.Pagkatapos ng nangyari sa gymnasium kanina ay bigla nalang itong nawala na parang bula.Sabi niya sasamahan niya ko hangga't hindi pa tapos ang misyon niya,asan siya ngayon?Scammer.


Napaubo ako bago napabalikwas ng higa,siya kaya ang dahilan kung bakit ako basang basa ng ulan kanina tapos iniwan niya ko mag isa dun.Niyakap ko ang unan ko ng mahigpit at iniisip na siya yun,kahit pala multo sweet din.


Napapangiti ko tuwing naaalala ko ang sayaw na nangyari kanina.Siguro kung nahahawakan ko lang ang mga kamay niya malambot ito,mukha kasi siyang anak mayaman.Ilang beses nakong nagpapalit ng pwesto sa paghiga at hindi parin ako makatulog.


Binuksan ko lang ang side lamp ko para kung sakaling pumunta siya makikita ko siya agad,napatakip ako ng kumot sa buong katawan ko ng maramdaman kong nilalamig ako.Wala sa sarili kong kinuha ang thermometer bago tiningnan kung may lagnat bako.


Padaskol akong humiga ng malaman kong may lagnat nga ako,kasalanan talaga ng multong yun.Mabilis akong dapuan ng lagnat kaya naman palagi akong nagdadala ng payong sa bag ko pero nasaktuhan lang talaga kanina na wala akong dala.


Kung kelan kailangan ko siya dun siya wala?



















Kinabukasan ay medyo mabigat ang pakiramdam ko pero pinilit kong tumayo at bumaba,nag aalala namang napatingin sakin sina Mama bago ako nito inalalayan paupo sa isang upuan.


"Bakit ka naman tumayo agad?Hahatidan palang sana kita ng Lugaw"nilapag naman nito sa harap ko ang lugaw na siyang kinakuha ko sa kutsara.


"Bakit ka ba kasi nagpaulan na bata ka?"napakamot naman ako sa ulo ko bago nagpatuloy sa pagkain,pansin ko pa ang tingin nilang dalawa sakin pero isinawalang bahala ko nalang yun.Wala ako sa mood ngayon.Parang gusto kong sapukin yung multong kasama ko kahapon.


Kalahati lang ang nakain ko sa lugaw bago pumunta sa sala at nanood ng tv.Pinirmi ko sa paghiga ang katawan ko bago pinalipat lipat ang channel.


"Bunso,masira yung tv sa ginagawa mo"saway naman ni Kuya sakin ng mapansin nitong palipat palipat ang channel.


"Kuya,naboboring ako"tumaas naman ang dalawang kilay nito sakin.


Being With Your Ghost (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon