CHAPTER FOUR

13 1 1
                                    

Nang makalabas na si Ms. Cezar ay nanatili lang ako sa upuan ko. Wala akong kagana gana. Bakit pa kasi siya eh ang dami namang iba jan. Nilalabas ko ang cellphone at earphones ko sa bag ng biglang iniharap ni Dwight ang upuan niya sakin at naupo doon. Hinayaan ko lang siya at ilalagay na sana ang earphones sa tenga ng magsalita siya.

"So whats the plan? Don't worry about me. Marunong akong sumayaw." sabi niya at nangiti

"Okay." tanging sagot ko. Mejo natuwa ako dahil mukhang hindi ako mahihirapan sa kaniya. Isasalpak ko sana ulit yung earphones ng magsalita ulit siya.

"Paano yung isusuot pala natin?" tanong niya ulit.

"May lakad ka ba mamayang uwian?" tanong ko at umiling naman siya.

"Wala akong lakad. After class ay umuuwi agad ako sa bahay depende nalang kung aayain ako ng mga kaibigan ko. Pero madalas ko sila tanggiham ngayon kumpara noon." mahabang sabi niya kaya bumuntong hininga naman ako.

"Tinatanong ko ba?" sabi ko at nangunot naman ang noo niya.

"What?! Nagtanong ka at sinagot ko lang." sigaw niya sakin ng pabulong.

"Yun nga e, nagtanong ako at Meron o wala lang ang isasagot mo. Damo mong sinabe!" malumanay paring sabi ko at natigilan siya. "Tara sa mall mamaya. Magpatahi tayo!" sabi ko at nagulat naman siya.

"N-ngayon agad?!" sigaw na tanong niya.

"Oh di wag nalang." sabi ko at nangunot naman ang noo niya.

"Okay fine." tanging sagot niya.

"Kita nalang tayo sa parking lot mamaya." sabi ko at tumango naman siya at isusuot ko muli sana ang earphones ng magtanong na naman siya. Anong klaseng lalaki ba tong kumag na to. Madada masyado!

"Saan tayo magpapractice?" tanong niya.

"Kahit saan, kung saan ka kumportable." sabi ko nang nakatingin parin sa kaniya.

"Sa bahay nalang tayo. Maluwang naman yung Gyn don. Not totally na gym for fitness, you can do everything like dancing, singing, manood ng cine, maglaro at iba pa."sabi niya.

"Sige. Whatever you say." Sagot ko.

"Tungkol sa susuotin natin, bumili nalang pala tayo para hindi hassle. Baka hindi rin abutin hanggang monday kung magpapatahi pa tayo." Suggestion niya. Oo mga naman Jade. Tumango ako at nagsalita.

"Sige." sagot ko habang nakatingin parin sa kaniya. Nanlaki ang mga mata niya sa hindi malamang dahilan.

"Why are you staring me like that?" maarteng tanong niya. Bading ba to?! Tsh!

"At bakit mo rin ako tinititigan? wala dito ang pisara" pabalik kong tanong sa kaniya na lalong nagunot ang noo.

"Tch! Malamang nag uusap tayo." Sagot niya at natawa ako sa itsura niya. "Whats funny?" Tanong niya.

"Were done talking." sabi ko at ngumisi. Agad naman siyang tumayo at iniharap muli ang upuan niya at naupo. Lumipas ang Isang oras at lunchbreak na. Dumeretso kami sa counter ng canteen at umorder ng food. Pagkatapos ay agad kaing naupo sa pwesto namin ng biglang magsalita si Clint.

ME plus YOU equals PERFECT (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon