CHAPTER ONE

26 2 1
                                    


Plagiarism is presenting someone else's work or ideas as your own, with or without their consent, by incorporating it into your work without full acknowledgement.

©All rights reserved

------------------------------------------------------------------------

Kiera's POV

One week nalang bago magpasukan pero hindi pa ako nakakabili ng school supplies ko dahil parang hindi ako excited pumasok. Para sa akin kulang na kulang pa ang bakasyon namin at gusto ko pa itong maextend ngunit final decision na yon ng aming head master. Habang nakahilata ako at nag aadvance reading sa mga magiging topic namin sa school ay naisipan kong ngayon nalang bumili ng school supplies at yayain ko mga kaibigan ko para masaya hehehe. Tama!! Wala nakong rason para tamarin dahil makakasama ko naman yung mga kaibigan ko. Naisipan kong tawagan muna si Jade dahil siya yung pinaka mahirap yayain sa mga kaibigan ko. Kaya dali akong bumangon at kinuha ang cellphone ko sa kama at dinial ang number ni Jade. Ringing.....


"Hello?" Si Jade.


"Hoy babae, magandang umaga hehe kamusta tulog mo?" sabi ko.


"Ayos na sana kaso ginising ako ng madada kong kaibigan" Sa kabilang linya. Grabe naman to hmp :(


"Eh sorry na, tsaka nga pala nakabili ka na ba ng school supplies para next week?" Sabi ko ng nakangiti.


"Ha? Next week na ba pasukan? Pakshet nakalimutan ko. Hindi pa ako nakabili, ikaw?" aniya sa kabilang linya na animoy wala sa wisyo.


"Kita mo kung dipa ako tumawag eh wala ka ng kaalam-alam sa mundo eh no? Oo pasukan na susunod na linggo at kung hindi kapa nakakabili ng school supplies ay pareho tayo. Kaya kung ako sayo magbihis kana at tara na. Tatawagan ko lang sina Reign para makapag gayak na din sila. Gagayak na din ako matapos ko silang tawagan" Sabi ko ng salubong ang kilay. Tsk tsk!! Madada pala ah, eh ikaw tong daig pa ang matandang ulyanin.

"Oh sige, maliligo nako. Kita nalang tayo
sa SM sabihin mo sa kanila. Bye!" at tsaka pinatay ang linya. Grabe siya oh, di man lang ako pinag salita bwisettt!!

Pagkababa ng phone ni Jade ay tinawagan kona agad sila Reign, Micha, Kath at Clint at pumayag naman sila dahil pare-pareho kaming inaanay na sa loob ng aming mga bahay. Matapos ko silang tawagan ay gumayak na din ako. Ilang minuto lamang ay natapos na ako at sinabihan ko sila sa group chat na papunta na ako sa SM. For your additional information, we are all using motorcycle in everywhere we go. Dahil mas kumportable kami na kami mismo magmamaneho dahil ayaw naming nakakaabala sa ibang tao para ipagmaneho kami. At kung tatanungin niyo kung bakit hindi kami mag kotse ay dahil masyadong malaki, mahirap isingit sa daan at mahirap hanapan ng parking. Basta yun yon. Wala ka ng pake don. Continue.....

Ilang sandali lamang ay tanaw na tanaw kona si Jade na kunot ang noo at salubong ang kilay na inaabangan ako sa harap ng mall. Dali dali akong nagpark at mabilis na lumapit sa kanya.

ME plus YOU equals PERFECT (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon