Kiera's POV
Nang makalaya na kami sa lintik Tanyang yon ay agad kaming pumanhik sa mga upuan namin. Ang lakas ng tama ng babaeng iyon. Hindi mo naman namin inaano, eh kung magalit samin eh parang agbigat bigat ng kasalanan namin sa kaniya. Psh! Stupid! Natigilan ako sa pag iisip nang dumating na yung PE Lec namin.
"Goodmorning class." bati nito at ganun din kami. "We are not going to discuss today because you'll having your final practice today and your dress rehearsal tomorrow. I already excused you in your subjects in the afternoon so you can go outside the campus where you're comfortable to practice. Use any kinds ng dress muna, yung magiging komportable kayo. I am expecting you to perform very well. Take note, marami kayong audience and this a competition. You can go now and take care. Goodbye!" announced ni Miss Cezar at lumabas ng room. Tumingin muna ako kila Jade at lumapit.
"San ang practice niyo guys?" tanong ko.
"Ewan ko, mukhang hindi na namin kailangang mag ensayo ni Dwight. Magaling na siya." si Jade.
"Pareho sila nung tatlo te, magagaling din sumayaw. May experienced na daw kasi sila kaya bihasa na." si Clint.
"Ay oo nga pala!" biglang sigaw ni Micha. "Hindi pa kami nakakabili ng maisusuot namin." sabi nito at napamaang naman ako dahil kami rin wala pang maisusuot.
"Kami din wala pa. Tara na kaya ngayon?" yaya ko sa kanila.
"Sasama na din ako." si Kath.
"Ako din." si Clint. "Ikaw Jade, hindi ka sasama?" tanong ni Clint pero biglang may nagsalita sa likod harap namin.
"Oo. Sasama siya at sasama kami." si Dwight.
Aba! May ganon na ngayon ah. May hindi kinukwento tong si Jade. Aalamin ko to mamaya."Sure basta kayo." mabilis kong sabi para hindi na makatanggi si Jade.
"Ayoko, kayo nalang. Matutulog nalang ako sa bahay." sagot nito kaya nagulat kami.
"What? Magpapractice tayo after bumili oy!" sabi ko.
"Hindi na kailangan. Saulo na namin ni Dwight, diba?" tanong nito at tumingin kay Dwight.
"Yes but still, we need to practice harder. Its a competition remember. Hindi pa ako natalo sa anong competition kaya ipapanalo natin to. Sumama ka sa ayaw at sa gusto mo." maotoridad na sabi ni Dwight kaya nagpabalik balik ang tingin namin sa dalawa. Whats going on?!
"Okay. Whatever you say." sagot naman ni Jade. Kahit kelan talaga ang sunget nito.
"Oh ano, tara na para madami tayong matapos." si Jason.
"Wait! Magmomotor kayong lahat? Ihahatid na muna namin kayo sa mga bahay niyo at iwan ang motor niyo. Sa kotse na namin kayo sumakay para hindi kayo mapagod masiyado." si Josh.
"G ako." si Kath.
"Ako din." sabay naming sabi ni Micha.
"Ay taray! Ibang klase talaga mga kamandag niyong tatlo ano? Buti pa tong si Jade walang ugaling linta." sabi ni Clint at nagtawanan lang kami. "Oh eh ano nga Jade, sa kotse daw nila kayo sumakay." pag uulit ni clint at napatingin kaming lahat sa kaniya.
"Anong silbe ng motor ko kung makikisakay ako. Kayo nalang. Susunod ako sa inyo." pagmamatigas nito kaya sumimangot ako.
BINABASA MO ANG
ME plus YOU equals PERFECT (On going)
De TodoHindi sa lahat ng bagay ay magagawa at makukuha mo ang gusto mo. Kahit pa nasa iyo na ang lahat. Yaman, gwapong mukha, popularidad, talino, kayabangan, isama mona yung pagiging dakilang bad boy. Yan, yan ang katangian na meron sa nag iisang taga pag...