CHAPTER TEN

5 0 0
                                    

Kiera's POV

Hindi ako makapaniwalang may gusto sa isa't isa tong sina Dwight at Jade. Masaya ako sa para sa kanila at sana magtuloy tuloy na. Hindi kona kasi kayang makita si Jade na nasasaktan ng dahil lang don sa walang kwentang ex niyang yon. Ewan ko ba kung bakit ganon nalang katagal makalimot di Jade sa kaniya, alam kong mahal niya pero hindi makatarungan yung ginawa niya sa bestfriend ko. Sana noon pa dumating si Dwight sa buhay niya nang napaaga sana yung pagmomove on niya.

Sunday na ngayon at uuwi na kami dahil kailangan naming magprepare para sa performance namin bukas. Kasalukuyan kami ngayong nagbebreakfast bago umuwi dahil hindi kami papayagan ng lola ni Jade na umalis ng walang laman ang tyan dahil mejo mahaba ang byahe.

"So ano mga bakla, saan ako makikisakay sa inyo? Hehe sana hindi kayo magsawang isama ako lagi ha kahit may kaniya kaniya na kayong lovelife." napapahiyang sabi ni Clint.

"Sa amin ka nalang, right Chie?" Presinta ko.

"Ah yes, why not?"pagsang ayon niya sakin. "Besides we're already friends naman na." dagdag nito.

"Tengkyu ehe!" si Clint. "But wait! taray ah!! Friends? Kayo ni Kiera friends? HAHAHAHA" sabi nito tapos tumingin sa mga kasama namin. "Kayo din Friends? Aba'y sinong niloloko niyo ha? Panong naging friends ang mga ganiyang akbayan? Holding hands? Tapos tong dalawang to nagkaaminan." turo niya kila Jade at Dwight. "Eh baka gusto niyong umamin ha? Kayong tatlong higad? Hahaha" turo samin ni Clint kaya natawa naman kami sa inasta niya.

"Ano ka ba Clint, we don't have anything to confess duh!" natatawang sabi ni Micha.

"Naku! Naku! Naku! Michaaaaaaa! Wag na wag mokong tinotalkshit! Eh kung makapulupot nga kayo sa isat isa nitong si Jason eh daig niyo pa ang linta! HOYYY! Imposible namang wala kayong nararamdaman." prangkang tawa ni Clint at hindi nakasagot si Micha. " Oh ano? HAHAHA Amin amin din pag may time mga mare anu ba!" dagdag niya at nagtawanan nalang din kaming lahat.

"Tama na ang asaran mga apo, tapos na ba kayong kumain? tanong ni lola.

"Opo la, tapos na po" sabay naming sabi.

"Oh siya, lumakad na kayo't parating na ang nagbabadyang ulan."

"Sige po la, hindi na po kami magliligpit ng mga hugasin po ah?" si Kath.

"Oo naman, bisita kayo e. Oh sige, lumakad na kayo." si Lola. "Mag ingat kayo sa pagmamaneho mga iho." dagdag ni lola at kasalukuyan akong umiinom ng biglang......
Lalo na't ganito kagagandang dalaga ang mga nobya niyo."

"Hukkkk!"

"Are you okay?" si Chie. Nabilaukan ako dahil sa sinabi ni lola at taka naman silang napalingon lahat sa akin.

"Nagulat ka yata sa sinabi ko apo, hindi ba't nobyo niyo ang mga ito?"

"A-ahh e-hhh h-hindi po, kaibigan p-po namin s-sila." Utal na pagtatama ko.

"Asusss!" bulyaw ni Clint. "Kaibigan ba talaga? Nako lola wag kang maniniwala sa mga yan tignan mo nga oh may sari sarili silang pakner!" dagdag niya kaya pinagtaasan ko siya ng kilay.

ME plus YOU equals PERFECT (On going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon