Naramdaman ko ang tapik sa balikat ko kaya nagising agad ako. Kinusot ko muna ang mata ko bago tumingin sa tumapik sakin. Si Dwight.
"We're here. Sorry kung ginising kita." sabi niya at ngumiti.
"Its okay." sabi ko. Inayos ko ang sarili ko tsaka bumaba ng kotse niya. Kukunin ko na sana yung costume ko sa kotse niya ng magsalita siya.
"Ahh iuuwi ko nalang yan. Total don naman tayo sa bahay magpapractice diba? Para hindi kana rin mahirapang bitbitin yan." sabi niya kaya tumango ako.
"Sige, salamat." sabi niya at ngumiti siya.
"I have to go. Late na." sabi niya at tumango ako. "Ahh pasok kana, bago ako aalis." dagdag niya.
"Okay, ingat ka. Bye." sabi ko at tsaka tuluyang pumasok sa gate at hinayaan nalang na si manong guard ang magsara. Narinig ko naman ang paharurot ng sasakyan niya paalis. Nagdoorbell ako sa pintuan at agad naman iyong binuksan ni manang.
"Kamusta ang lakad niyo iha?" tanong ni manang.
"Ayos naman po." sagot ko ngumiti lang siya at nagtuloy ako sa pagpasok. Hindi ko nakita sila mom and dad sa sala kaya umakyat nalang ako sa kwarto. Agad akong dumeretso sa banyo para maligo dahil pakiramdam ko ay ang lagkit kona. Matapos akong maligo at isinuot ko ang robe ko at naupo sa single couch sa kwarto ko. Sumandal ako ng biglang maisip ang kakaibang kilos ni Dwight simula pa kanina. Hindi naman kasi siya ganon, parang biglang bumait. Tumayo nako at nagtungo sa closet. Kinuha ko yung ternong pantulog lo at nagbihis. Himiga naman ako at parang hindi ko ramdam ang gutom kaya kinuha ko ang cellphone ko at tinext si mommy na hindi na ako kakain at matutulog na. Nag alarm ako bago matulog.
Zzzzzzzzz zzZZzzzz...........
K I N A B U K A S A N
Nagising ako dahil sa alarm ko. Agad akong bumangon at dumeretso sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis nako at dali daling bumaba at kumuha ng cereal at gatas sa ref. Kinain ko yon at nagpaalam kay manang dahil baka tulog pa sila mommy. Mabilis akong lumbas at pinaandar ang motor ko. 10 minutes lang bago ako nakarating sa school dahil hindi naman masyadong traffic. Papunta na ako ngayon sa parking lot at natanaw kona ang mga kaibigan kong nag aabang sakin ay este sa kwento ko tsh! Pagkababa ko ay sinalubong na agad nila ako at nagbeso beso kami at matapos non ay tinignan ko silang nakatingin parin sakin na parang nanunukso. Hinihintay ng mga tong magkwento ako tsh! Anong ikukwento ko? Eh bumili lang naman kami. At bakit ko siya ikukwento sa kanila. Ano ko ba siya? Tsk!
"Ahemm! Ahhh-hemm!" kunwareng ubo ni Clint. "Baka may take out kang kwento jan? Share naman jan mare." 6dagdag niya. Sinadabi ko na nga ba eh. Naghihintay tong mga to!
"Kahit katiting lang, parang awa mona." si Kiera kaya natawa ako sa itsura nilang apat hhahahaha. Huminga ako bago nagsalita.
"Hinintay ko siya sa bahay nila at hinintay niya din ako. Nakilala ko ang parents niya at ganun din siya sa parents ko. Magkaibigan daw at business partners ang magulamg namin pero hindi namin alam iyon. Tapos pumunta kaming mall. Pumunta sa Dance Store para bumili. Siya ang nagbuhat ng costume namin. At pagkatapos pumunta kami sa may mga sandals at bumili narin ako mg iteterno para wala na akong poproblemahin. Tapos umuwi na kami." walang preno ng bungangang kwento ko. At gulat na gulat naman sila.
"Grabeeee! Baka gusto mong uminom ng tubig Jade. Parang minamadali ka naman naming magkwento! Wala kang preno hanepp!" si Kiera kaya natawa ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
ME plus YOU equals PERFECT (On going)
De TodoHindi sa lahat ng bagay ay magagawa at makukuha mo ang gusto mo. Kahit pa nasa iyo na ang lahat. Yaman, gwapong mukha, popularidad, talino, kayabangan, isama mona yung pagiging dakilang bad boy. Yan, yan ang katangian na meron sa nag iisang taga pag...