XHigh13: Rainbow Prison

177 10 0
                                    

Frank's POV

"Papatayin kita. Pagkatapos ay ang mga kaibigan mo!"

Mas lalong bumilis ang tibok ko sa mga narinig ko naalala ko ang mga araw na kasama ko sila ..

Ngayon lang ..

Ngayon lang ..

Ngayon lang ako nag karoon ng kaibigan!

Naalala ko ang mga Ngiti nila habang kasama ko sila.

Napapikit ako nakakita ako ng liwanag nasa likod ako .. Hinihintay nila ako..

Po-Protektahan ko sila!

Agad ay Sinipa ni Frank ang Katawang Bato ni Judo dahilan para makawala ito sa pagkakahawak ng kalaban.

"Gusto mo pang Maglaro?" Natawang sabi ni Judo

Nakapikit si Frank ng sabihin ito ni Judo unti-unti itong tumayo kasama ng pag bukas ng kanyang mga mata

Di ko na gustong gamitin ito ulit.

Pero para sa mga kaibigan ko! Gagawin ko!

Inilabas ni Frank ang Dalawang Kadenang nakapulupot sa mga braso nito kasabay nito ay ang pag buo niya ng Hugis Trianggulo sa kanyang mga kamay.

"Rainbow Prison"

---

A-Anong!? Gulat na Sabi ni Majika ng makita ang pag babago ng puting buhok ni Frank

kasama ng iba't ibang kulay na pumapalibot dito

"Ina Majika?"

Nakita nyang Ngumiti ito ..

Ang mga kabataang ito ang magliligtas sa mundo nyo at ng iba pa.

------

Matapos ang pagkalat ng X-chemical kasama ding kumalat ang 9 fragments ito ay ginawa para sa proteksyon ng mga planeta.

Di nila inasahang kapangyarihan ang dala nito kung kakalat sa sangkatauhan ..

Ngayon ang Syam na Fragment na ito ay kasamang kumalat sa Earth sanhi upang mag dulot ng mas matinding sigalot sa ibang mga planeta.

Nasabi na din ni Majika na ang Syam na may hawak ng Fragment ang kelangan upang maayos ang sigalot sa iba't ibang parte ng Kalawakan '

----

Muli ay Tumingin ito sa kanyang crystal ang 4th Fragment ang Rainbow Fragment

"ano ito ina majika?" nagtatakang tanong ni Liya

"Hndi ko din alam kung ano ang abilidad nito ngayong ngayon ko pa lamang nakitang ginamit ito ni Frank .."

Pero ang Fragment na ito ay upang iBalanse ang mga emosyon sa isang planeta ' base sa pinakita ni Frank sa kanyang Skill Test eto nga ang abilidad na nakuha neto pero di ko lubos maisip na gagamit sya ng sacred metal na mag tatago ng tunay nyang kapangyarihan.

Mas naliwanagan naman ang isip ni Liya sa Nalaman

sa kabilang banda naman ..

---

Rainbow Prison

Ikinulong ni Frank ang Imahe ni Judo sa kanyang Triangulong kamay

Iba't Ibang Kulay na aura ang pumulupot dito isang napakalakas na hangin na dahilan para mahirapan gumalaw si Judo

"ANO ITO!" Galit na Galit na sigaw ni Judo

Unti unti ay humina ang hangin at nawala ang nakapulupot na kulay sakanya

pero ang mata ni Frank ay nag iba tila dito nagpapatuloy ang iba't ibang kulay

"Tapos kana? Ako naman!" sabi ni Frank ng tumakbo ito kay Judo

Sinuntok nya ito pero walang naramdamang sakit si Judo dahil sa kanyang katawang bato.

"HAHAHA" Yun lang ba ang ka- naputol ang sinasabi ni Judo ' "AHHH!" Sigaw neto

Nakaramdam ito ng matinding sakit ano ito! Wala syang makitang kahit na anong galos sakanya

napaluhod ito sa sakit ng humarap sakanya si Frank

Kulang pa?

Agad ay tumayo si Judo kasabay ng pagtayo nito ay ang pag talon ni Frank sa kalangitan

napatingala naman si Judo nito. Huli na ng makailag sya dito  ..

Pumulupot sa katawang bato nito ang mga kadena ni Frank.

"Poprotektahan ko Sila! Nanlilisik na sabi ni Frank!"

"P-Panong natalo ako!"

BLOODY PRISON!!

Agad ay nawasak ang batong katawan ni Judo at ang katawan nya ay duguang tumumba sa lupa.

Gulat na Gulat si Grell sa mga nakita .

Hinihintay nila ako nanghihinang sabi ni Frank..

Dito ay nawalan ng malay si Frank

---

X-High : School Of MutantsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon