*RIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGG*
Badtrip naman tong bell na to nakakagulat! Ayon na eh! Sasabihin na dapat ni FJ yung gusto niyang sabihin eh! Wrong timing naman tong bell na to! Natigil yung panggagalaiti ko sa bell nung biglang nagsalita si FJ.
" Ah sige Patricia una na ko. Sa susunod ko na lang sasabihin sayo." Tapos tumalikod na siya at naglakad pabalik sa room namin.
Hala! Bipolar ba tong si FJ?! Pareho lang naman kami ng room ah! Magkaklase kaya kami! Nako hayaan mo na nga siya. Baka sadyang iniiwasan niya lang ako dahil dun sa sinabi ko. Hayy sabi na eh! Kaya ayaw kong ipaalam na may crush ako don eh. Hayy bahala na nga. Makapasok na nga sa room baka mapagalitan pa ko ng bruha! Hahahaha!
"Goooooooddddd Mmmoooooorrrrrnnnniiinnnggg Ms. Bahaw!"
"Okay Good morning class you may take your seat, and please get your book and open it on page 189." Then nagsimula na siyang magdiscuss.
Hala! Eto nanaman siya! Binabasa biya nanaman yung buong libro! Grabe to! Ganito talaga to pag nagdidiscuss eh babasahin lang sa libro tapos tatagalugin para kunwari in-explain niya! Sus! Kung babasahin lang pala edi sana kami nalang yung gumawa! Tss sayang binabayad namin sa school kung puro ganito lang yung teachers!Ayy teka! Parang walang maingay sa tabi ko ah! Nasaan na kaya si George?! Aba! Sabi niya babalik siya agad! Saan kaya yon dinala ni BJ? Tsk I'm so curious pero mamaya ko na lang ipagpapatuloy yung pag-iisip kung nasan si George kasi kailangan ko munang aralin tong tinuturo ni Ms. Bahaw baka bigla nanamang magpaquiz eh wala naman kaming naiintindihan sa pinagsasasabi niya. Tapos mali mali pa yung pronounciation kaya mas lalo naming di maintindihan!
Hayy! Teka nga! First time magcutting ni George ah! Ayan sobrang nag-aalala na talaga ko! Ang tagal naman maglunch!
(A/N: Ano ba yan Patty! Kaka-recess lang lunch na agad yung gusto mo?! Hindi ka naman gutom niyan?!)
Tss wag ka ngang maingay Author! Hindi ako nagugutom okay!
(A/N: Weh?)
Okay fine nagugugutom nga ako pero hindi yun yung dahilan kung bakit gusto ko nang mag lunch!
(A/N: Weh hindi yon? Eh ano? Sus alam ko na!)
At ano naman yon?
(A/N: Naeexcite ka kasi baka pag nag lunch na kausapin ka ulit ni FJ tapos ituloy niya na yung sinasabi niya kanina no?! Yieeee aminin! Yiiieeee! HAHAHAH-- Aray!)
Ang ingay mo kasi! Hindi naman kasi yun yung dahilan! Gusto ko na kasing hanapin si George! Nag-aalala na talaga kasi ako!
(A/N: So kailangan nambabatok? Pwede mo namang sabihin na lang sakin ng matino na hindi yon yung dahilan! Tsk!)
Eh ikaw kasi eh! Ayaw mo muna kong pagsalitain dirediretso yang bunganga mo!
(A/N: Hmmp! *irap*)
Tsss drama mo Author ha! Oo na sorry na! Sorry na kung nabatukan kita. Pero kasalanan mo pa rin talaga! :P Hahahahaha!
(A/N: Tss ewan ko sayo! Pero dahil nagsorry ka sige pagbibigyan kita! Ipa-fastforward na natin to!)
*FASTFORWARD*
*RRRRIIIIIIIIIINNNNNNGGGGGGGG*
Hayyy sa wakas bell na rin!
Aaaaahhhhhhh!!*inat*inat*inat*
Okay sisimulan ko na paghahanap ka George!
Ano to? Search and Rescue lang ang peg?! Hahaha joke eto na talaga!
*lakad*lakad*lakad*baba sa hagdan*lakad*lakad*
Ayyy teka si BJ yun ah! At teka?! Bakit kasama niya si Shawla?!
Wait ibig sabihin kung kasama ni BJ si Shawla eh asan si George?! Wait nga maitanong dito sa BJ na to!
*lapit*lapit*lapit*
Aba't hindi man lang ako napansin nitong bestfriend kong to! Busy-ng busy eh! Busy-ng busy sa pakikipaglandian ka yShawla! >."BIJEY!" sigaw ko sakanya! Aba eh! Hanggang ngayon ba naman kasi di pa rin ako napapansin!
"Patty! Bakit ka naman naninigaw?" tanong niya sakin
"Eh pano naman po kasi kanina pa ko dito ni hindi mo man lang ako pinapansin kasi sobrang busy mong titigan si Shawla! Tss tara nga don mag-usap tayo!" paliwanag ko sakanya na medyo pasigaw pa pero mahina naman na ng konti sabay hatak sakanya papunta dun sa labas ng canteen.
"So ano BJ? Bakit busy-ng busy ka kakatotig kay Shawla?" tanong ko sakanya nung nakalabas na kami.
"Eh bakit ba! Ang ganda niya eh!" sabi niya sakin ng kumikinang kinang pa yung mata!
"Argh! Kadiri ka BJ! Kalalaki mong tao! May nalalaman ka pang paganyan ganyan!"
"Bakit?! Babae lang ba may karapatang umibig?! Babae lang ba ang may karapatang kiligin! Babae lang ba-- Aray Patty!" yan ang drama kasi nabatukan ko tuloy!
"Teka BJ bago ka mag drama't maglumandi jan! Nasan muna si George?! Hindi siya pumasok sa 3 subjects kanina! At ikaw ang huli niyang kasama so nasan siya?" dire-diretsong sabi ko kay BJ.
"Ha?! Si George nagcutting?! Bago yon ah! Woah! As in talaga si George nagcut-- Aray Patricia nakakadalawa ka na!" ang ingay kasi binatukan ko tuloy ulit!
"Ano ba BJ! Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko! At san mo ba siya dinala kanina ha?! Ano ba yung sinabi mo sakanya? Bakit sakanya lang?! Nako BJ! Ganyan ha! Ganyanan tayo eh!"
Dire-diretsong sabi ko sakanya."Teka nga Patty! Alam kong ma-abs at gwapo ako pero dahan dahan naman sa pagtatanong di ko kayang sagutin yan ng sabay sabay!" nagbibirong sabi niya. Batukan ko kaya ulit to! Leche eh!
"Ang hangin BJ! Grabe! Ilang electricfan ba gamit mo?! Leche neto! Sagutin mo na lang kasi yung tanong ko! Asan ba si George?!" sigaw ko na ulit sakanya.
"Chill Patty! Mag judge ka muna!" sabay abot ng v-fresh.
"BJ!!!! Talaga bang hindi ka aayos? Susungalngalin kita sa bagang tingnan mo!"
"Joke lang! Eto namang bestfriend ko masyadong high-blood! Eto na sasagot na!"
"Salamat naman! Asan ba kasi si George?" tanong ko ulit sakanya.
"Sa totoo niyan Patty di ko rin alam eh.*kamot sa ulo*" Hala! May kuto kaya tong si BJ? Hahaha joke!
"Ha?! Hindi mo alam?! Eh kanina lang tinawagan mo ah! Sabi mo may sasabihin ka sakanya?!"
"Ah oo nga tinawagan ko nga siya sinabi ko rin na may sasabihin ako. Sa totoo nga niyan nagkita na nga kami tapos pagkasabi ko sakanya bigla na lang siya umalis tapos sabi niya babalik na daw siya sa room. Nagmamadali nga eh. Sabi ko nga sakanya sabay na kami eh kaso wag na daw mauna na daw siya." paliwanag niya sakin.
"Eh ano bang sinabi mo?" tanong ko sakanya. Nag-aalala na ko kay George asan na kaya yung babaeng yon?
"Ahhh ganito kasi yon....
...
..
.----------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry. Sobrang late ng update.