Chapter Nine

24 0 0
                                    




***Olivia Mae***



"Via, Sorry talaga ah." Sabi sa akin ni Gio pagkatawag niya sa akin. Nasa New York siya ngayon dahil kailangan niyang asikasuhin ang company ng father niya. "Ok ka lang ba diyan?"



"Oo naman." Sabi ko sa kanya. Ayoko na siyang bigyan ng problema. Baka kasi hinde siya makapagconcentrate. "I'm fine. Busy sa work."



"Kamusta ang pagsasama niyo sa opisina?" tanong ni Gio sa akin. Halatang nag-aalala pa rin siya. "Hinde ka nama niya kinukulit?"



"Hinde na." sagot ko kay Gio. Hinde na ako kinakausap ni Sky except na lang kung tungkol sa work. "Wag ka ng mag-alala. Kaya ko na ang sarili ko."



"Ok, sabi mo eh." Natatawang sabi ni Gio sa akin. "Oo nga pala, matatagalan yata ako dito."



"Ganun ba?" malungkot kong sabi sa kanya. "kailan ka babalik?"



"Baka next month pa." sagot sa akin ni Gio. "Pero susubukan kong makauwi ng mas maaga."



"Take your time, Gio." Paalala ko sa kanya. Ayokong magmadali siya sa trabaho niya para masamahan lang ako dito. "Hinde naman kita minamadali."



"Gusto din naman kitang makasama, Via." Sabi ni Gio sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Sweet talaga sa akin si Gio. "I miss you."



"I miss you too, Gio." Sabi ko kay Gio at agad ng nagpaalam sa kanya nang may bumukas ang pinto ng office ko. Napatingin ako kay Sky na seryosong nakatingin sa akin. "Yes?"



"Magpapaalam sana ako sa yo." Seryosong sabi ni Sky. "I need to go."



"Why? Oras pa ng trabaho."



"May emergency akong kailangan puntahan." sagot ni Sky at tumingin sa phone niya. "Excuse me."



"Sandali." Pagpigil ko sa kanya bago siya tumalikod sa akin pero di ako pinansin at may kinausap sa phone.



"Xandra, I'm on my way." Sabi ni Sky. Si Xandra? "Sorry, I really need to go."



Hinde na ako hinintay ni Sky at nagmamadaling umalis sa office ko. Anong nangyari? Anong emergency kay Xandra? Akala ko ba, hinde sila kasal?

From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon