Chapter Five

26 0 0
                                    






***Landon Sky***



"Tito Gary!" tawag ni Mae nang makita si Doc Gary sa hallway ng hospital. "Nasaan si Daddy?"



"Olivia! Sky, anong ibig sabihin nito?" seryosong tanong ni Doc Gary. "Bakit sinama mo si Olivia?"



"Sorry, Doc." Sabi ko sa kanya. "Noong tumawag kayo sa akin, Nasa office siya."



"Bakit ba ayaw niyong malaman ko? Ano bang nangyari kay Daddy?" galit na sabi ni Mae sa amin. "Nasaan ang Daddy ko?"



"Nasa ICU siya." Mahinang sagot ni Doc Gary at sinamahan na kami papunta sa ICU. "Masyado ng nahihirapan sa paghinga si Oliver at tumaas ang BP niya kanina."



"Kailan pa to? Ano talagang sakit ni Daddy?!?"



"Lung cancer, Stage Four na." sagot ko kay Mae. Kitang kita na gulat si Mae at tumulo ang luha niya. "Matagal na siyang may sakit, kahit noong hindi pa kayo ayos ni Tito, stage 1 pa lang noon."



"Alam mo na to noon pa??" Puno ng galit sa mukha ni Mae at sinampal ako. Napahawak lang ako sa mukha ko. "Bakit di mo agad sinabi sa akin to?!?"



"I'm sorry. Ayaw ipaalam ni Tito ang kalagayan niya sa yo. Ayaw niyang mag-alala ka."



"Kaya nilihim mo! Karapatan kong malaman iyon!" galit na sabi ni Mae habang umiiyak. "Lagi mo na lang akong niloloko!"



"Olivia, calm down." Pakiusap ni doc Gary sa kay Mae. "I'll explain everything to you."



"I'm sorry, Mae." Sabi ko sa kanya at niyakap ko si Mae. Hinayaan ko lang siya kahit na hinahampas niya ko. "I'm sorry. So sorry for everything, Mae."



Huminto na si Mae sa kakahampas sa akin at umiyak na lang sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinahaplos ang buhok niya.



"Mae?" tawag ko sa kanya nang bumibigat na ang sandal niya sa akin. "MAE!!"



Agad ko siyang binuhat at hiniga siya sa bench. Lumapit agad si Doc Gary at chineck si Mae.

From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon