Chapter Sixteen

31 0 0
                                    



**Olivia Mae**



"Meeting adjourned." Agad kong sabi sa mga board members. Nagsitayuan na sila at lumabas ng board room maliban kay Sky. "Sky?"



"Mae, pwede ka ba mamaya?" tanong sa akin ni Sky. "Hangout kasama sila Trisha sa bar namin."



"Sige." Pagpayag ko kay Sky. Ok naman ang pakikitungo namin sa isa't isa. Mas naging komportable kami sa isa't isa. Parang malapit ng bumalik ang friendship namin tulad ng dati. "Oo nga pala, bukas, pwedeng ikaw ang makipagmeet sa bagong client natin?"



"Ok." Agad na pagpayag sa akin ni Sky at nginitian ako. "Ako ng bahala doon."



"Thank you." Sabi ko kay Sky at tumayo na. "Gusto mo bang sumabay sa akin na kumain?"



"Ok lang ba?" nag-aalangang tanong sa akin ni Sky. Tumango lang ako at nginitian siya. "Sige. Saan mo gustong kumain?"



"Ewan ko." Sagot ko kay Sky. Hinde ko alam kung anong gusto kong kainin. "May alam ka bang bagong kakainan?"



"Ah, oo." Masayang sabi ni Sky at pinauna na kong lumabas ng board room. "Diyan lang sa tabi. Minsan doon kami kumakain ni Tito Oliver."



"Close talaga kayo ni Daddy?"



"Oo pero siyempre pinagsikapan kong kunin ulit ang tiwala niya." Kuwento sa akin ni Sky habang nasa elevator kami. "Hinde naman ganun kadali mabalik ang nasirang tiwala niya sa akin."



"Paano mo nagawa iyon?"



"Hinde ako sumuko." Sabi ni Sky sa akin. "Lagi akong pumupunta sa bahay niyo, nagdadala ng fruits o kaya chocolates."



"Tinatanggap ba ni Daddy?" tanong ko sa kanya. Gusto kong malaman kung paano sila naging close ni Daddy.



"Hinde. Tapos napasok ako sa kumpanya niyo para maging intern." Pagpatuloy sa kuwento ni Sky. "Noong una, ang daming pinagawa sa akin doon at aaminin ko, nahirapan talaga ako."



"Nabanggit nga iyan ni Tito Gary sa akin." Sabi ko sa kanya. Nandito na kami sa harapan ng isang karinderya. "Dito tayo kakain?"



"Oo." Agad na sagot sa akin ni Sky. "Masarap dito. Trust me, Malinis ang pagkain nila dito."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon