Chapter One

45 0 0
                                    



***Landon Sky***



"Sir Oliver, eto na po ang mga papers na pinakuha niyo." Agad kong sabi kay Sir Oliver pagkadating ko sa opisina niya. Intern ako sa opisina ni Sir Oliver. Two months na din ako nag-iintern sa OMT's company. "Sir, may ipapagawa pa po ba kayo?"



"Bring this paper to Mr. Cruz now." Inabot sa akin ni Sir Oliver ang envelope na nakapangalan kay Mr. Cruz. Binigay din niya sa akin ang address kung saan ko mahahanap si Mr. Cruz. "I want you to convince him to be our partner so that we can supply to their store. I want this done as soon as possible."



"Yes, sir." Nagpaalam na ko kay Sir Oliver at nagsimula ng bumiyahe papuntang Tagaytay. Nasa Tagaytay kasi si Mr. Cruz. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin pa to, ipapagawa. Intern pa lang ako dito. Paano ko ba mapapayag si Mr. Cruz na maging partner? Bahala na! Pero sisiguraduhin kong magagawa ko ng maayos ang inuutos sa akin ni Sir Oliver.



Sa OMT company ko talaga piniling maging intern. Gusto kong magpaliwanag kay sir Oliver kung bakit ko kinailangan na hiwalayan si Mae three years ago. Noong umalis si Mae sa Pilipinas, ilang beses kong sinusubukan kausapin si sir Oliver pero di niya ko hinaharap. Halos lagi akong nasa tapat ng bahay nila pero hindi talaga niya ako gustong makausap. Sa pagiging intern ko, mas may chance na makausap ko si Sir Oliver.



Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita kay Mae. Hindi ko alam kung nasaan siya. Kahit sila Trisha, walang balita kay Mae. Para bang naglaho siya na parang bula. Walang may alam kung hindi si Sir Oliver. Napaliwanag ko na lahat kila Storm at Trisha ang dahilan ko kung bakit ko hiniwalayan si Mae at napatawad na nila ko sa nagawa ko at alam nilang mahal ko pa rin si Mae hanggang ngayon.



*RIIIINNNGG RRIIIIINNNNGGG*



Nagpark muna ako sa gilid at kinuha ang phone ko at sinagot ito. Baka si Sir Oliver to.



"Hello?"



"Sky, Nasaan ka?" tanong sa akin ni Storm. Napatingin ako sa dashboard ng kotse at nakita ko ang oras. 1:30 pm na pala. "Ikaw ang magbabantay dito sa bar!"



"Sorry, Storm." Sabi ko sa kanya. "Papunta akong Tagaytay. May pinapagawa si Sir Oliver."



"Sa Tagaytay?? Sky, seryoso ka ba?"



"Oo." Sinabi k okay Storm ang pinapagawa sa akin. "Bawi na lang ako pagbalik ko."

From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon