Chapter Six

22 0 0
                                    





***Olivia Mae***



"Daddy, sorry kung di ako nakauwi agad."sabi ko kay Daddy at hinawakan ang puntod niya. Naiinis ako sa sarili ko dahil agad ako umuw dito. "Madaya ka kasi, bakit hinde mo sinabi sa akin na may sakit ka? Edi, sana umuwi na ako kaagad."



"Via, baka gusto mo munang umuwi para makapagpahinga ka." Nag-aalalang sabi ni Gio sa akin. Umuwi agad si Gio nang malaman niya ang nangyari kay Daddy. "Hinde ka pa kumakain mula kahapon."



"Ok lang ako, Gio." Sabi ko sa kanya. "Iwan mo muna ako dito."



"Dito lang ako sa labas." Paalam sa akin ni Gio. "Hihintayin kita."



"Daddy, bakit ganoon? Bakit mo ko iniwan?" hinde ko na napigilan ang luha ko. "Sabi mo, susunod ka sa New York. Anong nangyari ngayon?"



"Bakit nilihim mo sa akin to? Matagal ka na palang may cancer, tapos hinde mo sinabi sa akin!" inis na sabi ko sa kanya. "Sana may nagawa ako. Sana naalagaan kita. Sana nakasama kita. Sana hinde kita iniwan noon."



"VIA!" sigaw ni Gio nang bigla akong mapaupo dito. Napasandal na lang ako sa puntod ni Daddy. "Dalhin na kita sa hospital!"



"No. Ayoko." Mahinang sabi ko kay Gio. "Sa bahay na lang."



"Ok." Agad na akong binuhat ni Gio at sinakay sa kotse. "Don't worry, Via. Andito lang ako para sa iyo."



Pagkagising ko, Andito na ko sa kuwarto ko sa bahay. Nakatulog na ako noong nasa kotse pa lang. Tinignan ko agad ang orasan at napaupo ako bigla. Halos isang araw na akong tulog?



1 pm na pala. Siguro dahil sa sobrang pagod at kulang ako sa tulog kaya natagalan ang pagtulog ko ngayon. Agad na kong nag-ayos at lumabas na ng kuwarto.



"Mae, andito pala si Attorny Cabral." Sabi ni Yaya Fely. "Kanina pa sila naghihintay sa verandah."



"Bakit di mo ako ginising agad?" tanong ko sa kanya. Agad na akong naglakad papunta sa verandah. "Si Gio pala?"



"May kailangan daw pong asikasuhin sa Office." Sagot ni Yaya Fely. "Babalik daw po siya agad."



Napatingin ako sa verandah, may isang lalaking nakaupo doon, sigurado akong si Attorney Cabral iyon. Napatingin sa akin si Attorney Cabral at agad na tumayo.

From This MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon