Chapter 8

77 2 0
                                    

Nagdiretso si Hardy sa farm niya sa Batangas. Kailangan niyang abisuhan ang katiwala niyang sina Mang Conrad at Michael na kailangan niyang manatili sa Maynila. Sinabi niya sa mga ito na may mga aasikasuhin siyang mahalagang bagay kung kayat matatagalan siya bago makabalik.

Minabuti na rin niyang makita ng personal ang kalagayan ng mga hayop nilang alaga dito lalo na ung mga may sakit.

"Tawagan mo nyo na lang ako kapag may problema dito sa farm. Si Michael ang may hawak ng finances sa kanya kayo makikipag coordinte kapag may kailangan kayo sa pinansyal Mang Conrad."

"Michael, alam mo na ang gagawin mo."

"Opo, Sir." Sabay na wika ng dalawang katiwala.

Hindi ito ang unang beses na ipinagkatiwala niya muna sa mga ito ang pangangasiwa ng farm. May mga pagkakataong nag a-out of the country siya at maayos ng mga itong napapanatili ang magandang pamamalakad dito. Maaaring iba ngaun ang kalagayan ng farm ngunit may tiwala siya sa mga ito.

Hindi na siya nagtagal at muling bumalik sa Maynila. Napagod siya ng husto kaya nakatulog siya kaagad.

***

Nagmulat ng mata si Hardy. Kaagad niyang tiningnan ang orasan sa bedside table niya. Pasado alas sais na ng umaga. Tamang tama lamang ito para makapaghanda siya sa unang araw niya sa pagpasok sa opisina. He prepared his breakfast at naligo na kaagad pagkatapos kumain.

Matapos ang ilang minuto ay handa na siya. He's on his favorite pair of jeans, neutral-colored shirt na bahagyang humahapit sa kanyang katawan, khaki sportscoat na tinernohan niya ng white tie-up shoes. Smart-casual attire ito na bagay na bagay sa kanya.

With his key on his hand, lumakad na sya patungo sa kotse niya at sumakay dito.
He has a red, 717-horsepower, 2021 Dodge Charger Hellcat. Masasabing bagay na bagay ang sasakyang ito sa kanya. Sasakyang gwapo para sa napakagwapong katulad niya.

Pagkakita sa sasakyang ito ay kaagad niya itong binili. Tila ba kumakatawan ito sa kanyang personality. Gumugol siya ng mahigit $70,000 dito ngunit hindi niya ito pinagsisisihan. Kung tutuusin maari naman siyang bumili ng sasakyan na mas mahal pa dito gamitin lang niya ang perang ibinibigay ng kanyang ina dati na ayon sa kagustuhan na din ng kanyang ama na hatiin sa kanilang magkapatid ang ari ariang maiiwan nito bago ito mawala.

Kundi lang dahil sa pride nya. Gusto niyang makuha ang kanyang gusto gamit ang sarili niyang pera.

***

Pau looks chic with her well-tailored, beige suit pants and sleek blazer partnered with a high heel pump.

She's short but she knows what to wear to make her look tall. She knows what complements her assets to make it more appealing. Kadalasan lang wala siyang time to mix and match but today she's in the mood to get dressed. Nakapamili siya ng ilang mga damit bago siya umuwi kagabi. Ilang pares lang para sa mga ganitong pagkakataon.

***

Umaga pa lang masigla na si Pau. Bahagyang naghahum pa ito ng kanta habang papasok ng opisina.

Pagbukas niya ng pinto ay nagulat pa siya sa nandoong lalaki. Nakaupo ito sa upuan niya at nakataas ang paa sa mesa habang hawak ang cellphone.

"Good morning, Ms. Mendez-- masyado yatang pormal. Pwede bang Paulie na lang, or--" anito tsaka tumayo.

Iginiya nito ang kamay sa upuan niya habang ito naman ay nanatiling nakatayo malapit sa mesa.

"Pau-- Pau na lang kung doon ka kumportable." maikli niyang sagot dito.

Hindi niya alam kung anong iisipin dito bagaman at ayos lang sa kanya ano mang itawag nito kahit marapat lang naman na hindi siya tawagin nito in first name basis.
Bahala na nga ito. Sa isip niya.

"Ok. You know my name already so it's nice to meet you Pau." walang emosyon na sabi nito.

Ano ba itong lalaki na ito? Ang lamig lamig ng presensya nito bagaman at napakagwapo nito. Diretsong tumingin at hindi man lang ngumingiti. Tama bang "It's nice to meet you" ang narinig nya dito? Parang hindi naman sincere! Sa utak nya na lang ang mga punang ito sa lalaki.

Hindi niya alam kung paano ito pakikitunguhan o kausapin man lang. Mukhang ito yung magiging mahirap na parte sa pakikipagtulungan niya dito patungkol sa trabaho bukod pa yung ang hirap nitong tingnan dahil ang sarap nito sa mata. Ang hirap kayang magpigil ng panlalambot pag ganitong ka-charismatic ang kaharap!

Naglakad siya papunta sa kanyang upuan ngunit mukhang napabigla siya sa ginawang ito. May malaking file cabinet malapit sa mesa kaya hindi siya kaagad nakadaan. Nasa tabi ng daanan ang lalaki dahil nasa corner ito ng table kayat muli silang nagkalapit ni Hardy.

Tila sasabog ang dibdib niya sa paghaharap nilang ito. Bakit ba apektado siya ganung wala naman itong ginagawa? Napatingala siya dito. Nakatitig ang mga mata nito sa kanya subalit hindi niya mabasa ang reaction nito.

Hardy on the other hand is trembling inside.

"She's so damn gorgeous!"

Pagpasok nito ay ang masaya nitong mukha ang nakita niya na bahagyang sumimangot pagkakita nito sa kanya. That made him feel under rated again. Tila biglang gusto niyang mas maging higit pa sa kung ano siya ngayon para lang makita nyang muli ang mga ngiting yun ng babae habang nakatingin sa kanya. Pero yung better version nga ba niya ang makapagpapangiti dito?

He could feel the intense rush of his blood in his body. He never felt degraded like this ng ibang mga babae but this bulilit is doing it over and over again and he cant help it every time he sees her beautiful eyes and lips.

He remained on his posture. Ano ang gagawin ngayon ng babaeng ito? Why is she not reacting? God, but the mere sight of a woman staring onto him this close and like this... is heavenly!

Gusto niya itong halikan. He wants to taste her lips---- Damn it again---coz she wet those lips while looking at him.. just now!

Tsk.. hindi maintindihan ni Pau kung bakit bigla niyang nabasa ang mga labi habang nakatingin dito. Its out of nowhere. She just did. Hindi na ba siya nahihiya? Palihim niyang nasermonan ang sarili. Iisipin nito that she's teasing him.

Kitang kita ni Pau kung paano ngumiting bigla ang mga matang yon pagkatapos ng kanyang ginawa. Nang biglang...

"Aaahchoooo..!"

Hard-headed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon