Chapter 13

113 1 0
                                    

Namula si Pau sa pagkapahiya. Kitang kita nito kung paano niya ito tiningnan.

"C-can I have a cup of coffee?" naisip ni Pau na baka mahulasan siya kung iinom siya ng mainit at matapang na kape.

"Sure. Just wait for me here." matipid na sagot nito at kaagad na lumabas ng silid.

Iginala ni Pau ang mga mata sa paligid at naappreciate niya ang detalye ng silid.

Black and white ang tema nito. Modern minimalist na may industrial touch ang interior design. Very masculine ang lines pati ang choice of furnitures dito. May maliit na coffee table at upuan sa may pintuan at mahabang couch malapit sa kama. On the left ay ang closet na nagmukhang parte ng wall design dahil nagblend ito dito. Naroon din sa side na iyon ang sarili nitong banyo.

***

Ilang sandali pa ay bumalik na si Hardy na may dalang isang tasa ng kape. Naamoy niya kaagad ang matapang na aroma nito. Sinimulan na niya itong higupin ng mapatingin sa digital clock sa side table. It's past 4am.

Hindi niya alam kung gaano siya katagal na tulog. Kung hindi pa siya nakaramdam na parang nasusuka malamang na tanghaliin na siya ng gising. Malamang na hinanap siya ng mga kaibigan niya at inakalang umuwi siyang mag isa. Pero mas nababagabag siya sa kahihiyang pinaggagawa niya habang lasing siya. Ano na lang bang iisipin nito sa kanya?

Hardy seated on the side of the bed. Tumingin si Pau dito but this time parang wala ng inhibitions siyang nararamdaman towards him. Parang sa saglit na pagsasama nilang muli sa kabila ng awkward nilang sitwasyon ay gumaan ang loob niya dito.

If its the magic of his coffee then it can do wonders gaya ng nararamdaman niya ngayon.

"Hardy, do you have a girlfriend?" out of nowhere ay naitanong dito ni Pau.

Tila nalito naman si Hardy sa tanong nito. All of a sudden she looks comfortable samantalang kanina lamang ay mukhang nahihiya na nalilito ito.

"Hmm meron pero yung seryoso.. naghahanap! Sana may kilala kang pwedeng seryosohin ko." walang inhibisyong sagot naman niya sa babae.

Why the hell does he sounded so frustrated? Ni hindi niya nga naiisip magkaroon ng seryosong relasyon pero dahil sa tanong na ito ng babae parang biglang gusto na niya at sincere siya sa kanyang sagot dito.

Napangiti si Pau. Gaano ba kahirap para sa lalaking ito ang magseryoso para maging ganito kadesperado?

***

Pau remembered her previous relationships. Sineryoso naman siya ng mga ito infact nagtagal ang relationship niya with her last boyfriend. Kaya lang she never felt treasured by them. Palaging siya ang mas nagmamahal. Palaging siya ang nagaadjust para sa mga ito.

Hindi niya alam kung nagiging demanding lang siya para paghanapan ang mga ito o sadyang nagkulang ang mga ito sa pagpaparamdam sa kanya ng tamang pagpapahalaga.

She's used to it.

"Bakit mo naitanong?"

"I'm just curious." tipid na sagot nya dito.

"Bakit, mahahanapan mo ba ako?" pabiro niyang tanong dito.

"Oo ba!" sagot naman ni Pau na may nakakalokong ngiti.

"Ikaw, are you in a relationship?" si Hardy naman ang nagtanong while looking at her intently. He's never been this curious sa isang babae. Mostly wala naman siyang pakialam.

"No." sagot naman ni Pau and took another sip from the cup.

He don't know why he felt relieved.

Pau was done with her coffee. Umusod siya ng bahagya to place the cup on the saucer na nasa ibabaw ng table which is few inches away from Hardy. Nakita naman ito ni Hardy kaya't maagap niya itong kinuha mula dito.

"Pwede ba akong m-makishower?" pakiramdam niya ay kailangan niya ito upang bumuti ang kanyang pakiramdam.

"Hmm sure! Wait." Tumayo ito at tila may hinanap sa naroong closet. Mayamaya pa ay inabot nito sa kanya ang isang puting long sleeves at tuwalya.

"Hmm sorry wala akong makitang pwede mong maisuot. I have no idea-" napapakamot ito sa ulo habang itinuturo ang hawak na damit.

"Ano ka ba. Ok na to. Mas magiging kumportable ako dito. Salamat." Nangingiti bagamat napapahiyang inabot nito iyon sa kanya pagkatapos ay nagtungo sa naroong banyo.

***

Ilang minuto pa ay lumabas na si Pau sa banyo. Naging mas kabighabighani ang tingin nito sa kanya sa nakitang ayos ng babae. Walang make up at nakalugay ang basang maalong buhok habang nakasuot ang long sleeves niya na nagmukhang oversize sweater dito.

Napalunok si Hardy. Hindi lamang ngangayon siya napag isa sa kwaro kasama ng babae. Hindi rin siya ngangayon nakakita ng babaeng bagong ligo sa harapan niya. Kadalasan pa nga ay walang saplot ang mga ito ngunit iba ang paghanga niyang naramdaman sa babaeng ito.

She's not even doing anything to tease him right now ngunit bahagyang tumindig ang mga balahibo niya sa naramdamang biglang init ng katawan sa dating ng babaeng ito sa kanya.

Hindi naman napansin ni Pau ang reaction na ito ni Hardy dahil sa malamlam na ilaw.  Muli siyang umupo sa kama.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya dito.

"Hmm yah, I feel quite better now. Thank you." she appreciated his gestures. Mukhang natural dito ang pagiging maalaga.

"Magpahinga ka na ulit para mas bumuti pa ang pakiramdam mo. Ihahatid kita pagkagising mo tutal masyado pa namang maaga." tumayo si Hardy at mabilis na hinagip ang comforter na nasa paanan ni Pau and cover it to her.

"Thank you!" halos pabulong niyang sagot dito.

Hardy felt so tempted to kiss her again. She has her eyes on him na tila nangungusap. Thank God binawi din nito ang mga tinging iyon upang ipikit at bumalik na sa paghiga.

***

Dahan dahang nagmulat ng mata si Pau. Maliwanag sa buong silid. The curtains were open kayat pumasok sa loob ang bahagyang sikat ng araw. Wala nga pala siya sa kaniyang kwarto. Mabilis siyang bumangon. Nakita niya sa relo na pasado alas otso na ng umaga. Lumingon siya sa paligid ngunit wala dito si Hardy kayat nagpasya siyang lumabas ng silid upang hanapin ito.

Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang naamoy ang kung ano mang niluluto sa kusina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hard-headed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon