Chapter 5

77 2 0
                                    

Back to present.

Alam ni Pau na maaga pa siyang nakaratingsa Aeterams Corp for the first company meeting na aattendan nya.

Pinili na lang niyang isuot ang regular na uniporme para mas maging kumportable siya. As Chief Account Officer ay maaari siyang magsuot ng corporate attire maliban sa uniporme kaya lamang ay hindi pa niya nabibigyan ng panahon ang pamimili ng mga ganito klase ng kasuotan.

Masyado siyang naging abala simula noong mapromote siya mula sa pagaupdate ng papers hanggang sa pag aaral ng mga bagay bagay na related sa trabaho niya.

Mayroon siyang ilang pares kaya lamang ay masyado ng mga outdated ang mga ito. Baka magmukha lamang siyang katawa tawa suot ang mga ito.

Hawak ang mga files na kailangan nya for the meeting ay mabilis siyang pumasok sa loob ng gusali. Ganito talaga siya kung maglakad. Animo'y palaging may hinahabol sa bilis niyang humakbang.

Nangangalahati na siya sa paglalakad sa hallway ng lobby ng biglang maalala niya ang flash drive nya. Hindi niya sigurado kung nailagay nya ba ito sa bag matapos gamitin kagabi kayat hindi siya nag aksaya ng oras at hinanap niya ito sa kanyang bag habang papunta sa malapit na elevator.

Hindi tuloy niya napansin na muntikan na silang magkabungguan ng isang lalaking papasok rin ng elevator ng oras na iyon.

Ni hindi din niya napansin na dalawa lang sila doon at mataman itong nakatingin sa kanya.

Ilang saglit pa ay nakita nya na rin ang hinahanap. Malakas ang naging paghinga niya dahil dito. Nagaalala na siya kanina na baka hindi niya ito nadala.

***

Samantala..
Bahagyang nakasandal si Hardy sa dingding ng elevator habang pinagmamasdan ang babaeng katabi. Hindi nakalampas sa kanyang mga mata ang magandang mukha nito.

Petite ito at magandang magdala ng uniporme. Brazillian beauty ang kahalintulad ng mukha nito. Perfect ang jaw lines, may natural na mahahaba at malantik na pilik mata bagamat manipis ang mga ito na bumagay sa mata nitong pear shape. Makinis ang kutis na malaporselana. mMabango ito at may perfect butt.

Hindi inaasahang makagat ni Hardy ang kanyang mga labi. Sanay na siya na siya ang tinitingnan at binibigyan ng atensyon pero siya ang gumagawa nito ngayon sa babaeng ito.

Hindi niya alam ngunit mas interesante para sa kanya ang maliliit na babae higit sa mga matatangkad. Ito marahil ang tumawag ng pansin sa kanya.

***

Naramdaman ni Pau ang presensya ng kasama sa elevator dahil sa masculine scent nito. Ramdam din niya ang pares ng matang nakatingin sa kanya kanina pa kayat tinapunan niya ito ng tingin.

Sapat na ang sulyap na iyon para maappreciate niya ang kagwapuhan nito at karisma ngunit sapat na rin ang mga katangiang ito upang bawiin nya kaagad ang tingin mula dito at hindi ito pansinin. Hinintay na lamang niya ang muling pagbukas ng pinto ng elevator.

Naaappreciate niya ang kapogian ang mga lalaki kagaya ng katabi niyang ito pero hanggang doon lamang iyon. Para saan bang pansinin niya ito? Papansinin din ba siya ng katulad nito? Hindi siya nagagandahan sa sarili niya kung kayat iniisip niya na ang kagaya niya ay hindi magiging interesante sa mga pogi gaya nito.

"Mukhang poging playboy.." sa isip na sabi ni Pau.

***

Mababakas naman ang gulat sa mukha ni Hardy. Tama ba ang nakita niya? Tiningnan siya ng babaeng ito at kaagad na binawi ang tingin. Infact hindi na siya nito muling tiningnan.

May mga babae bang umasta ng ganito sa tuwing makikita siya? Sa ibang pagkakataon yung ibang babaeng makasabay niya ng solo ay namimilipit na sa kilig o kaya ay kanya kanyang style na ng pagpapapansin at pagpapacute. Hindi bat ang ilan pa nga ay nangangarap na makasabay man lamang siya sa paglalakad?

Mas lalo itong naging interesante sa kanyang paningin.

"Ikaw na bulilit ka!!" gigil na asik ni Hardy sa sarili.

***

Bumukas ang pinto ng elevator at kaagad na lumabas ang babae. Hindi niya naisip man lang kung paanong nakasabay niya ang lalaki hanggang sa floor na ito ng building at lalong hindi niya naisip kung bakit hindi rin ito lumabas kasabay niya.

Ang focus niya ay nakatuon sa magaganap na meeting mamaya. Hindi nya nakita ang buton sa elevator na nagsasabing ang kasama niya ay sa top floor ng building patungo kung saan naroon ang suite ng mga Aeternams.

***

Natutop ni Hardy ang bibig at hindi pa din makapaniwala sa babaeng kasabay niya kanina. Napakaclueless nito at walang pakialam sa poging katulad niya? May ganun pala!

Napangiti siya. Mukhang mapapadalas ang pagpunta niya sa opisinang ito simula ngayon. Kung dati ay kinababagutan niya. Ngayon ay may thrill siyang naramdaman dito. Ang weird.

Narating niya ang suite at kaagad humiga sa naroong kama. Engrande ang disenyo nito sa loob kahit may pagka modern minimalist ang style. Airy ang vibes dito kayat nakakarelax. Subalit paano nga ba maging chill sa kabila ng problema niya sa farm, sa pagiisip kung bakit siya ipinatawag ng ina para dumalo ng company meeting at kung bakit may babaeng katulad ng kasabay nya kanina na walang interes sa kanya? Nawawalan na ba siya ng appeal?

Parang kanina lang naman sa parking lot pinagtitinginan siya ng mga kababaihan.
Parang may kung anong nakanti ang babaeng iyon sa pagkatao niya.

Napangiti siya. Paano yun nakabilang sa mga isipin niya?

Tumingin siya sa kanyang wrist watch. In three minutes magsisimula na ang meeting. Kailangan na niyang bumaba sa conference room.

Sa hallway ay nakasalubong niya ang ina na papunta na rin marahil sa baba para sa meeting. Sa likod ay ang ilan pang mga nakacorporate suits. Pinauna na ang mga ito ng matanda at huminto ng makita si Hardy.

"Mom, good morning." bati niya sabay halik sa pisngi ng ina.

"Oh, Hijo good morning. Salamat at pinaunlakan mo ako na pumunta dito at maaga ka para sa meeting gaya ng dati." natutuwang wika ng matandang babae.

"Mom, alam mong ayoko pero ginawa ko kasi gusto mo.."

"I know, hijo kaya salamat sa pagiging considerate."

"Anyway, where is Cally, Ma? Nasa baba na ba sya?"

"Hardy ikaw lang ang pinapunta ko dito. Busy si Cally sa international affairs ng kumpanya besides ikaw ang kailangan ko dito."

Wow. Bago yun sa pandinig ni Hardy at bago din yun sa eksena. Its either sila ni Cally ang nandoon o si Cally lang ang kasama ng ina sa meetings.

Kumunot ang kanyang noo sa pagkalito.

"Lets go. Malalaman mo din mamaya kung bakit." saad ng ina na kaagad humakbang. Sumunod naman kaagad si Hardy dito.

Hard-headed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon