Chapter 3

899 7 1
                                    

Tiningnan niya ang kanyang relo. Maaga pa siya ng ten minutes.

He headed to the nearest elevator. Napagpasyahan niyang magstay sandali sa kanilang suit sa pinakamataas na floor ng gusali.

On his way ay halos makabanggaan nya sa pinto ng elevator ang isang petite na babae on her office uniform.

Mukhang nagmamadali ito habang may kung anong hinahanap sa bag nito. Napakadami pa nitong papeles na dala dala kaya mukhang nahihirapang maghalungkat ng gamit sa loob ng bag. Hindi rin nito napansin ang presensya niya gayong dalawa lang sila sa elevator.

Nakita nyang pinindot nito ang buton papunta sa 32nd floor ng building. Mukhang magrereport ito sa isa sa may mataas na posisyon sa kumpanya.

Maya maya pa ay maririnig ang isang sigh of relief buhat sa babae. Mukhang nakita na nito ang hinahanap.

***

Pau is in a hurry. She needs to be at the office before the company meeting starts. Napuyat siya last night sa pag iisip about the abrupt meeting.

She's the newly promoted Chief Account Officer of the Aeternams Advertising Company. Ito ang pinakamalaking kumpanya na pagmamay ari ng mga Aeternams.

Malaking prebilehiyo na mapansin ng dating Chief Account Officer ang kanyang kakayahan upang ito mismo ang magrecommend sa kanya sa kanilang Presidente na siyang may ari din ng kumpanya.

Matanda na si Mrs. Ramirez and she felt the need to resign besides pupunta na ito sa US para doon na manirahan kasama ang mga anak nito.

Walang naging pagtutol ang mga Vice Presidents at maging ang may ari dahil maliban sa nakakabilib na credentials nya ay galing pa mismo ang suhestyon sa matandang ginang na matagal na sa serbisyo at lubos niyang pinagkakatiwalaan. Batid nila na hindi sila ipapahiya nito.

***

The Promotion

Sariwa pa sa isip ni Pau ang mga eksena sa opisina noong nakalipas na tatlong buwan. Parang panaginip pa din ang lahat.

Sa 31st floor kung saan nagoopisina ang Controller for Managerial, Financial and Tax Accounts na walang iba kung hindi siya at ang mga hawak niyang Account Officers kasama na din ang Treasurers at Internal Auditors ay tumayo ang lahat ng makita ang pagpasok ni Mrs. Sussan Ramirez sa pintuan.

"Good day!" bati nito

"Good day, Mrs. Ramirez!" bati nilang lahat pabalik sa nakangiting matanda sa gitna ng silid.

Maganda pa din ang posture nito sa kabila ng edad. Hindi mo aakalain na nasa 60's na ito. Bakas sa mukha ang pagiging intelehente nito.

"Ms. Mendez, please come here." Maganda ang ngiti nito habang hinahanap siya ng mga mata nito at ng sandaling matagpuan ay kaagad itong tumango at sumenyas na lumapit sa kanya.

"O-opo, Maam!" nauutal na sagot niya bagamat hindi niya alam kung bakit siya nito tinawag upang lumapit dito.

Lima sila sa silid na iyon halos pantay pantay ang posisyon. Siya bilang Controller nga, ang dalawang Treasurers at ang dalawa pang Internal Auditors. Nagtataka siyang siya lamang ang tinawag ng kanilang boss.

Makailang beses niya na itong nakakaharap. Silang lima ang madalas nitong ipinapatawag sa opisina nito sa 32nd floor. Nitong huling mga buwan ay napapadalas silang ipinapatawag nitong isa isa.

Sa office nito ay hindi lang updates ng current status ng hawak na posisyon ang itinatanong nito. Tinanong din sya nito ng ilang mga bagay na may kinalaman sa Treasury at Internal Auditing. Ibinabahagi naman niya dito ang mga nalalaman nya dito lalo at may kinalaman sa mga ito ang trabaho nya bago niya sinubukang mag apply ng trabaho sa Aeternam Corp. Pagkatapos noon ay pababalikin na siyang muli sa baba upang magpatuloy sa pagtatrabaho.

"I just want to announce that I resigned from my position-" bahagya itong tumigil. Mababakas naman ang pagkagulat sa lahat ng naroroon.

"Your new Chief Account Officer is Ms. Paulie Dame Mendez." dirediretsong saad nito na lalong nagpagulat sa lahat ng naroroon maging kay Pau.

Biglang nagkaroon ng bulungan sa ibat ibang parte ng silid. May kanya kanya ang mga ito na opinyon sa nangyayari.

Namimilog ang mga mata na tumingin si Pau sa boss niyang babae na parang nagtatanong sa matanda. Ni hindi niya alam na may balak pala itong magresign at naghahanap ito ng ipapalit sa kanyang posisyon. Ni hindi nya naisip mag apply para sa posisyon nito. Halo halong emosyon ang kanyang naramdaman.

"I know you're shocked. I planned to resign few months ago. Walang nakakaalam nito kundi si Mrs. Aeternam. Sapat na ang ilang buwan na iyon para pag aralan ang credentials ng mga taong napipisil ko para pumalit sa akin. Ipinagkatiwala nila sa akin ang pagpili. Hindi na ako nagpabukas pa ng application para dito sa posisyon na ito though it's considered open. Gusto ko ay empleyado na sa kumpanya ang magtake over sa maiiwan kong trabaho para hindi na ito mangapa sa mga gagawin at sigurado akong alam nito ang maraming bagay patungkol sa Aeternam's Corp. Sinilip ko din ang credentials ng lahat ng napili ko upang maging basis ko. At ikaw nga ang napili ko Ms. Mendez. Matalino ka na napakasipag mo pa at sadyang maaasahan." mahabang kwento nito habang may ngiti sa mga labi na para bang nagkukwento sa isang apo.

Nagpalakpakan ang lahat at isa isa nilang binati si Pau sa biglaang promotion nito. Nagulat man ang lahat pero sadyang bilib din sila sa galing ni Pau. Maraming pagkakataon na nakikita nila ito na sobrang pressured ngunit kaagad nitong nagagawan ng solusyon ang problema. Magaling din itong makisama sa kapwa niya employees.

Maya maya pa ay muling lumapit si Mrs. Ramirez sa kanya.

"The Lady wants to see you personally. You can go to her office now." saad nito.

"The La-lady?" hindi maaring magkamali si Pau. Si Mrs. Aeternam ang tinutukoy nito.

Gusto siyang makita ng Presidente. Hindi pa siya nakakamove on sa pagkagulat ay ito na naman. Pero bakit nga ba hindi. Bagong promote sya sa mataas na posisyon. Natural lamang na gustuhin syang makilala nito.

Napakurap siya ng bahagya at kaagad na natauhan. Kailangan nya nang umakyat sa 33rd floor para makipagkita sa Presidente.

"Mrs. Ramirez, maraming salamat po sa pagtitiwala na ibinigay nyo sa akin. Hindi ko po ito inaasahan pero I'll give my best to do my job. Hindi ko man po mapantayan ang kakayahan ninyo pero asahan nyo po na magagawa ko ng maayos ito." buong sinseridad niyang sabi sa ginang.

"You're welcome, dear! Go on and meet the Lady. Naghihintay siya sa iyo." nakangiting wika ng ginang.

Hard-headed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon