Chapter 10

67 1 0
                                    

Parang doble ang pagod na naramdaman ni Pau sa loob ng maghapon kumpara sa usual niyang mga araw sa pagtatrabaho. Bagaman at ganoon ay may nararamdaman naman siyang kaunting excitement.

Hardy is quite undearable for her but she likes it kapag nagagawa niya itong inisin kahit hindi niya ito sinasadya.

"Akala naman niya porket gwapo sya maaattract na sa kanya lahat ng babae!"

It is not that Pau doesn't appreciate his looks kaya lang masyado talagang mababa ang self esteem niya. Kinakatakutan na niya noon pa man ang maattract sa mga gwapo sa pag iisip na hindi siya babagay sa sinuman sa mga ito. That she might end up just hoping. Nahihiya siyang isipin na mangyari ang ganun. Baka maging katatawanan lang siya sa mata ng iba. If she does get along with few handsome guys, it was just a pure friendly relationship.

Her thought was crowded with the thoughts of him ng bigla siyang mapapitlag sa pagkakahiga sa kanyang kama. Nakalimutan na niya na nagyayaya nga pala ang mga kaibigan niya for girls night out.

Nagmamadali siyang nagtungo sa banyo to take a bath.

***

Migaz Cuizine is their favorite restaurant serving redefined Filipino-Mexican comfort food and cocktails. Their Yo'migo Nachos, Fave Taquito Sampler, and Tri Fajitas are the best. Margarita cocktail which is served in a hollowed-out watermelon ang paborito naman nilang inumin dito which they found so festive.
May extension na bar for night parties featuring both filipino and mexican local drinks. Modern-urban ang dating nito.

Nadatnan na niya dito sina Aina, Peach at Zen. 

"There you are! Late ka na naman!" si Peach ang nagsabi nito ng makita siyang pumasok sa pinto.

"Sorry, muntik ko na ngang makalimutan eh!" napapangiwi niyang paliwanag dito.

"Na naman, Pau??! Kaloka ka talaga! Lalo ka nang naging makakalimutin simula ng napromote ka, besh!" si Zen naman this time ang umimik. He's their gay bestfriend since college.

"Pasensya na talaga. Maaga pa naman ah! Tsaka umabot naman ako, kayo naman ang OA nyo!"

"Girl, 8 o'clock pa kami dito. Past nine na oh! Anyway, ok na yun.. ang mahalaga nakasama ka namin. Tara na!" cool sa sabi naman ni Aina at nagyaya na sa extenaion bar para sumayaw. Mahilig itong sumayaw kayat napipilitan sina Zen at Peach na samahan ito.

Tanging siya lang din ang hindi mapilit ng mga ito kasi wala siyang talent sa pagsasayaw.

Umupo lang siya sa isang stool sa isang sulok habang hawak ang kanyang drinks. Sanay na siyang pagkatapos ng kanilang chit chats eh magsasayaw naman ang mga ito sa gitna at maiiwan siya sa isang tabi. Nagkataon lang na nalate siya at malamang ay matagal na ang mga itong ngchichikahan kaya inip na at kaagad nakiparty sa mga taong naroroon.

"Hey! Aba pumaparty ka rin pala, Pau!" bahagyang nagulat ai Pau at hinanap kung saan nanggaling ang boses na yun.

Paglingon niya ay nasa di kalayuan ang isang lalaking pamilyar sa kanya. Si Lance Alvaro. Schoolmate niya ito noong college. Kilala ito sa maangas na ugali sa school.

Lumapit ito sa kanya habang nakangiti. Hindi nya alam if he's making fun of her o ano kahit wala naman siyang ginagawang kahit ano dito.

They just had two encounters in school. The first one is when she thought he was the  President of the Student Council at sinigawan siya nito, only to find out that he's just in the SC room to run some errands. Pangalawa was during the turn-over ceremony kung saan mauupo siyang SC Secretary at naroon ito as representative of thier department.

"Andito ka din pala, Lance. Yes, I'm here with Aina and some other friends. Ahm, excuse me. I need to go to the ladies room." iniiwasan nya lang ito.

Ayaw niya ng rude na dating nito. Malakas pa ang boses nito na nakakaagaw ng pansin.

Tumayo na sya sa pagkakaupo but when she's about to turn around ay bigla siya nitong binuhat mula sa likod na siya niyang ikinagulat.

"Ang gaan mo!" sabi nito sabay tawa.

"Let me go, Lance! Take off your hands on me!" napasigaw siya ng bahagya dito.

Nabastusan siya dito but she doesn't want to create a scene. Binitawan naman siya nito. Walang nakakitang concerned personel sa pangyayari kayat wala siyang nagawa.

Samantala..

Someone was just few steps away from Pau and Lance nang makita nito na binitawan na ng lalaki si Pau. Susugudin na sana niya ito but upon seeing how she reacted bahagyang umigting ang kanyang bagang. Nakita na lng niyang palayo dito ang lalaki while smirking habang si Pau ay naiwang masamang nakatingin lang sa papalayong si Lance.

"Nakakahiya sa mga nakakita." isip ni Pau.

Ano bang magagawa niya dito? Napakalaki nito at wala siyang kasama. Busy ang mga kaibigan niya sa pagsasayaw at may kalayuan siya ng konte sa mga ito. She wished that there is someone around na sinita ang lalaki.

"Dapat sana sinampal ko ito at sumigaw ako." huli na para sa naisip niyang iyon.

Ang lalaki sa di kalayuan ay kuyom ang palad sa galit para sa bastos na si Lance.

"You're in trouble, big man!" bulong ng lalaki habang muling ainundan ng tingin si Lance.

***

Hardy sat down in his car compartment sa parking lot ng Migaz Cuisine. May mangilan ngilan ng tao ang lumalabas dito. He's there to wait for someone.

Wala pang bente minutos at nakita niyang lumabas sa exit ng bar ang kanyang hinihintay. Patungo ito sa parking lot. Marahil ay pauwi na ito dahil nakita niyang naglabas ito ng susi ng sasakyan.

Sinalubong niya ang lalaki. Halos mas matangkad siya ng kaunti dito ngunit may kalakihan ang katawan nito. Nagtataka naman itong sinalubong siya ng tingin.

Hindi pa nakakabuka ang bibig nito para magtanong nang bigla niyang inunahan ito ng ilang suntok sa tiyan at sa mukha. Wala itong nagawa. Namilipit ito sa sakit at duguan ang bibig.

"Ano bang atraso ko sayong animal ka?!" bagamat namimilipit ay nagawa pa nitong sumigaw habang nagtatanong.

"Wag kang bastos sa mga babae at huwag na huwag si Pau!" banta nito sa lalaking nakahiga pa din sa sahig.

Noon lang naunawaan ni Lance kung bakit siya niyo binugbog. Pero sino ba ito at nagawa siyang bugbugin dahil kay Pau?

Hard-headed HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon