Bright
Alas siete pa lang ng umaga ay nakabihis na ako dahil papasok na ako sa opsina ko
Pagbaba ko na abutan ko si Nnevvy na nagluluto ng agahan wala kaming kasambahay dahil kaming dalawa lang naman ang nakatira dito sa bahay
Habang nagluluto siya ay napansin niya ako na nagmamadali
"Mahal aalis ka na?" Tanong nya sa akin
Tumango lang ako sa tanong niya
"Ma aga pa ah kumain ka muna" sabi niya sa akin habang nilalapag ang niluto niyang sinangag at bacon hotdog at itlog sa lamesa
"May meeting pa ako at may kailangan akong interviewhin yung magiging secretary ko" sabi ko bakas naman sa mukha ni Nnevvy ang pagkalungkot
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang mga pisngi at hinalikan ko siya sa noo
"Sorry mahal sa susunod babawi ako" sabi ko kay Nnevvy tumango naman siya
Maya maya lang ay kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas na ako ng bahay
Pinaandar ko na ang aking sasakyan at umalis na papunta sa aking opisina
•••••
credits kay pinterest
Bright
Pagpasok ko sa opisina sinalubong ako ni Film ang aking sekretarya, sabi ko kasi sa kanya na kailangan ko muna makahanap ng kapalit bago siya mag resign pumayag naman siya
"Mr. Mendoza nasa conference room na po si Mr. Delos Reyes" sabi niya sa akin at sabay kaming naglakad papunta sa conference room
"Kanina pa ba siya?" Tanong ko kay Film
"Halos kakarating niya lang din po Mr. Mendoza" sabi sa akin ni Film at binuksan na ang pinto ng conference room at nakita ko si Mr. Delos Reyes na naka upo.
Win
Nagising ako sa tunog ng aking alam clock tinignan ko ang oras at 8:30 na pala eh 9:30 yung interview ko kay Mr. Mendoza
Dali dali akong pumunta sa banyo at naligo na pagkatapos kong maligo ay nag ayos na agad ako
"Kaya mo yan Win" paulit ulit kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin
Pagbaba ko ay naabutan ko si Mama sa may lamesa at kumakain ng almusal
"Oh anak ngayon na ba yung interview mo?" Tanong ni Mama sa akin
"Opo ma" sabi ko habang nagpapalaman ng tinapay
"Nako anak huwag kang kabahan don ah kaya mo yan" sabi ni Mama naiyak naman ako sa sinabi niya at niyakap ko siya
Halos isang taon na din ng wla si papa dahil meron siyang sakit
Wala rin akong kapatid dahil only child lang ako so bale si Mama nalang ang pamilya ko
BINABASA MO ANG
MISTRESS || BRIGHTWIN FILO AU
Fanfiction-written in tagalog -angst -cheating -pag pasensyahan nyo na ung mga maling words or spelling -🔞 -mpreg -read at your own risk