Chapter 5

269 12 2
                                    

2 weeks later

Bright

"Pwede ba akong sumama?" Tanong sa akin ng asawa ko

Sinabihan ko siya na may office outing kami sa boracay

"Wag na at tsaka wala ka namang kilala don ma bobored ka lang" sabi ko sa kanya

"Edi isama ko si Gigie" sagot niya sa akin

"Bahala ka na nga" tanapos ko na ang aming usapan at umakyat na ako sa amin kwarto

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan ng nag confess ako kay Win

Nagiging maayos naman kami araw araw hindi na tulad dati na iniiwasan niya ako

Napag isipan ko din na mag office outing para naman makapag relax ang mga trabahador ko pati na din si Win

Pero dahil nga gustong sumama ni Nnevvy wala akong magawa kundi pumayag na sumama siya.

Win

"Ma mag papaalam lang po sana ako" sabi ko kay Mama

"Ano yon anak?" Tanong niya sa akin

"May outing po kami sa boracay bali tatlong araw po yon" sabi ko

"Kailan ba ang alis niyo?"

"Bukas po" sabi ko

"Oh siya para naman makapag relax ka din"

"Nakapag impake ka na ba?" Dagdag na sabi ni Mama

Umiling naman ako sa tanong niya

"Ay magaling kang bata ka ano pa hinihintay mo mag impake ka na" sabi ni Mama

Kaya dali dali akong nag impake ng mga dadalhin ko

Kinabukasan

Kakatawag lang sa akin nila Gun at sabi ay dadaanan daw nila ako

"Oh anak mag iingat kayo ha" bilin ni Mama sa akin

"Opo ma"

Maya maya lang ay may nagtext sa akin

Akala ko sila Gun yung nag text pero hindi pala

To: Win

Nakaalis ka na sa bahay niyo?

From: Bright

To: Bright

Paalis pa lang susunduin daw ako nila Gun

From: Win

To: Win

Mag iingat kayo ha I love you❤️

From: Bright

Napa iling naman ako sa huling text ni Bright

Ilang linggo na rin na clingy si Bright sa akin ayos lang sa akin yon pero minsan naiisip ko na naman ang asawa ni Bright

Di nagtagal ay may bumusina na sa tapat ng bahay namin

"Oh ayan na ata yung mga kaibigan mo" sabi ni Mama

"Good bye ma i text mo ako kung may problema ha uuwi agad ako" sabi ko kay mama napatawa naman siya sinabi ko

"Oo na anak ikaw den mag-iingat ka" tumango ako at lumabas na sa aming bahay

Sumakay na ako sa likod nang kotse nakita ko don sila Gun at New habang nasa harapan si Gulf pati na din ang driver ng kotse

"Oh ano wala ka nang nakalimutan?" Tanong ni Gulf

MISTRESS || BRIGHTWIN FILO AUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon