Win
Nakarating na rin kami sa bahay namin naisipan namin na sabihin na kay Mama na buntis ako at ang tungkol sa may asawa si Bright
Pagpasok ko ay kinakabahan ako para akong maiihi sa sobrang kaba
'ay nako kung ako sayo sinampal ko na yan Emma' naririnig kong sabi ni Mama
"M-ma" tawag ko kay mama habang siya ay nakaupo at nanunuod ng ika-6 na utos
"Oh anak nandito na pala ikaw" sabi ni Mama sa akin
"Ano na naman yang pinapanood nyo naririnig ko kayo hanggang sa labas
"Eto kasing si Georga eh naiinis ako" sabi ni Mama
"Nga pala bat ang aga mo?" Tanong ni Mama
"M-ma may sasabihin ako sayo" sabi ko
"A-alam ko na po kung bat ako nag kakaganto yung parang bigla akong maduduwal" sabi ko
Napahawak naman siya sa akin
"May sakit ka anak? Iiwan mo na rin si Mama?" Sabi ni mama habang naiiyak
"Ma ano ba hindi po yon" sabi ko
"M-ma b-buntis po ako" sabi ko
"HA?" gulat niyang reaksyon
"Nako magiging lola na ako" tuwa na sabi ni mama
"Oh nasan si Bright?" Tanong ulit
"Nasa labas ho" sagot ko naman
"Eh kailan nyo ba balak magpakasal tignan mo magkaka apo na ako dapat magpakasal na din kayo" sabi ulit ni Mama
"Ma hindi pa po pwede kaming ikasal ni Bright"
"At bakit naman anak?"
"Di pa po divorce sila Bright at ang asawa niya" utal kong sabi
"ANO? MAY ASAWA SI BRIGHT?!! PAPASUKIN MO NGA YAN SI BRIGHT AT MAG-UUSAP TAYO" sabi ni Mama at lumabas na ako para tawagin si Bright
•••••
"Text mo ako kapag naka uwi ka na" sabi ko kay Bright
Napaliwanag na rin namin maayos ang tungkol kay Bright pero siyempre nung una ayaw pa ni Mama dahil kahit anong gawin ay kabit pa rin ako
Pagka alis ni Bright ay pumasok na ulit ako sa loob ng aming bahay
At nakita ko si Mama na naghihiwa ng kanyang pansahog sa iluluto niya
Agad kong niyakap siya
"Mama sorry" sabi ko
Binaba niya ang kutsilyo at humarap sa akin
"Anak wala ka namang kasalanan at di rin ako galit pero nag aalala ako para sayo at sa anak mo" sabi ni mama
"Nako magpahinga ka na don at di sayo pwedeng mag kilos dahil buntis ka" sabi ulit ni mama
Umakyat na ako at humiga na ako sa aking kama at di rin nag tagal ay dinapuan na din ako ng antok
Bright
Ngayon ay pa uwi na ako sa aming bahay
Pag pasok ko sa bahay ay nakita kong walang tao sa baba kaya umakyat ako at nakita kong nasa kwarto namin si Nnevvy na natutulog
Kaya ang ginawa ko ay nagbihis muna ako at bumaba ulit upang magluto dahil anong oras na din naman
Habang nag luluto tinext ko na din si Win na naka uwi na ako pero hindi siya sumasagot kaya sa isip ko baka tulog o kaya may ginagawa
Maya maya lang ay may yumakap sa akin at pagtalikod ko ay si Nnevvy yon
"Nnevvy dun ka muna" sabi ko
Tinanggal naman niya ang kanyang baraso na naka pulupot sa aking bewang
"Ay oo nga pala may surprise ako sayo" sabi niya sa akin at pumunta ulit siya sa taas nag taka naman ako pero pinag patuloy ko lang ang aking pag luluto
Nang nakahain na ako sa lamesa narinig ko naman ang kanyang mga hakbang na hudyat na pababa na siya
Lumapit siya sa akin at may parang tinatago pa sa akin
"Ano ba yan?" Tanong ko dahil kanina pa din ako nagtataka at gusto ko na malaman kung ano ba talga ang surprise niya
Maya maya lang may binigay siyang papel
"A-ano toh?" Nauutal kong tanong
"Babe sonogram yan" sabi niya sa akin at bakas sa kanyang mukha ang pagkasaya
"Buntis ako babe" dagdag na sabi sa akin ni Nnevvy
Para akong nabingi sa kanyang mga sinabi at di rin ako makapaniwala sa aking nalaman
Kung tatanungin niyo ako oo meron nang nangyare sa amin pero ilang taon na non pero simula nang pag iba ang nararamdaman ko kay Nnevvy di na ulit pa nagtalik
Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo at dali dali kong kinuha ang aking susi
"Babe saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin
Pero imbis na ssgutin siya ay binilisan ko lang ang paglakad ko hanggang makarating na ako sa may pinto
"Bright ano ba saan ka ba pupunta?" Sabi niya ulit
Binuksan ko naman ang gate at pumasok na din ako sa kotse
Bago ko masara ang pinto ng kotse nahawakan iyon ni Nnevvy kaya di ko agad nasara
"Bright ano ba kanina pa kita kinakausap!" Sabi niya sa akin
"Hindi ko anak yan Nnevvy wag mo akong pinaglololoko!" Sigaw ko
Agad kong sinara ang pinto ng kotse at agad ko na tong pinatakbo
Nakita ko naman na umiiyak si Nnevvy pero hinayaan ko siya
Naisipan kong itext si Win at napagpasyahan na sa condo ko nalang kami matulog
Nang madaanan ko na si Win sa kanila ay tahimik lang ako
"Babe huy" tawag sa akin ni Win
"Aah?" Sagot ko
"May problema ba?" Tanong sa akin ni Win pero umiling lang ako
Tahimik lang kaming bumyahe papunta sa condo ko
Nang nandito na ako sa condo ko ay agad kong niyakap si Win
Win
Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Bright
"Huy Bright magsabi ka nga ng totoo ano ba kasing problema mo?" Tanong ko
"Si N-nevvy" sagot niya nakita ko naman na naluluha siya
"Anong meron sa kanya?" Tanong ko ulit
"B-buntis daw siya tapos ako ang ama" sabi ni Bright
"Pero maniwala ka Win walang nangyari sa amin I mean oo meron pero apat na taon na yon" sabi niya ulit
"Bright"
"Win pls maniwala ka" sabi niya ulit
"Oo Bright naniniwala ako sayo at alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo" sabi ko
Ilang saglit lang ay may narinig akong tumatawag kay Bright
"Bright sagutin mo na" hindi pa rin niya sinasagot ang telepono
Naisipan ko na kunin nalang ang telepono ni Bright at nung tinignan ko kung sino ang tumatawag
Kundi ang kanyang ina
Sinagot ko ito
"Bright ano ba nasaan ka ba?"
"Hello?"
"Sino ka at nasaan ang anak ko?"
A/N: pasensya na kung ngayon lang ako naka update ang hina din kasi ng internet di ako makapagsulat pasensya na sa mga nag iintay ng update ko, Hanggang dyan na muna
BINABASA MO ANG
MISTRESS || BRIGHTWIN FILO AU
Fanfiction-written in tagalog -angst -cheating -pag pasensyahan nyo na ung mga maling words or spelling -🔞 -mpreg -read at your own risk