Win
Maaga akong nagising ngayon mga alas siete dahil ngayon ang first day ko bilang secretary ng soon to be husband ko
Kumain muna ako ng almusal bago maligo pagkatapos kong kumain ay agad akong umakyat para maligo ilang minuto lang ay natapos na akong maligo at magbihis
Nang tinignan ko ang aking relo ay 7:50 na kaya nagmadali akong bumaba at sumakay na ako sa tricycle
8:30 pa naman ang pasok namin gusto ko lang talaga maging maaga para makalibot pa ako sa buong office namin.
(Suot ni Win) credits kay pinterest
Pagkadating ko ay agad kong hinanap si Film agad ko naman siyang nakita dahil kakababa lang niya sa elevator agad akong tumakbo papunta sa kanya
"Film" tawag ko sa dating sekretarya ni Bright
"Oh Win buti naman nandito ka na, halika i tour muna kita pagkatapos ay ibibigay ko na yung schedule ni Mr. Mendoza sayo" sabi ni Film sa akin at nagsimula na kaming maglibot sa buong kumpanya
Maya maya lamang ay may tinawag si Film, isa sa mga empleyado dito sa Astro
"Gun, New, Gulf, eto si Win ang bagong secretary ni Mr. Mendoza" pagpapakilala ni Film sa akin
"Hi Win" sabay nilang bati sa akin
"Win sila ang mga nasa marketing team" sabi ni Film
"Hi nice to meet you" ngiti kong sabi
"Oh paano maiwan muna kita Win dito kina Gun may gagawin lang ako saglet at mga 9:00 pa ang pasok ni Mr. Mendoza kaya may free time ka pa" tumango naman ako sa mga sinasabi ni Film
"Huy Win gusto mo sumabay ka sa amin lunch? Mamaya?" Tanong ni Gulf
"Nako nakakahiya" sabi ko
"Nako Win kami lang toh" sabi ni New kaya napatawa kami
"Oo nga Win tsaka para naman maging mag close pa tayo" sabi naman ni Gulf
"Titignan ko muna yung schedule ko baka kasi may meeting si Mr. Mendoza eh" sabi ko sakanila
"Sabihan mo nalang kami ah kung sasabay ka" nakangiti naman akong tumango sa kanila
"Oh paano mauna na kami at ikaw may free time ka pa mukhang wala pa naman si Mr. Mendoza" sabi ni New
Pagkatapos non ay umalis na yung tatlo napag-isipan ko muna na pumunta muna sa may starbucks habang iniintay si Mr. Mendoza.
•••••
Habang nasa starbucks ako ay naka tanggap ako ng text mula kay Film na nasa opisina na daw si Bright kaya dali dali akong umalis at pumunta na agad sa may opisina namin.
Pagkadating ko ay umakyat na agad ako sa 5th floor nandoon din si Film
Nang maka akyat na ako sa 5th floor ay pumasok na agad ako sa opisina ni Bright.
BINABASA MO ANG
MISTRESS || BRIGHTWIN FILO AU
Fanfiction-written in tagalog -angst -cheating -pag pasensyahan nyo na ung mga maling words or spelling -🔞 -mpreg -read at your own risk