(Flashback)
3 years ago
Win
Nandito ako kina Gulf naisipan na din namin na mag sleepover sa bahay nila Gulf
Alas dose na ng gabi ay hindi pa ako makatulog samantala ang tatlo naman ay naghihilik na
Dahil nga hindi ako maka tulog ay napag pasyahan ko na bumaba na muna at uminom ng tubig
Nang makababa na ako ay pumunta na agad ako sa kusina nila Gulf at kumuha ako ng baso at saka binuksan ang refrigerator at kinuha ang tubig
Matapos kong uminom ay gumamit muna ako ng aking cellphone at nag facebook muna ako para ako antukin
Nakita ko na ala una na at isang oras na akong di nakakatulog at hanggang ngayon ay di pa rin ako dinadapuan ng antok
1:30 ng madaling araw na napag pasyahan ko nang matulog
Aakyat pa lang ako sa hagdan ng biglang tumunog ang aking telepono hudyat na may tumatawag sa akin
Nung una akala ko si Bright ang tumatawag kaso si Mew pala ang tumatawag sa akin
Agad ko namang sinagot ang tawag ni Mew
Nawala ako sa aking sarili ng sabihin sa akin ni Mew na nasa ospital daw si Bright dahil nabangga daw siya
Unti unting nagtubig ang aking mata at di ko mapigilan ang umiyak
Binaba ko na ang telepono at lalo akong umiyak sa sobrang lakas ng aking pag iyak ay agad na bumaba ang tatlo mula sa aming pinagtutulugan
"Hoy bat ka umiiyak?!" Alalang tanong ni Gulf sa akin
"S-si Bright" sabi ko
"Anong nangyare?!" Tanong naman ni New
"Nasa ospital s-samahan nyo ako d-di ko kayang pumunta mag isa" sabi ko sa tatlo
Agad namang kinuha ni Gulf ang susi ng sasakyan at pagkatapos ay agad na kaming sumakay sa kotse
Tinext na sa akin ni Mew kung saang ospital dinala si Bright
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa ospital
Pagdating namin ay nakita ko agad si Mew na nakaupo sa isang upuan
"Mew!" Tawag ko at lumapit na ako sa kanila
"W-win" sabi sa akin ni Mew
"A-ano kumusta na siya? Ayos lang ba siya?" Alala kong tanong sa kanya pero hindi siya sumsagot
"B-bakit di ka makasagot?"tanong ko
"N-nasa ICU si Bright" parang gumuho ang buhay ko ng malaman ko na nasa ICU si Bright lalo akong umiyak
"Win tahan na makakasama sa baby nyo yan" sabi ni Gulf at pinapatahan ako
Di rin nagtagal ay marinig kaming sunigaw
"Asan ang anak ko?!!" Nakita ko ang nanay ni Bright kasama si Nnevvy
Nakita naman ako ni Nnevvy at lumapit sa akin
"Ikaw" sabi ni Nnevvy sa akin at tinulak ako mabuti nalang at di ako napaupo sa sahig kundi baka ano pang pedeng mangyare sa bata
"Sabi ko na nga ba eh kabit ka ng asawa ko" sabi niya sa akin at isang malakas na sampal ang nadama ko
"Nnevvy!" Suway ni Mew sa babaeng nasa harap ko
"So totoo? May kabit ang anak ko? At dahil sayo nasa ICU ang anak ko!" Sabi ng nanay ni Bright
"Mawalang galang na ho wala pong kinalaman dito si Win kaya wag nyo siyang sisihin" sabi ni Gun
"Hoy ikaw ipagtatanggol mo pa yang kaibigan mo sabagay pareho kayong hampas lupa" sabi ni Nnevvy gagantihan na sana siya ni Gun kaso biglang lumabas ang doctor mula sa room ni Bright
"Doc, kumusta na po ang anak ko?" Tanong sa doctor
"Ang anak nyo po ma'am ay na coma" sabi ng doctor
Nanghina naman ang tuhod ko muntik na akong bumagsak buti nalang nasalo ako ni Mew
Naririnig ko namang tumatangis ang nanay ni Bright
"Huy badet uwi muna tayo tapos balik nalang tayo mamayang umaga" sabi ni Gun sa akin
"A-ayoko gusto ko dito lang ako" sabi ko
"Win wag ka nang matigas ang ulo makakasama sa baby niyo ni Bright" sabi naman ni New
"Ano may anak kayo ni Bright?!" Sigaw ni Nnevvy
"Pwede ba Nnevvy wag muna ngayon" sabi naman ni Mew
"Kung totoong anak yan ng anak ko hinding hindi ko matatanggap yan bilang apo ko" sabi naman ng nanay ni
BrightNapag desisyonan na namin umuwi baka mas lalong paginitan pa ako ng dalawa
•••••
Bumalik na ulit kami sa ospital kaso pagdating namin ay wala sa ICU si Bright nagtaka naman ako
Pumunta naman ako sa Nurse station
"Pwede pong magtanong?" Sabi ko
"Ah sige po ano ba yon?"
"Nasaan ung pasyente na nasa ICU si Bright Mendoza" sabi ko
"Ay kanina pa po umalis nilipat po siya ng ospital" sabi ng nurse kaya nagtaka naman ako
"Saang ospital?" Tanong ko ulit
"Sa amerika po" parang nabingi ata ako sa narinig ko
Umuwi na ulit kaming tatlo habang ako ay umiiyak
Di ko alam ang nararamdaman ko bat ba nagkakaganto kami ni Bright.
A/N: sorry sa late update sa next part ay flashback ulit, and gusto ko lang sabihin na baka tuwing friday or saturday na ako mag update kasi magsisimula na online class namin yun lang
BINABASA MO ANG
MISTRESS || BRIGHTWIN FILO AU
Fanfiction-written in tagalog -angst -cheating -pag pasensyahan nyo na ung mga maling words or spelling -🔞 -mpreg -read at your own risk