Chapter 7: Unknown Heartbeat

47 2 7
                                    

Ansherina

Malawak nga ang kwarto niya. May king size bed at malawak na tanggapan.

Binuksan ko ang nag-iisang pinto sa loob ng kwartong iyon at nakita ang isang malawak na bathroom na may jacuzzi sa gilid.

Napangiti ako. Not bad.

"I'll wash first." Sabay lingon ko sa nakamasid na si Reigan.

Tumango siya, walang salitang nagtungo sa sofa at naupo bago binuksan ang malaking tv.

Nagkibit-balikat ako at pumasok na sa loob ng banyo upang magbabad sa jacuzzi. Sinigurado kong lock ang pintuan bago hinubad ang lahat ng saplot sa katawan at inilagay iyon sa isang bin sa gilid.

Katamtaman ang init ng tubig sa jacuzzi kaya napangiti ako at mas lalong ipinahinga ang katawan.

Napapikit ako at binalikan ng aking isipan ang lahat ng nangyari sa makalipas na isang buwang pananatili ko sa Bangui.

It was the most challenging mission I've been to. The most tiring yet also the most fulfilling. Naalala ko ang mukha ng mga bata at mga magulang na natulungan ko. This is what life means to me. Seeing them pleased and grateful for all the services I rendered made me feel accomplished. Walang makakapantay sa masayang pakiramdam na may natulungan kang tao.

Naglakbay ang isipan ko sa nagdaang mga araw. Nang rumehistro ang mukha ni Reigan, ay dahan-dahan akong napamulat.

Reigan?

Meeting him was unexpected. In a situation when I needed someone to unravel the mystery I witness, he suddenly appear.

Like a dark mister covered in mystery and enigma, he slowly awakens a different emotion in me that I can't even name.

Maybe its because he's mysterious? Or because, even with his playful aura, he screams danger?

I don't know. All I'm certain of is that, I can't fully trust him.

Nilukob ng antok ang sistema ko kaya nagdesisyon akong umahon na sa jacuzzi at tuluyang mag-shower.

Nasa kalagitnaan ng pagligo, nang maalala kong wala akong damit o kahit underwear man lang. Nasapo ko ang sariling noo at napapikit ng mariin dahil sa napagtanto.

Binilisan ko ang pagligo at kaagad na nagtapis ng robang nakita ko sa loob ng banyo. Pinihit ko ang pintuan at dahan-dahang naglakad palabas.

"Reigan?" Tawag ko nang maaninag na walang tao sa loob ng kwarto at nakapatay na ang malaking tv sa sala.

Nasaan na iyon?

Naglakad ako palapit sa pintuan at akmang pipihitin na ang doorknob upang lumabas nang maunahan ako ng taong nasa kabilang panig ng pinto.

Mukha ni Reigan ang bumungad sa akin. Then his mint lavender smell soothe my nose right after. Nakita kong bahagyang basa ang buhok niya at may tuwalyang nakasabit sa batok. Nakabihis na rin siya ng isang puting t-shirt at navy blue colored short.

I saw his eyes traveled down my body before meeting my eyes again.

Bahagya siyang tumikhim. "Where are you going?"

"Uh..." Nag-iwas ako ng tingin sa titig niya. "Hahanapin sana kita. Maybe...you can lend me your shirt or something?" Sabay muling tingin sa kanya.

"Here." Aniya sabay abot ng iilang paper bags sa akin.

Nailipat ko ang paningin sa mga dala niya. Namaywang siya nang kinuha ko ang mga iyon sa kamay niya. Binuklat ko ang paper bags at nakitang mga damit at underwear ang laman nito.

Dark and Wild 2: The Devil InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon