Chapter 25: Muay Thai

31 2 8
                                    

R-18.
Read at your own risk.
_

Ansherina

"Oh!" Napatakip ako sa sariling bibig. "Ngayon iyon?"

His eyes sharpened. "Alam kong di mo naalala pero iba pa rin talaga kapag nakumpirma ko mismo sayo."

Napakurap ako bago bahagyang natawa. "Sorry. I didn't know stuff like this. I've never had a boyfriend before."

His lips sexily twitched. "Me too, babe."

Hinapit niya lalo ang beywang ko gamit ang isa niyang kamay. Ang isa'y nasa taas na ng puwetan ko para mas lalo akong idikit sa kanya.

Nahilo agad ako dahil sa lapit namin. Dagdagan pa ng bango niyang sadyang nakakapanghina ng kalamnan. Gusto ko tuloy manlambot at sumandal na lang sa katawan niya.

Oh, his effect on me.

"Wala akong naging girlfriend. And please believe me when I say ikaw lang. Damn. Ikaw lang." Mas lalo akong pinanawan ng lakas dahil sa sensuwal niyang bulong.

"W-Well- I'm sorry."

He crouched to taste my lips for a moment. "Of course, you're forgiven." Mariin siyang napapikit. "Just like that."

Napakagat-labi ako para magpigil ng ngiti. Dumako agad doon ang mga mata niya.

He licked his lower lip before staring back at me again. "Let's have our dinner."

Tumango ako. May lamlam sa mga mata at munting ngiti sa mga labi. Hindi pa nakakabawi sa epekto niya sa akin.

Shit. Ansherina, you flirt! Wake your senses up!

Gusto kong mapaungol dahil sa irita. I'm so hopeless when it comes to him. Simpleng gesture niya kinikilig agad ako.

Pinaghila niya ako ng upuan, pinaupo at muling inayos bago pumuwesto sa harapan ko.

Nang makaupo siya'y muling dumagundong ang malakas na tibok ng puso ko.

It's overwhelming. I can't help but be amazed by my own heartbeat. Like it has its own course, it's not even listening to me. I wanted it calm but it won't listen.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakitang nakatitig na siya sa akin. Nagtagal ang titigan namin. Iiwas na sana ako nang maunahan niya ako.

Tumaas ang dalawang kilay ko nang makita ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. Nakaharap na sa gilid ang mukha at nakangisi na animo'y may katatawanan siyang nasaksihan.

"What's funny?" Hindi ko napigilang itanong.

Muli niya akong nilingon. Kinalas ang unang butones ng kanyang suot na dress shirt.

"Nothing."

Napakunot-noo ako. "What is it, Reigan?"

Mataman niya akong tinitigan. Nagdadalawang-isip siyang sagutin ako. "Your presence is overwhelming."

Napakurap ako. "Oh?"

"Masyado ka kasing maganda."

Natawa ako ng bahagya sabay irap. "Here we go, again. Nambola ka na naman."

Pinagtaasan niya ako ng isang kilay. May nakakakiliting ngiti sa mga labi. "Bakit hindi ba?"

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. "W-Well..."

He smirked. "I love it when you're blushing like that."

Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang tumikhim. "Stop it."

Humilig siya ng bahagya sa mesang nakapagitan sa amin upang lalo akong matitigan. Ang mapang-asar na ngiti ay nanatili sa kanyang labi.

Nakakainis. Why am I always this nervous around him?

Dark and Wild 2: The Devil InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon