Chapter 14: Crazy Heartbeat

30 2 10
                                    

Ansherina

Kinakabahan ako. Feeling ko malulunok ko iyong dila ko dahil sa sobrang kaba ko.

"Sa kotse tayo." Ani Reigan bago nagpatiuna sa paglalakad sa kung saan.

Napangiti ako. Ramdam na ramdam ang kahibangang palagay ko'y ngayon ko lang naramdaman.

Ano bang nangyayari sa akin? Get ahold of yourself, Ansherina!

Napaangat ako ng tingin kay Reigan nang pagbuksan niya ako ng pintuan. "Get in."

Nasagi ko ng bahagya ang balikat niya nang akmang papasok na ako ng sasakyan. Nagtagpo ang paningin namin. I can feel my heartbeat accelerating in a minute just because of that slight brush from his body.

"Get in, Ansherina." Ulit niya, igting ang panga.

Napakurap ako at tuluyang pumasok ng sasakyan. Nang makaupo ng maayos sa passenger seat ay napabuga ako ng hangin upang subukang pakalmahin ang naghuhurumentado kong puso.

Sinara niya ang pintuan at umikot upang makapasok sa driver's seat.

"Saan kita ihahatid?" Tanong niya nang makaupo sa tabi ko.

Talaga bang seryoso siyang pauuwiin niya na ako? Hindi man lang ba kami mag-uusap? Hindi niya ba ako sisingilin sa mga naitulong niya sa amin? Hindi ba kami mag-uusap man lang?

Nilingon niya ako kaya napalingon din tuloy ako sa kanya. Kunot ang noo niya na animo'y naiinip dahil sa tagal kong sumagot.

Shit, bakit ganito siya? Where is that playful, Reigan I met? Still angry at me, that's why? Or, seeing me again makes him unhappy?

I don't like the latter, though.

"Galit ka ba sa akin?" Lakas loob kong tanong, nakatitig sa mga mata niya.

Napakurap siya sa tanong ko. Palagay ko'y di niya inasahang itatanong ko iyon.

"Mukha ba akong galit sayo?"

Nag-iwas ako ng tingin at umayos ng upo. Ramdam na ramdam ang mas lalong paglala ng kaba. "I..."

Why am I so nervous? Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. I'm nervous around mom too, but that's way different. Takot ako sa kanya, kaya ganoon. With Reigan, I don't know. I just can't figure out why.

"I didn't get a chance to thank you for everything you did. I mean..." I paused, slightly playing with my fingers due to nervousness. "Sincerely and personally, thank you."

Nakita ko ang bahagya niyang pagtango sa gilid ko. Ramdam ko ang mabibigat niyang titig kaya hindi muna ako lumingon sa kanya dahil baka mas lalo akong kabahan.

"And...I'm sorry." Dahan-dahan akong napabuga ng hininga dahil umarangkada muli ang kaba dahil sa sinabi ko. "Hindi kita dapat hinusgahan. Bago kami umalis, nalaman kong nagpunta ka ng Bangui para sa mga bata. And, you even sent me videos. Salamat at..." I paused again, trying to inhale. "Sorry."

"Look at me in the eyes if you're really sorry." His low baritone voice echoed.

Napalunok ako at dahan-dahang napalingon sa kanya.

Pinagtaasan niya ako ng dalawang kilay. His slightly parted lips in awe.

Nilabanan ko ang titig niya sa kabila ng kaba ko. "I'm sorry."

"Damn." I heard him murmured before his lips twitched for a smile. "You're forgiven."

"Talaga?" I asked, bewildered.

"Yeah." He languidly answered, still staring at me.

Gumuhit ang ngiti sa mga labi ko. "Thank you."

Dark and Wild 2: The Devil InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon