Akihira's Pov
We are preparing for our Christmas party for next week. Busy kami na naglalagay ng decorations para sa room. Wala namang klase for this whole week kasi busy din mag prepare ang mga teachers for our programs.
Nasa labas ako at may isasabit na malaking star sa taas ng doorway nang bigla akong mawalan ng balanse. Pinikit ko na lang yung mata ko at naghintay sa pagsalo saakin ng sahig.
Naghintay akong bumagsak pero imbes na sahig ang sumalo saakin ay sinalo ako ng taong ubod ng kalamigan, Si Quennie. I was caught by her arms. Her arms were wrapped around my waist supporting me from not falling. We had an eye contact and her cold eyes made me stunned.
Nasa likuran niya ang isang chinito at yung lalake kahapon. This is embarrassing as hell.
"You're not only noisy but you're also clumsy" binitawan niya na na ako at saka siya nag patuloy sa paglalakad "ingat sa susunod" pabulong niyang saad. Masarap siguro ulam niya kagabi kaya bumait.
"Are you alright Ms. Affyiona?" Tanong ni Rian na napagiwanan sa paglalakad nila.
"Ah yes, I'm fine" ngumiti ako sakanya. Tumatalbog ang puso ko sa kaba at nararamdaman ko ang pag akyat ng dugo sa mukha ko.
"I'm Rian Madri Benetic by the way" nilahad niya ang kanyang kamay na agad ko ring tinugon.
"Affyiona-" He cut me off.
"I already know you, I asked Quennie yesterday"
"Huh? Oh okay" napatango ako saka binitawan niya ang aking kamay. Ngumiti ito saakin ng matamis. I could see his beautiful white set of teeth. Colgate ba ng ibang planeta toothpaste niya?
"Mukhang napagiwanan na ako nina Quennie at Lino. Gusto mo ba sumabay saakin sa canteen?" nahihiyang tanong niya at napahawak pa ito sa batok niya.
Niyaya niya ba akong kumain sa canteen with him? Is he for real? Pero wala akong pera . but before I could even refuse him ay nagsalita nanaman ito ulit.
"Ililibre kita since ako naman ang nag aya" ngumiti na lang ako at tumango saka sumabay sa kanyang paglalakad. coz' why not? Pagkain yun at libre.
We arrived at the canteen at super dami ng students although irregular naman ang klase. Naisipan siguro ng mga students na tumambay talaga rito instead of their classrooms or di kaya sa mga mini parks ng school.
"Hanapan mo tayo table tapos ako na bibili food natin" hala nakakahiya gusto ko sana ako na lang makipagsiksikan sa pila. Pero bago pa ako makarefuse ay nakilinya na rin ito at nakisiksik.
Nakahanap na ako ng empty table kaso nga lang for 6 persons. Umupo na lang ako kaagad para walang makaagaw. Naghihintay lang ako nang bigla kong maramdamang may umupo sa tabi ko. Si Quennie at sa harap nito umupo si Lino.
"You don't mind naman that we sit here right?" Nakangiting saad ni Lino.
"Ah yes I don't mind" kaibigan naman sila ni Rian maybe he wouldn't mind kasama ko sina Lino at Quennie. Sila naman yung umupo eh. Pati okupado na rin ang ibang tables sa canteen ayoko rin naman silang ayawan.
Napansin kong hindi pa sila kumakain at mukhang may hinihintay pa na kasama. Nako wag naman sana baka wala ng seat para kay Rian.
"May hinihintay pa ba kayo?" I asked.
"Yeah, you and Rian" sagot ni Lino. Well sa magkakaibigan kasi kapag lunch or break time naghihintay talaga yan sa isa't isa at sabay sabay kumakain. Kaya naman pala sila hindi nagsisimula kumain. They are waiting for us.
BINABASA MO ANG
Venom Series 1: Perishing her
Mystery / Thriller"I could kill you in a snap of a finger but I'd rather let you kill me a million times." Indeed, I still ended up killing him with my own bare hands and that killed me a million times. Loving him is like a losing game. I've lost him and myself.