Nagmamadali na akong mag bihis dahil late na ako nakagising. Kahit irregular class this week kailangan parin namin pumasok ng maaga.
"Oh anak 'di kana ba kakain?" Tanong ng mama ko nang abutan niya akong nagsisintas na ng sapatos. I'm in my PE uniform since yun ang dapat susuotin sa araw na to.
"Hindi na Ma, kakain na lang ako mamaya sa school canteen, may 40 pesos pa naman ako" humalik na ako sa pisngi ni mama atsaka umalis.
Naka sakay na ako ng jeep nang marinig ko ang pag tunog ng aking cellphone.
Chat from Quennie
"Are you coming or not?"
Wow ano ba nakain nito at hinahanap ako? Halata naman na ayaw niya ako dahil maingay akong tao. Napaisip na lang tuloy ako na baka wala siyang mapagbuntungan ng galit kaya ako hinahanap.
"Bakit pala?" I replied.
"Bahala kana nga tsk" she replied back.
Chat from Danica
"Uy Affyiona nasan kana? Hanap ka ni Quennie"
"Bakit niya ba ako hinahanap?" reply ko.
"Ewan ko pero mukhang naiinis na eh."
Tumambol na nang malakas ang dibdib ko. What did I do? Wala naman akong ginawa para mainis yun ah.
Putangina papasok yata ako ng saksakan ng kaba.
Huminto na ang jeep sa harap ng school ko at agad agad na akong bumaba. Tinakbo ko na yung room dahil una sa lahat late na ako at baka nag che-check na ng attendance ang beadle.
Pangalawa, natatakot ako kay Quennie kaya gusto ko malaman ano ba kinainis nun.
Kapag siguro nahulog ako sa impyerno hindi ako matatakot makipagmeet kay satanas pero pag si Quennie ibang usapan na yun.
Nang makarating na ako sa third floor kung nasan ang classrooms namin ay mas lalo akong kinabahan. Napakatahimik ng hallway. Yung classroom nina Quennie tahimik din. Boses lang ni Rian ang naririnig ko. Nakita ko siya mula sa glass window ng room nila nasa harap siya ng klase at sinisermonan niya yung mga kaklase niya.
Unti unti na akong naglakad papuntang classroom ko. Napakatahimik, pag pihit ko ng door knob mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Mapapaaga yata burol ko neto.
When the door opened I saw no one else around other than Quennie infront of the classroom who is crossing her arms and slightly leaning her body on the table . Natuod ako sa kinatatayuan ko.
Somebody help me- nasan na yung mga kaklase ko?
I gulped before I spoke "Quen? Where are they? Bakit ka nasa classroom ko?"
"You're late as fuck" she coldly said.
"I'm sorry I guess?" Patanong na saad ko.
Umalis siya sa pagkakasandal sa table at naglakad papunta saakin. Cold aura was around her and I'm scared for my life.
Huminto ito sa paglalakad sa harap ko habang nakapamulsa na.
"Happy birthday" she said. There were no coldness in her voice. It was a soothing voice who greeted me. But I am confuse, Is it really my birthday? She must be mistaken. Hindi pa ako nakakabawi ay nakarinig naman ako ng sigaw.
"SURPRISE!" A party confetti boomed around the classroom. Nagsilabasan naman ang mga kaibigan ko sa Iba't ibang sulok ng classroom.
Si Danica naman lumabas mula sa divan. Paano siya nag kasya dun? Natawa na lang ako sa itsura niya. Tinatanggal niya kasi yung hibla ng walis na napunta sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
Venom Series 1: Perishing her
Mystery / Thriller"I could kill you in a snap of a finger but I'd rather let you kill me a million times." Indeed, I still ended up killing him with my own bare hands and that killed me a million times. Loving him is like a losing game. I've lost him and myself.