XXXV.
I woke up.
Tinignan ko ang tabi ko pero hindi na 'ko nagtaka nang wala si Heath.
Napahilamos ako ng mukha at tumingin sa bintana. Last day na ngayon ng burol ng Lola ni Heath. Hindi ko alam kung kakayanin ba ni Heath na tuluyan nang ilibing ang Lola niya.
Tumayo ako.
Nakita ko'ng hindi nagalaw ang pagkain na binigay ko kagabi sa kaniya. Simula noong unang libing ni Lola Madam, hindi na kuma-kain nang maayos si Heath. Pati nga rin ang pagtulog ay hindi na niya ginagawa nang maayos. Naroon lang siya sa tabi ng Lola niya o 'di kaya ay nasa harapan ng ataol. Ilang beses ko na rin siya'ng niyaya kumain at matulog pero ilang beses niya rin ako sabihan na okay lang siya. Pana'y ang pagka-kape niya kaya gising na gising siya at nakatulala roon sa Lola niya.
Dina-damayan din siya madalas nang mga pinsan niya o magulang. Hindi nila pinabayaan'g mag-isa si Heath sa harapan ng Lola nila.
At ngayon, hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
Iniisip ko pa lang na huling araw na 'to ni Lola Madam at ililibing na siya, naluluha na 'ko. Hindi ko kaya'ng makita ang pamilya ni Heath na ganoon.
Noong binalita sa iba nila'ng kamag-anak ang nangyari kay Lola Madam, lahat sila'ng magpi-pinsan ay wala'ng tigil sa pag-iyak. Nagpapakatatag lang sila nitong nakalipas na araw at sinasabihan lagi si Heath na hindi gusto ni Lola Madam na makita siya'ng ganito.
Naglinis na ako ng katawan. Matapos ay nag-suot ako ng puting t-shirt at jeans. Hindi ko gaano pina-pagod ang sarili ko ngayon. Baka sa susunod na araw, pupunta na 'ko sa hospital. Pakiramdam ko may buhay na ang nasa tiyan ko. Hindi pa 'ko sigurado dahil ayoko naman maki-sabay sa problema nila ngayon at hindi ko pa nasasabi kay Heath.
"Syd," someone knock. Sakto ay tapos na 'kong mag-ayos kaya lumabas na rin ako. Si Gio 'tong kumatok sa 'kin.
Siya ngayon ang nagaalaga sa 'kin dahil bilin daw 'yun ni Heath. Siya nagpapa-alala sa 'kin na kumain. Noong isang araw nga narinig ko'ng tinanong niya 'ko habang nakaturo sa tiyan ko. Hindi ko na lang siya sinagot.
"Kumain ba si Heath?" Tanong ko habang palabas kami.
"Hinde."
Hindi na 'ko nag-taka sa sagot ni Gio.
"Puntahan mo muna siya. Sabihin mo kailangan niya'ng mag-ayos," sabi nito at inabot sa 'kin ang malinis na polo'ng puti. Malungkot ko'ng kinuha 'to at naglakad na papalapit kay Heath.
Wala na ang ibang mga tao.
Totoo nga sabi ni Gio kahapon na tanging pamilya na lang ang matitira sa paghatid kay Lola Madam.
Bago pa 'ko makalapit nang tuluyan kay Heath, naririnig ko na ang pag-iyak nito. Nasa harapan lang si Heath, nakaupo at nakayuko. Hindi muna 'ko lumapit dahil tinawag ako ni Eli.
"Syd, please hold him as much as you can. Hindi ko kayo matutulungan dahil aalalayan ko si Mommy," ani nito.
"Ayos lang."
"If you can't hold him longer, call someone kung mayroon man. Okay?"
Tumango ako.
Sino ba ang pwede ko'ng tawagin mamaya? Hindi ko kaya ang bigat ni Heath at mukha'ng may sari-sarili sila'ng aalalayan.
Bumuntong hininga ako atsaka lumapit kay Heath.
I couldn't find any words but I tap his back kaya napa-angat siya ng tingin. He hug suddenly hug my belly and cry.
I bit my lower lip to avoid crying.
Nakita ng mga mata ko ang tingin sa 'min ng mga pinsan ni Heath at agad din sila'ng napaiyak. Kasama rin ang magulang ni Heath na hindi alam kung lalapitan ba kami.
BINABASA MO ANG
His Fake Fiancee (Completed)
RomanceWARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-working secretary to the hottest bachelor of town. She's working with him for almost a year and to be honest, she's the only one who made it a yea...