XLIII.
"Thank you, Ma'am Syd at Sir Rev. Napakabuti niyo po!" Sabi ng isang Co-founder ng Charity.
"Nako wala po 'yon at galing po kay Rev ang mga 'yan."
Nakikipaglaro sina Ryn and Hea.
Once a year, we visits this Charity kaya may mga kaibigan din ang dalawa. Kilala na nila ang isa't isa, ang iba pa nga ay talagang hinihintay daw sina Hea at Ryn. Nakakataba naman 'yon ng puso.
"Parehas po talaga kayong mabait. Bagay po kayo," sabi nito at tila kinilig pa. "Kayo ho ba?"
Marami nang nagtatanong sa 'min ni Rev kung kami na ba o kung ano man ang estado namin. Minsan nakakapagod sumagot kaya parang gusto ko na lang ianunsyo sa telebisyon na hindi kami. Siguro kakaunti lang din ang nakakaalam na magpinsan si Rev at ang dati kong asawa kasi hindi nila 'yon nababanggit.
"Syd isn't my type," biglang sabi ni Rev.
Inirapan ko na lang siya.
We stayed at the charity for three hours. Ryn and Hea were laughing with the others. I am always looking at them on how beautiful the smile they have.
Bago kami umuwi ay nagpaalam kami sa lahat ng tao na nasa charity. Pinalitan ko rin ng damit ang dalawa since pawisan dahil sa kakalaro. Papasok na sa sasakyan si Ryn pero kita ko ang pagbusangot ng mukha nito. I look at Rev and he approach Ryn.
"What's wrong?" Pagtanong ni Rev kay Ryn at kinarga ito papasok ng kotse. "We need to set time. Ang charity ay hindi palaruan."
"I knew that but can we just stay for another hour," Ryn murmured.
Rev also help my daughter to get up in the car. Medyo may kalakihan kasi ang kotse ni Rev kaya tila hirap ang dalawang bulinggit na 'to sa pagakyat.
Umupo na rin ako katabi ng driver's seat. Hea is quiet which is usual and holding her portable fan. Ryn is throwing a tantrums, again. She just need time, mamaya 'pag nakarating na kami sa bahay ay okay na siya.
Habang nasa biyahe ay nakatulugan na rin ng mga bata. Rev and I talks about the charity. Sabi niya kasi he's thinking about helping them. Napansin niya raw na kulang sila sa kama at may binanggit din siyang mga ibang problema na gusto niyang makatulong. Sabi ko naman ay okay 'yon kaya ibinigay ko na ang number nung charity para makausap na lang niya mismo.
"Thank you, Mr. Neighbor," Hea said then bow. Nakababa na kami ng kotse. Mukhang inaantok pa si Hea, si Ryn naman kinuha na ni Dan dahil tulog pa rin hanggang sa makarating kami ngayon.
"No worries. Thank you too, Hea," Rev patted my daughter's head.
Dumiretso si Hea sa kwarto dahil sabi niya ay inaantok pa rin siya. Ako naman ay dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom at nakasalubong ko si Dan.
"Syd, may kotse sa harapan ng Mancion kanina. Dalawang oras ang itinagal niya. Nakapark lang doon at hindi lumalabas," sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
"Baka naliligaw lang?" Kinuha ko ang pitsel at nagsalin sa baso. "Natanong mo ba?"
"Pinuntahan ko at kinatok kaso wala, hindi siya nagbaba ng bintana ng kotse. Masyado rin kasing tinted ang kotse niya kaya hindi ko namukhaan."
"Sige. Magtatanong na lang ako sa Security bukas 'pag nadaan ako para ihatid ang mga bata."
Umalis ulit ako ng bahay matapos kong magpahinga at matulog ng dalawang oras kasama ang anak ko. Bago ako umalis ay tulog pa rin si Hea. Binilin ko na lang kung sino ang nasa Mancion at baka hanapin ako.
I parked my car.
Bumaba na rin ako at bitbit ko ang bayo.
I decided to have our dinner here at the wet market. Mas mura pa rin dito at marami ang pagpipilian. Nagsabi rin sila Nyla at ang Mommy nito na sa wet market ako bumili para sa dinner namin dahil kakagaling lang nila rito at natuwa silang maglibot ng mapamimili.
BINABASA MO ANG
His Fake Fiancee (Completed)
RomanceWARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-working secretary to the hottest bachelor of town. She's working with him for almost a year and to be honest, she's the only one who made it a yea...