XX.
"P–po? Naku, ayos lang po ako," natataranta kong sagot. "No need, Sir."
Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Hindi ko pa kasi nasasabi sa kanila.."
"What?" Seryoso niyang tanong. "Never mind. Alright. Go home."
Napatingin ako sa kaniya! Bipolar talaga nito ni Sir Heath. Minsan hindi ko matansya kung anong isasagot ko sa mga sinasabi niya, hays.
Tumango na lang ako at bumalik sa cubicle ko.
Pa-gabi na nang matapos ako at inayos ko na ang mga gamit ko. Hindi naman ako magdadala ng mga gamit na mabibigat. Hindi na rin ako dadaan pa sa condo ko, diretso na lang biyahe para maaga rin akong makauwi sa Antipolo.
Pasarado na ang elevator na sinakyan ko nang may humabol doon.
"Syd," banggit nito nang nakita at pumasok. "Good evening. Done for today?"
"Good evening, Sir Rev."
Nakita ko ang pag-ngisi niya. Hindi na akk umimik at tahimik kaming nakasakay nang kami lang dalawa.
Awkward?
Definitely!
Matapos noong marinig ko ang kwento ni Sir Heath noon tungkol sa kanila. Hindi naman ako ganoon ka-gandahan para ma-gustuhan ng mag-pinsan na 'to. Tsk.
"It's long weekend, do you have any plans?" Tanong niya bigla. "With Heath?"
"A–hm. Uuwi ako ng Antipolo ngayon."
"Really? Heath's not coming with you?"
"Hindi po. Pahinga rin muna siya since maraming ginawa nitong mga nakaraang araw sa office."
Tumango siya.
Saktong bumukas na ang pinto. Pina-una niya ako at hindi na ako nagpa-ligoy na, dumiretso na palabas ng building. Pumara na agad ako ng taxi dahil pakiramdam ko ay kakausapin niya pa 'ko. Ayoko maka-offend pero mas okay na 'yung umiwas at baka mag-away pa 'yung mag-pinsan na 'yun.
Habang nasa biyahe ay nakita ko ang pag-ilaw ng cellphone ko.
Rys:
Long weekend! Uuwi ako bukas sa Antipolo. Hope 2 see u there! Loveyou xx
Nag-reply ako kay Nerys na pa-akyat na ako ng Antipolo at magkikita na lang kami sa rest house o kaya diretso na kami ng Padis malapit sa Cloud 9.
Ilang oras ang biyahe dahil medyo traffic, tumawag ako sa Kuya ko para sabihin na malapit na 'ko.
"Mabuti na lang pauwi kana, may ita-tanong sayo si Mommy," sabi ni Kuya Axl sa 'kin.
"Ano raw 'yun?"
"Hindi na. Kayo na lang mag-usap dito, mukhang kailangan niyo mag-usap."
"Pinapa-kaba mo 'ko, Kuya Axl. Galit ba siya?" Tanog ko at napa-buntong hininga. "Tanungin mo na kaya kung bakit."
"Kayo na lang mag-usap. Ingat sa biyahe."
He hang up the call.
Ano naman kaya 'yung ita-tanong ni Mom? Wala naman siyang text. Ite-text niya naman 'yun kung may tanong siya sa 'kin. Bakit hihintayin pa umuwi ako ngayon? Gosh. The anxiety.
Malapit na akong bumaba sa Village at muli kong tinawagan si Kuya Axl pero hindi na niya sinasagot. Lagot talaga 'to sa 'kin mamaya!
"Kuya, dyan papasok po," I pointed out sa labas ng Village Carolina.
BINABASA MO ANG
His Fake Fiancee (Completed)
RomansaWARNING R18 Note: 1st published at Dreame with 11k reads. Taglish. "Anniesyd is a fine lady and a hard-working secretary to the hottest bachelor of town. She's working with him for almost a year and to be honest, she's the only one who made it a yea...