KABANATA 12

203 8 0
                                    

XII.

Simula nung nakaraang linggo, na nakita dito sa trabaho ko na hinawakan ako ni Sir Heath sa baywang ay parang lahat yata ay galit na sa'kin.

Simula nun ay parang nag-iba na ang tingin nila. Wala naman akong paki dahil wala naman silang nagawa sa buhay ko, why should I bother because of them? I'm not obliged to say and explain that to them. Ang mga desisyon ko sa buhay ay sa'kin na lang.

Sir Heath doesn't know about that. Hindi ko na rin na dapat pang ipaalam dahil baka ano pa ang isipin niya.

Ngayong umaga ay nasa site kami para tignan ang project niya. Engineer talaga 'to si Sir Heath pero mas pinili ang pagiging bussiness man na nasa linya pa rin ng engineering.

I wear a hard hat bago kami pumunta ng site kasama 'yung ibang Engineers na ka-sosyo ni Sir Heath.

Mabuti na lang nakapag-sunscreen ako, ang init pa rin pala kahit alas-tres na ng hapon!

I'm just taking down notes everything they said. Pinagpapawisan na yata ako kahit medyo malakas naman ang hangin. Nang mapansin ni Sir Heath na nagpupunas ay nadi-distract siyang tumingin sa'kin habang nagsasalita kaya tinigil ko.

Ba't parang kasalanan ko pa na nahihinto siya sa pagsasalita niya dyan? Tsk.

Maya maya pa ay hindi ko na talaga kaya kaya pumunta muna ako sa likod at dun nag-punas ng pawis. Hassle naman kasi naka-sleeves pa 'ko at slacks. Heto kasi ang sabi niyang suotin ko, akala ko naman may other conference. 'Yun pala ay surprise visit sa bago niyang project.

"Akin na," a voice suddenly comes. Nagulat ako kaya ka-muntik ko nang mailaglag ang panyo! Si Sir Heath pala. Kinuha niya sa kamay ko ang panyo. "This is already wet."

Wet? Ang alin?

May kinuha siya sa loob ng suit niya. Puting panyo rin pala. Naka-kunot noo siyang nakatingin sa'kin at aambang na pupunasan ang noo ko.

"W-wait, Sir. Ako na po," I almost got a heart attack nang idampi niya ang panyo niya sa noo ko at simulang punasan 'to. "Ako na Sir."

"Tsk," tinapunan niya ako ng tingin at binalik sa pagpupunas ng noo ko. "Your sweat making me drool."

"Sir, baka ma-issue. Ang dami pa naman nila," mahina kong sabi. "Baka–"

"Wow, what a sight, Heath!" Sabi nung isang Engineer at tumawa. "You're really caring for your fiance. That's good. The rumors are true enough."

Lalayo na sana ako pero hinawakan ni Sir ang batok ko.

"'Wag kang malikot," he said. Buong mukha ko ay pinunasan niya pati na rin ang batok ko. Nang matapos ay inabutan niya 'ko ng tubig at humarap na dun sa ibang Engineer. "Of course I have to take care of her. It's just a give and take, Sir."

"Really? So, she's taking care of you so well?" Tanong nung matandang Engineer.

"She really is. Shall we continue?"

Napakagat na lang ako ng labi.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o mangangamba dahil hindi siya nag-deny tungkol sa kumakalat na issue na engaged na siya at dinagdagan pa niya ngayon.

Tsk! Wala na talaga!

We continue to visit their site until almost 5:30pm. Nag-usap pa sila sa loob ng opisina at nag-close ng deal para sa mga gagawin tungkol dun.

Nandito na kami sa sasakyan niya at wala ang driver. His drivers aren't around from the day we back here from Davao. Dati naman ay kasama namin ang drivers niya at sila ang naghahatid sa'min sa tuwing may visit sa site pero ngayon, siya na lang ang nagda-drive sa sarili niya. Nakakaawa nga dahil minsan ay pagod na pagod na siya.

His Fake Fiancee (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon