Umiiling-iling na naman ang kasambahay ni Don Ricardo Bernardo Sr. na si Marites dahil tag-araw na naman. Bakasyon na ngunit wala na namang bibisita sa kanyang among halos maghapong nasa veranda at pinagmamasdan ang buong paligid ng kanyang mansyon. Napasinghal siya nang ipagpatuloy ulit ang pagwawalis sa harapan ng gate. "Summer na nga, hindi pa pupunta ang mga anak niya o kaya kahit mga apo man lang niya niya." Bulong nito sa sarili.
Ilang dekada na ring kasambahay si Marites dito. Marami silang mga katiwala ngunit kapag tag-init, umuuwi ang iba niyang mga kasamahan upang magbakasyon rin sa kani-kanilang mga probinsiya.
Malawak nga ang mansyon at maraming pera pero wala namang kasamang pamilya sabi na naman niya sa kanyang sarili. Tumingala siya nang tumigil sa pagwawalis ng mga nahulog na dahon mula sa mga puno sa magkabilang dulo ng gate ng bahay habang pinagmamasdan mula sa baba ang among nasa balkonahe na naman. Umiling ulit siya at inalis na ang tingin sa matanda. Asan na nga ba si Bert? Masakit na ang balakang ko. Siya ang dapat na naglilinis dito. Kausap na naman niya ang sarili sapagkat umuwi ng Cebu si Mariel na isa sa mga kasambahay katulad niya na lagi niyang katsikahan.
Napakapit siya sa kanyang beywang dahil medyo sumakit na ito at akmang tatawagin na si Bert na kanina niya pa hinahanap ngunit hindi siya nito pinansin dahil binuksan ng huli ang napakalaking gate. Nanlaki ang mga mata ni Marites dahil sa isang pamilyar, hindi, mali siya, may mga sasakyan pa sa likuran nito. May bisita ang kanyang amo ngayong Summer 2018, ang kanyang pamilya.
Anim na sasakyan ang pumasok. Buong pamilya ang nandito ngayon, ano kayang meron? Tanong niya sa sarili niya habang tumatakbo papalapit sa mga sasakyan na tumigil na para tulungan ang mga taong dumating na ibaba ang kanilang mga gamit. Sumunod din para tumulong ang iba pang mga katiwala.
Andito na naman ang pamilya Bernardo. Maingay na naman ang bahay ni Don Ricardo.
Naunang bumaba ang mga nasa kulay grey na SUV. May police at science sticker sa likuran nito. Ito ang sasakyan ni Nicanor Bernardo, ang unang anak ng mag-asawang Ricardo Sr. at Amalita Bernardo.
"Seriously?" Hinawi ni Noemi ang kanyang buhok pagkababa niya sa sasakyan ng kanyang daddy tsaka sinuot ang kanyang sunglasses dahil sa mataas na sikat ng araw. Matangkad siya at balingkinitan ang kanyang pangangatawan. Isa siyang Tourism Student sa De La Salle University. May mga kapatid pa siya na ngayon ay inis sa kanilang ate dahil paharang-harang ito sa daan. Tatlo silang magkakapatid and she's the eldest.
"Tumabi ka nga!" Iritableng sambit ng bunso niyang kapatid na si Nathaniel na kahit pababa sa kotse, nakatutok pa rin ang mga mata sa kanyang gadget. Tahimik lang namang bumaba si Ninia na kunot ang noo. "Wala ka bang rally ngayong summer?" Sinapak niya ang kanyang ate sa pamamagitan ng librong buhat niya.
Sa kanilang tatlo, si Ninia lamang ang nagbuhat mismo ng kanyang mga gamit. "May nakukuha ka ba riyan sa pagiging tibak mo?!" Papasok na sana si Ninia pero lumingon din siya kaagad dahil sa sinabi ni Noemi. "Ano?! Nihongo ng kamusta?! Annyeong Haseyo???" Sumigaw sa inis si Noemi dahil sa sinabi ng kanyang nakababatang kapatid. Bagsak kasi ito sa isa nilang subject, foreign language, nung nakaraang semestre. Kailangan niyang ulitin 'yon. Padabog siyang naglakad papasok nang makita ang mga pinsan niyang sina Rachel at Therese na parehong matalino. Straight uno ang mga grado. Mana sa kanilang mga magulang lalo na sa kanilang ina na isang prosecutor. Mabait ang magkapatid na nagmamano sa mayordoma ng bahay.
"May dala akong pasalubong, Ate Marites." Sabi ni Rachel na ngumiti pa nang napakatamis habang pilit na ngiti ang pinakawalan ni Therese nang pumasok sila. Red na SUV naman ang sinakyan nila kasama ang kanilang mga magulang, ang mommy nila na nag-leave muna for work para lang pumunta sa Batangas. Ang daddy nila ay pinilit lang ng kanilang ina.
BINABASA MO ANG
Summer 2018: Back to the Retro
Short StorySummer Series 1 On Summer 2018, The Bernardo cousins consists of the spoiled brats, the tsikadoras & noisy, the kikays and bitches, the favorite, the shy and timid, the activists, the nerds and the rare one who is only sleeping in every gathering ar...