Level 04: Game Over

4 0 0
                                    

"Ano?!" Inis na sigaw ni Ninia dahil sa nalaman niya. Papasok kasi sana siya sa game room pero nakakandado ito at may nakapaskil na papel na nagsasabing sarado ito ng dalawang linggo.

Mabilis siyang pumasok sa loob ng mansyon para sabihin sa lahat ang kanyang nakita.

"Its Ate Noemi's fault." Sambit agad ni Celestine. "How did they cheat kaya?" Tanong naman ni Mia. "The real concern is two weeks tayong hindi makakapaglaro!" Nathaniel screamed after he said those words out of frustration.

"Kuya Rio, can you talk to Lolo?" Rachel suggested in her frustrated voice.

"Wala akong magagawa riyan. Consequence 'yan ng ginawa nila Noemi. Kasalanan ng isa, kasalanan ng lahat. You all know very well how Lolo treat everyone of us kapag ganito ang nangyari. We should pay for their sins as well." Marahas siyang napaupo sa couche.

"Two weeks is too much. Bakit ba kailangan nating madamay?!" Napaupo sa tabi ni Rio si Therese na nagsasalubong na naman ang mga kilay.

"Can Lolo just send Ate Noemi home? Can he just disqualify those three?" Sabi ni Elijah sa mga pinsan na bwisit na nakaupo dahil sa pagsara ng game room.

"Ops there! My twin was just being forced to cheat and to go outside." Sumbat ni Katelyn. "She have a choice not to follow." Sagot naman ni Celestine. "Of all the people here, ikaw pa talaga magsasabi niyan kay Katherine?" Kunot noo si Katelyn nang lingunin niya ang pinsan na hindi nakapagsalita sa sinabi ng huli.

"Alam mo, Celestine, matalino ka pero wala kang puso! Hindi lang si Ate Noemi ang dahilan kung bakit hindi tumuloy sa uste ang kambal ko! Tapos susundan mo siya sa La Salle? How cruel are you?!" Hindi napigilan ni Katelyn na itulak si Celestine. Tumayo ang mga nakakatanda dahil sa ginawang 'yon ni Katelyn.

"Mag-aaway nalang ba kayo lagi rito?" Bungad na tanong ni Melissa. Nasa tabi niya si Christina na hindi pa rin nakakapaglaro pero isinarado ang game room.

"You don't know anything because you're always sleeping, Melissa. Huwag kang nakikisabat." Nagulat ang mga rati nang nasa sala dahil sa biglang pagsulpot ni Noemi.

"Ano 'yon? Ang pandaraya mo?" Humiyaw nang malakas si Noemi dahil sa sinabi ng pinsan na iniinis niya pero siya ang naasar.

"Kasalanan niyo namang lahat 'e kung bakit 'to nangyari!" Sigaw niya.

"How come?" Tanong ni Rachel.

"Wala bang ibang sasabat diyan maliban sayo?!" Bwelta ni Noemi. Hindi ulit alam ni Rio ang kanyang gagawin dahil hindi pa tapos ang tensyon na namamagitan sa mga pinsang niyang sina Celestine at Katelyn.

"Pwede bang manahimik muna kayong dalawa?!!" Mga salitang umalingawngaw sa buong sala. Inis na inis na kasi si Rio.

"Para saan 'yon?!" Sabi ni Noemi.

"Dahil sayo, these two are at mess, Noemi! Pwede bang manahimik ka muna kahit isang araw lang?!" Galit na si Rio kaya naman walang ibang kumikibo sa labing-tatlong nakababata sakanya.

"Ako na naman ang may kasalanan?!!!!!" Basag na ang boses ni Noemi. She's about to cry but she can't. Wala siyang ibang kakampi kung hindi ang sarili lamang niya. Lahat ng tao sa paligid niya ay kalaban niya kahit ang pinsan na naging kakampi niya sa lahat ng bagay at ang bunso niyang kapatid na pagod na rin siyang ipagtanggol.

"Why is it my fault? Rachel slapped my face yesterday and no one, not even one asks if my face is okay! Katherine followed me at my choice siyang humindi sakin pero ako ang sinisisi ng kambal niya kung bakit siya lumabas! Ano? Ano pa bang kasalanan ko sainyong lahat?! Sabihin niyo sakin!" Noemi broke down, hindi na niya kaya. Lalapitan sana siya ni Ninia pero lumayo siyang umiiyak.

Summer 2018: Back to the RetroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon