1 week ago
"Tara na! Andito na nga tayo oh!" Hinila ni Noemi ang pinsang si Katherine na nag-aalangan pumasok sa club na nakita nila. "You're not minor anymore duh!" Dagdag pa nito bago niya hatakin nang tuluyan ang pinsan papasok sa loob.
"I know that." Marahas na hinawi ni Katherine ang kamay ni Noemi sa palapulsuhan niya. "Kung ganyan ang asta mo, sana hindi ka nalang sumama." Inis din ang huli dahil sa ginawa ng pinsan niya.
Dumiretso sa may bilihan ng alak si Noemi. Padabog siyang umorder ng isang tequila. Napangiti naman siya kaagad nang makitang gwapo ang bartender. "Do you play retro games?" She said with her flirty voice. She even bit her lips.
Sumandal ang bartender sa harapan ni Noemi kaya medyo napaatras ang huli. "Gameboys?" Nagpangalumbaba siyang nagtanong. Lumunok si Noemi sa lapit ng kanilang mga mukha. Umirap siya bago tumayo dala ang kanyang inuming alak. "Arcade." She stopped. "But its okay." Kunot noo niyang nilagok ang natitirang tequila sa baso saka niya ito ibinaba.
Naabutan naman niyang may kausap na lalaki si Katherine sa gilid ng dance floor. Natawa siya. Her cousin is a bitch just like her. "Are you with someone?" "Do you play retro games?" Sagot ni Noemi. Weird naman siyang nilayuan ng lalaking nagtanong sakanya. She smirked and walk through the crowd dancing like an idiot.
"Hey! I know how to play that kind of game." Ini-angat ni Noemi ang kanyang tingin sa lalaking bumulong sakanya. It was the bartender.
"You mean, galaga?" Tumango si Eric, ang bartender. "Is there a cheat on that game?" Tanong pa ni Noemi. Nasa cafe sila sa tabi ng club ngayon. Nasa loob pa ng bar si Katherine na kausap pa rin 'yong lalaking nakilala niya kanina.
"What is this for?" Umayos nang upo si Noemi at inirapan ulit si Eric. "Am I suppose to answer that?"
Napahalakhak si Eric sa naging sagot ni Noemi. "Then, I won't share the cheats." Akma na siyang tatayo nang hatakin siya nang malakas ni Noemi. Napabalik tuloy siya sa kanyang upuan na umaaray. "Competition."
"Anong klaseng kompetisyon?" Mariing napapikit si Noemi sa inis dahil andaming tanong ng kausap niya. Cheat lang naman ayaw pang i-share.
"Kilala mo ba si Don Ricardo?" Napangiwi si Eric at bitter na sumagot ng "Oo." Wala na siyang ibang binigkas na salita dahil tahimik siyang umiinom sa kanyang kape.
"May galit ka ba sa Lolo ko? Eric? Hello?" Iritableng sunod-sunod na tanong ni Noemi. "Hindi noh!" Sagot niya. "Natalo lang ako sa galaga nun 'e sa may bayan." Mahina niyang pagpapatuloy sa sagot. Tumawa nang malakas si Noemi. "You mean, that old man?" "Paulit-ulit?" Napatigil siya sa pagtawa dahil sa sinagot ni Eric.
"Tsk." Humigop din sa kanyang kape si Noemi saka siya humarap kay Eric. "Sabihin mo sakin 'yung cheat and I will also share some value."
"What do you mean?" Noemi crossed her legs as Eric asks her. "My grandfather will choose his inheritors through that game. The three person among us, my cousins, will inherit something. Money and all the things you can think of." She smiled while sipping again in her sweet latte coffee.
"Am I having half of what you will get if you win?" Noemi laughed so damn loud that the people around them stared at them with annoyance on their eyes. "What?" She asked and let a small laugh out. Umiling siya at ibinaba ang kanyang kape. "20%"
Tumayo si Eric habang nakatingin kay Noemi. "30%." Sambit niya. Kunot noong tumayo rin si Noemi. "Galaga na ba mismo maglalaro sa sarili niya dahil sa deal mo?" Tanong nito.
Nagpameywang si Noemi. Nagtititigan lang sila. Ingay lang din mula sa mga taong pumapasok sa cafe ang maririnig sa paligid nilang dalawa. Eric is contemplating about the 20% deal.

BINABASA MO ANG
Summer 2018: Back to the Retro
Short StorySummer Series 1 On Summer 2018, The Bernardo cousins consists of the spoiled brats, the tsikadoras & noisy, the kikays and bitches, the favorite, the shy and timid, the activists, the nerds and the rare one who is only sleeping in every gathering ar...