"Putangina!" Isang malutong na mura ang umalingawngaw sa buong game room. Mula ito sa bibig ni Christina. Imbes na mainis ang mga pinsan niya sa paligid, namangha sila sa sinabi nito. Isang masayang hiyaw at tawanan ang narinig nang tumawa si Christina.
"May sponsor na ako kada semester!" Sabi ni Melissa habang naglalaro na ng Galaga. Wala siyang pakialam kung mananalo siya o hindi, basta maglalaro siya dahil inihanda 'yon ng kanilang Lolo.
"Ganon dapat maglaro!" Sambit naman ni Rio na nakikinood ng laro ni Christina. Siya na ang second highest scorer with 600,000. Candidate siya bilang isa sa mga tagapagmana ni Don Ricardo.
Sa kabilang banda, wala na ring pakialam ang nerds sa play smartly nila dahil nabwibwisit na sila dahil palagi nilang nahihit 'yung sinabi ni Ninia na dapat iwasan. Nasa tabi nila ang nakatatanda na walong oras na atang nasa game room.
Number of Game Chances
Rio- 19
Noemi- 17
Rachel- 19
Melissa- 31
Therese- 23
Ninia- 18
Celestine- 18
Maribel- 19
Katelyn- 20
Katherine- 18
Christina- 30
Nathaniel- 22
Mia- 19
Elijah- 19Mag-aalas dose na ng gabi at malapit nang isara ang game room pero andoon pa rin ang magpipinsan. Kung wala lang siguro time limit ang paglalaro nila, tapos na ang laban sa loob palang ng isang linggo.
Tumayo at nag-unat ng katawan si Therese na hindi nakapagworkout kanina dahil sa Galaga, nakasuot nalang din siya ng jumpsuit. Nagtungo siya sa food area para kumain ng tsitserya. Kinuha 'yung Lumpia na nasa orange na supot, ilang araw na kasi niyang napapansin 'yon pero hindi niya naman kinakain.
"Shit." Ninanamnam ni Therese ang bawat niya kagat sa tsitserya. "Bakit ngayon ko lang 'to nadiscover?" Tanong niya sa kanyang sarili. Uminom din siya ng sarsi na inirekomenda sakanya ni Ninia. May lakas na ulit siyang maglaro pero bago pa man siya makabalik sa kanyang pwesto, dumating ang kanilang Lolo.
"You have to play this game seriously. Wala pang nkakabeat sa highscore ko for the past month." Napakamot silang lahat dahil sa sinabi ni Don Ricardo.
"Sa parents niyo nalang ako pipili kapag walang mananalo mula sainyo."
"No!" Pagtanggi nilang lahat kasabay nito ay ang pagtunog ng alarm sa game room. Isasara na ito.
"Just wait, Lo! We will beat you!" Mayabang na pangako ni Elijah sa kanyang Lolo bago sila tuluyang lumabas lahat sa game room.
Maaga pa lamang ay ginising na ni Noemi si Marites para magluto ng agahan. Tinulungan ng magpipinsan ang kasambahay dahil atat na atat na silang maglaro. Hindi nila hahayaang kanilang mga magulang ang maging tagapagmana ni Don Ricardo.
"Kumain ka na rin, Ate Marites!" Pag-anyaya ni Therese na may ngiti sa labi. Nahihiyang umupo sa tabi ng huli si Marites na inabutan pa siya ng sinangag. Nakakapanibago na interactive si Therese kaya naman nagtataka si Marites.
"Your sister is not cold anymore." Pang-aasar ni Noemi kay Rachel na busy sa pagnguya ng daing. "And you're not nosy anymore." Binatukan ni Noemi ang pinsan. Papatol pa sana si Rachel pero ansama ng tingin sakanila ni Rio na umiinom ng kape. Naka-org shirt na naman ito, miss na miss ang UPD.
"I cannot believe we saw Ate Noemi and Ate Rachel that close with each other again." Sambit ni Mia nang ibaba niya ang basong pinag-inuman niya ng gatas sa lamesa. "Si Ate Celestine at Ate Katherine rin." Tumango-tango si Mia dahil sa sinabi ni Elijah. Hindi nila katabi sa hapag-kainan si Celestine na nasa kabilang side ng mesa katabi si Katherine. "Are you two jealous?" Inirapan lang ng dalawang nerd si Nathaniel na katabi nila.

BINABASA MO ANG
Summer 2018: Back to the Retro
Short StorySummer Series 1 On Summer 2018, The Bernardo cousins consists of the spoiled brats, the tsikadoras & noisy, the kikays and bitches, the favorite, the shy and timid, the activists, the nerds and the rare one who is only sleeping in every gathering ar...