Prologue

12 1 0
                                    




"Pa-photocopy naman po. babalikan nalang namin mamaya, Isa-isang copy lang ate, Vida," Tumango ako bago kunin ang flashdrive na hawak nito, "Potangina mo Research po ang file name," Hindi ko na napigilan matawa habang nailing bago iprint ito. Akala ko ay minura ako buti nalang nilinaw niya.



Buti nalang at tatlong set ng printer ang meron dito sa shop kaya mabilis ma-process lalo na't pasahan ng research ngayon ng mga studyante, dami tuloy pila ngayon.



Kilala na nga ako dito dahil ang mura daw ng pa-photocopy namin tapos ang ganda daw ng quality compare sa other shop na nandito.



"68 pesos lahat." Sabi ko bago inabot sakanila ang makapal na papel. Nag refill na din ang bond paper para tuloy-tuloy ang printing process.



"Nakaka-stress yung panot na 'yon! Sabi niya bagohin tapos pag-check kanina mali daw!"



"Dapat kasi pinakita niyo yung copy na sinulatan niya."



"Iniwan kasi nito ni gia, eh! Kakaloka, ka!"



Naiiling nalang ako habang pinakikinggan ang mga rant ng studyante sa prof nila. Lagi naman ako nakakarinig ng mga reklamo nila kesyo mahina daw ang boses ng statistic teacher nila, Puro daw quiz ang philosophy wala naman tinuro, minsan lang pumasok si Research, etc. Well, all they can do is to rant behind their prof back, but they still want to accomplish everything at the end of the day.



"Salamat!" Ngumiti ako pag abot ng mga papers na binalikan nila. 



Mamaya alas dose ng tanghali ang out ko dito sa shop at papalitan ako ni shanea. Hindi hassle sakanya dahil wala naman masyado nag-papaprint sa hapon at puro mga nag ta-time in lang kadalasan para mag edit ng mga project nila at mag laro.



"Hoy, malandi!" Bungad nito saakin pag-pasok ng shop.



"Mas Malandi ka!" Inirapan ko ito bago nilista ang pangalan at oras ng out ko sa log book.

Noah's Heart (Fangirl Series #1)Where stories live. Discover now