Isang linggo na din simula ng maging personal assistant ako ni Noah. All I can say is it was exhausting but at the end of the day, it was fun. Lagi mo ba naman makakasama idol/crush/boyfriend/asawa mo, joke!
Mall shows, interview at mga pictorial ng mga brand na in-indorse ni Noah ang mga lakad namin ng mga nakaraan linggo at nakakapagod 'yun. Pahinga nalang namin ay sa van.
Si Yas ay minsan hindi nasama kaya ako ang nag aayos ng buhok nito at nag lalagay ng unting make up kay Noah. Buti nalang nga at may fashion sense ang lalaki compare saakin. Siya na namimili ng damit niya and all I can do is to bring his closet.
Good thing nakakapag usap kami ng lalaki ng casual kaya hindi na awkward at may makakausap na ako sa van. May mga alam na nga ako sakanya na hindi alam ng mga fans niya. Katulad ng takot ito sa palaka. Wala daw nakakaalam kasi hindi niya daw pinalagay sa wikipedia niya. Yabang, eh.
Ako, Kara and Yas lang daw may alam nito dahil kami lagi niya kasama. Alam niyo paano ko nalaman? Aba'y may nakapasok na palaka noon nung nag shoot sila sa tent namin. Naulan kasi, buti nalang daw ay kami lang dalawa sa loob.
"Nakakapagod." Reklamo ko pag upo sa sasakyan.
Dito na ako na-pwesto malapit sa pinto para mabilis ako makalabas lalo na't kami lang ni Noah ang mag kasama at yung driver pero wala naman ganap yan si kuya, eh! Dito lang yan sa loob ng sasakyan. Lalabas kapag may utos kami or kailangan ng tulong.
Katatapos lang ng pictorial niya sa isang luxury scent. Papunta kami ngayon sa palengke para mag taping ng mga ilang scene na hindi pa nila nakukuha. Middle scene na ito at ilang buwan lang ay matatapos nila ito. Balak ni Noah pag tapos ay asikasohin ang clothing and perfume business na matagal na niya gusto.
Si Kara naman ay busy dahil may dalawa pa nga itong alaga. Kapag pictorial ni Noah ay kami lang ang mag kasama kasi may mga kailangan ito asikasohin. Pero ngayon sinabi nito na susunod nalang daw siya pag-tapos ng meeting niya.
On our way, Noah is reading the script. Role ni Noah doon ay nakaka-batang kapatid ng babaeng bida, it was Loren. Ilan beses ko na ito na nakita. Nakapag pa-picture na nga din ako kaso ngayon nag sawa na yata ako sa mukha niya kaya sanay na ako na nakaka salubong siya. She was kind and proffesional. Leonardo her leading man was also kind. May rumor nga na dating na daw ang dalawa pero hindi ako naniniwala. Parang wala naman kasi gusto ang lalaki sa babae, eh. Parang ako lang kay Noah.
Pag dating ay pumunta na kami sa tent namin. As usual madami gift from Noah's fan. Staff already bought us coffee and bread, pang meryenda.
"Pwede ba hingiin yung iba dito?" Biro ko. Masyado kasi madami. May bulaklak pa at mga mamahaling damit, bag, painting, art at pabango. I sighed. Ang dami ko na naman bitbit mamaya papasok ng van.

YOU ARE READING
Noah's Heart (Fangirl Series #1)
Teen Fiction'Ang hirap maging mahirap' Vida Herra quote of her life. Matatawag siya'ng 'Breadwinner' ng pamilya para makaahon sa buhay but her life change. She was simply fangirling a man named Noah Valderama. Hindi niya maisip na ang pag punta sa coffee shop n...