"Ma'am, Vida cute," Tumayo ako ng tawagin ang pangalan ko sa counter ng starbucks. Nakangiting kinuha ko naman ang sampung kape habang ang kasama ko na si Yas ay kinuha ang mga tinapay na binili namin.
"Mabigat?" Yas asks me, I nod, expecting her to help me. "Kaya mo 'yan." Sabi nito bago nag lakad paalis. Inis na inirapan ko ito bago tumawid. Sanay na ako sa ugali na iyan ni Yas, ilang buwan na din kami mag kakasama. Bagay sa ugali nito ang laging itim na pananamit. Sabi ni Kara ay ganyan talaga ang ugali nito, prangka at maldita. Hindi naman daw nila masabing mabait pero swerte na daw kami dahil hindi kami nito sinasaktan. Inaasar lang sa mga pambabara niya at pag mamaldita.
Pag dating ko sa set kung saan ang taping ni Noah ay binigyan ko ang ibang staff na nasasalubong ko para mabawasan ang dala ko. Binigyan ko din ang director at nag tira ng para saamin nila Noah, kami lang tatlo nila Yas ang nasa tent.
Napairap ako dahil pag pasok ko ng tent ay hindi pa pala binibigay ni Yas ang tinapay na binili namin. Nakakainis pa dahil prente silang nakaupo ni Noah habang nakain. Kinuha ko na yung plastic para bigyan ang ibang staff na wala pa meryenda.
Nag bigay din naman yung ibang cast ng meryenda, ewan ko ba dito kay Noah bakit ang kuripot ng binigay. Alam ko mahal ang starbucks pero compare naman sa pa catering na meryenda nila Leonardo walang-wala ang meryenda ni Noah. Medyo nahihiya nga ako mag abot dahil halos lahat sila ay may buhat na kanya kanyang plato.
"Vida, meryenda ka muna." Loren approach and hand me an empty plate. Hinila ako nito sa mga nakahilerang pag kain kaya wala na ako nagawa. Ang sarap din ng mga pagkain nandito, may adobo, palabok, biko, shanghai at gulaman with buko.
Kumuha ako ng adobo para maiulam ko pati shanghai. Kumuha din ako ng gulaman at ng makita ni Loren na may laman ang plato ko ay nilubayan na ako. Bumalik ako ng tent at nakita ang mukha ni Noah na nag tataka.
"Saan ka naki-birthday?" Bungad ni Yas. Tumabi ako sakanya dahil siya ang nasa mesa. Lumapit si Noah para tikman ang gulaman na dala ko. Buti nalang dalawa ang dala ko.
"Pameryenda nila Loren iyan. Mas mabubusog ako rito kaysa sa starbucks ni Noah," Ngumuso naman ang lalaki. Si Yas ay lumabas dahil kukuha rin daw siya. Sumang-ayon sa opinyon ko kaya lalong napanguso ang lalaki sa tabi ko.
"Hindi naman ako ang main cast dito so why would I waste my money for those staff?" Inirapan ko ito. Ayaw nalang aminin na kuripot siya kaya ayaw niya gumastos.
"Aabangan ko project mo na ikaw ang bida." Sabi ko sabay kindat. Ngumiti naman ito ng nakaka-loko.
"Ang sabihin mo ang gusto mo abangan ay yung pacatering ko din." Tumango naman ako kaya sabay kami natawa. Pero kahit naman na wala pa siyang main project na siya ang bida ay madami na ito'ng supporters at proud ako sakanya kung ano 'man ang marating niya. He deserves everything he has now 'cause he works hard for it. I'm always proud of him no matter what.
YOU ARE READING
Noah's Heart (Fangirl Series #1)
Roman pour Adolescents'Ang hirap maging mahirap' Vida Herra quote of her life. Matatawag siya'ng 'Breadwinner' ng pamilya para makaahon sa buhay but her life change. She was simply fangirling a man named Noah Valderama. Hindi niya maisip na ang pag punta sa coffee shop n...