Chapter 3

6 1 0
                                    




Naligo ako dahil sa lagkit ng katawan ko. Syempre binalik ko lang yung damit ko kanina except sa panty. Lagi ako may dala incase na may dalaw ako!



Sinuot ko na din yung checkered ko para para maiba naman. Light make up lang din nilagay ko habang ang hanggang dibdib ko na basang buhok ay hinayaan ko na nakalugay.



Lumabas na ako ng unit para bumaba. Doon nalang ako hinintay ni Kara. Kakain daw kami ng seafood at naglalaway ako! Matagal na din ang huling kain ko nito.



I stop when I saw Noah waiting for the elevator to open. Nakatingin lang ito sa paa niya, pampalipas oras siguro habang nag hihintay.



Naka itim na hoodie ito at itim na short at puting sapatos pero sobrang gwapo. Kailan ba ito papangit sa mga simpleng sout?



Umangat ang ulo nito nang bumukas ang pinto ng elevator.



Muntik na ako mapatalon sa gulat ng magtama ang mata namin. Napansin niya yata nandito ang presensya ko. Infairness ang gwapo niya kapag nakaharap saakin.



"Sabay kana." Pota! Ang lalim ng boses.



Tumango ako bago dahan-dahan na pumasok ng elevator, kunyari mahinhin tayo. Pinindot niya ang ground floor bago tahimik na pumwesto sa tabi ko.



Nakatingin lang ako sa sapatos ko na madumi compare sa sapatos niya na malinis. Kapag tinapakan ko ba 'to magagalit siya? Ganun kasi si Shanea saakin kapag natatapakan ko sapatos niya sa shop.



Nag-angat ako ng tingin para makita ang itsura ko sa salamin. Nag-tama ang mata namin ni Noah mula sa reflection pero umiwas siya agad para tignan ang pag-baba ng number ng elevator.



Ako naman ay inayos ang buhok ko. Wala yung scrunchies ko naiwan ko sa banyo ng unit, pero maganda pa din naman ako kahit nakalugay.



I sighed. Bakit parang ang bagal naman ng pag baba ng elevator. Sira ba 'to?



"Take off your checkered." Nagulat pa ako ng mag-salita ang lalaki sa tabi ko.



Kunot noo ko ito tinignan pero blangko lang ang mukha niyang nakatingin saakin. Natatangahan yata siya. Pero bakit ko naman huhubarin checkered ko? Omg! I don't know na ang isang Noah ay may pag nanasa saakin.

Noah's Heart (Fangirl Series #1)Where stories live. Discover now