Missing

1.1K 5 0
                                    

Copyright © Aspenz18q  2014,  All Right Reserved

--- --- ----
Missing

--- --- ----

Nauna akong umalis ng bahay Kay Mommy dahil narin sa nag-Ayos pa ito ng pinto kaya hindi pa ito Nakaka Ayos.

Hindi paman ako nakakababa sa tricycle na sinakyan ko nakita ko na agad na parang may nagkakagulo sa tapat ng gate, kita ko na may Pinipilit palabasin si Kuya bogs.

Mabilis akong Humakbang para makita kong sino ang sinasaway ni Kuya bogs at ng malapit na ako, biglang may umakbay sa akin na ikinabigla ko naman.

" Good morning handsome." ang nakangiting bati sa akin ni Armed na umaarteng beki at Panay ang hawak sa braso ko.

" tigilan mo nga yan Armed, haha pag ikaw natuluyan diyan sa ginagawa mo." ang medyo patawa kong biro dito.

" wag naman sana, hahaha pinapatawa lang kita kasi ang aga aga ay parang ang laki ng iniisip mo diyan. may problema kaba?" ang nakangiti pero seryosong tanong ni Armed.

" wala naman akong problema pero may mga bagay lang akong iniisip na nagpapagulo at nagpapasakit lang sa ulo ko this past days." Humakbang na ako para Mas lumapit pa sa gate pero pinigilan ako ni armed. " bakit?" ang tanong ko dito.

" wag ka na munang papasok. " ang mahinang sagot ni armed sa akin.

" bakit nga?" ang confuse ko paring tanong.

" nakikita mo ba yung babae na maingay at hindi pinapapasok ni Kuya bogs? tumango ako.

yan si Ms. Garcia siya ang INA ni Jasmine Garcia, third year highschool  na kagabi pa daw nawawala, kanina pa yan diyan sa may gate pero hindi pinapapasok ng management dahil wala namang pasok kahapon dahil linggo kaya walang pananagutan ang school sa pagkawala ng kanyang anak.

At isa pa marami ang nakakita Kay jasmine na nag-iisang naglalakad sa may park  noong gabi na nawala ito, ayon rin sa ibang nakakita may suot daw na maskara ang kasama kasama nitong babae

" babae? may kasama siyang babae na nakamaskara?" medyo natakot ako dahil unang pumasok sa isip ko na narinig ko ang salitang maskara ay yung killer sa one missed call.

" oo yun ang sabi ng mga nakakita, pero yung INA ni Jasmine ay ayaw maniwala, kasi ayon dito nagpaalam daw ang anak Niya na pupunta sa school para makipagkita sa kaibigan na naunang tumawag bago gumabi." paliwanag ni armed habang nakasandal sa pader.

Dinala ako ng salitang "maskara" sa Mas malalim na pag iisip at isang konklusyon. " paano kong pinatay si Jasmine nung kasama niyang babae?" humarap ako Kay armed at halatang nagulat ito sa sinabi kong iyon.

" paano mo naman nasabi yan?" takot na tanong nito.

" di ba dun sa  pelikulang " One missed call" bago Patayin yung biktima tatawag muna yung killer. paano kung ganun ang ginawa ng tumawag Kay Jasmine, paano kung ng Pumunta ito para makipagkita sa tumawag sa kanya ay saka siya nito pinatay?" tumango tango lang si armed sa mga sinabi ko pero nakikita kong may takot sa kanyang ekspresyon.

" teka nga, wag na yan ang pag usapan natin. lunes palang ngayon pero diyan sa mga pinagsasabi mo parang malapit na ang Friday the 13th. " natawa nalang ako dahil sa pagpipilit ni armed na ibahin ang topic ng aming pinag uusapan.

" Natatakot kalang eh kaya mo iniiba ang usapan." biro ko dito sabay akbay.

" hindi ah, hindi kaya ako matatakutin. favorite ko nga ang manood ng mga horror movie eh.. hmm,

alam ba yung The day after tomorrow? sobrang Nakakatakot nun." medyo may tono ng paghahamon na tugon nito.

natawa lang ako ng malakas at halos sumakit na ang tiyan ko dahil sa sinabing iyon ni armed. " hindi naman kaya horror ang the day after tomorrow." naiiyak na ako sa kakatawa.

" ah basta para sakin horror movie yun kasi natakot ako dun, sobra......halika ka na nga pasok na tayo at baka kung saan pa tayo dalhin ng usapang ito." naglakad na ito papunta sa gate kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod na nakangiti parin dahil sa mga pagpapalusot ni armed.

nadaanan namin ang mugto at lumuluhang si ms. Garcia na patuloy parin ang pagmamakaawa na kailangan niyang makausap ang board tungkol sa kanyang anak. Nakaramdam ako ng awa at kirot sa puso dahil doon ko nakita na sobrang mahal ng Isang INA ang kanyang anak.

Isang titser ang lumapit Kay Kuya bogs at may ibinulong.  napahinga si Kuya bogs bilang sign of relief dahil sa tantiya ko ang ibinulong ng titser ay ang pagpayag ng board na papasukin na si Ms. Garcia.

Nasa likod lang kami ni Ms. Garcia kaya walang kumikibo sa amin.. sinundan nalang namin ng tingin ginang ng lumiko na ito sa pathway papunta sa office ng board..

----------------

" dahil sa pagkawala ng 3rd year student na si Jasmine Garcia napagkasunduan ng department na icancel muna ang pasok ngayong araw para magkaroon ng Mas malalim na imbestigasyon upang malaman mga impormasyon  kung nasaan ang dalaga." malakas na announcement ng aming principal after ng flag ceremony. hindi na kami dumiretso sa room at tuloy-tuloy na kaming lumabas ulit ng gate.

" Wala naman pasok ngayon, nood nalang tayo ng DVD tapos movie marathon tayo." aya ko Kay armed ng naglalakad na kami sa hallway para mag-abang na ng sasakyan.

" sige ba, sainyo nalang tayo."agad na sang ayon ni armed kaya pumara na ako agad ng sasakyan at habang nasa biyahe nagkwentuhan lang kami ng mga paborito naming pelikula.

"dito nalang ang pwede." sigaw ni manong driver na agad ko namang ikinatingin sa labas ng sasakyan.

"napakalayo pa ng bahay namin, kaya bakit naman hanggang dito nalang po manong?" ang agad kong himutok dito.

" may natagpuan daw kasing babae diyan sa may talahiban kanina kaya may mga Pulis na nagiimbestiga diyan ngayon. mahihirapan lang tayong dumaan diyan kaya Mas makabubuti kung maglakad na lamang po kayo." paumanhin ng drayber sa mga pasahero na ikinalukso naman ng Hinala namin ni armed.

Mabilis kaming Nagbayad at nagsimulang lakarin ang kahabaan ng daan papunta sa may parte na talahiban.. araw araw dito kami dumadaan kaya alam ko ang pasikot sikot ng lugar.. habang naglalakad kami ay walang salita ang lumabas sa bibig ng isa man sa amin pero alam ko na iisa lang Ang iniisip namin ni armed.... maaaring ang natagpuang bangkay ay Kay....... Jasmine..

- ---- ------- ---- --

-to be continued..

#Aspenz18q.:)

Lihim ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon