Lihim ni Mommy

9.7K 18 0
                                    

Copyright © Aspenz18q  2014,  All Right Reserved

---------Lihim ni Mommy
---

" Dennis, Anak tigilan mo nayan kakain na tayo, maaga kapa bukas." ang malakas na sigaw ni mommy sa akin habang naglalaro ako ng plant vs. zombies sa bagong kabit naming computer set na regalo sa akin ni daddy na nasa abroad

sa katatapos kong 14th birthday.

medyo nagulat ako dahil hindi ko naman narinig na umakyat si Mommy papunta dito sa kwarto ko at isa pa ay hindi ko man lang napansin na nakauwi na pala ito galing sa pamamalengke.

" yes ma, tapusin ko lang Po itong final wave." mahinahong akong sumagot.

wala na akong natanggap na sagot kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalaro uli.

Tapos ko na ang final wave ng biglang namatay ang lahat ng ilaw.

napakadilim sa paligid kaya kinapa kapa ko ang mga gilid para makapunta sa headboard ng kama ko kung saan nakapatong ang SOS ko na may flashlight, whistle, at iba pa na kailangan for emergency purposes.

" yes! nahawakan ko na ang handle ng SOS ko agad kong pinindot ang "on" button ng flashlight para maliwanagan ang paligid at makapunta Kay mommy sa baba.

paglabas ko ng kwarto Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin kaya napayakap ako sa sarili ko.

Mas binilisan ko pa ang paglakad. malapit na ako sa baba ng may nakita akong babae papunta sa kusina.

wala itong flashlight o anumang pang ilaw pero hindi man lang ito nahihirapang maglakad sa dilim.

" Mom, are you okay? " wala akong natanggap na sagot galing dito. hindi man lang ito lumingon sa direksiyong kinaroroonan ko kaya hinabol ko ito.

Naguguluhan talaga ako sa nakita ko dahil sa pagkakaalam ko takot si Mommy sa dilim.

Simula ng magtrabaho si daddy sa Isang kompanya sa Europe tuwing mag aanounce ang mga kagawad na magkakaroon ng brownout sa aming village. maaga itong nagluluto at tinatabihan ako sa pagtulog.

Palagi kong tinatanong si mommy kung bakit siya takot na takot sa dilim pero hindi niya naman ko sinasagot. kaya hindi nalang ulit ako nagtanong.

Nasa sala na ako at papunta na sa kusina dahan dahan lang ako dahil hindi naman masyadong kalakasan ang ilaw ng munti kong flashlight.

" Mom, anong ginagawa mo diyan? " nakita ko si mommy na nakatayo patalikod sa akin nasa harap ito ng pinto sa cr.

hindi ulit ito sumagot nakatayo lang ito na parang estatwa. inilawan ko ito at doon ko lang nakita na napaka dungis pala ng damit nito. meron ding mga mantsa na parang dugo na natuyo.

Biglang nagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan pero hindi ko iyon pinansin.

Humakbang ako palapit Kay Mommy kaya lang binuksan na nito ang pinto ng cr at ng akma na itong papasok ay bigla itong lumingon sa akin.

Ahhhhhhhh....

. Ahhhhhhhh...... napasigaw ako sa takot at pagkagulat. umatras ako at napaupo sa sahig.

Hindi ako nagulat sa itsura nitong Duguan ang damit at magulo ang buhok dahil kamukha ito ni Mommy. maganda at maamo.

ang higit na ikinagulat ko ay ng makitang kaya pala ito hindi nahihirapan sa paglakad sa dilim dahil sa hindi pala ito nakadikit sa sahig --- nakalutang ito.

nakatitig parin ito sa akin, nakangiti ito ngunit ang mata ay mapupula na parang may galit sa kalooban.

Tumalikod na ito sa akin at pumasok na sa loob ng cr...

Lihim ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon