Salubong...

650 5 0
                                    

Copyright © Aspenz18q  2014,  All Right Reserved

- ----
Salubong
---

Sobrang dilim na ng paligid ng imulat ko ang aking Mata matapos akong yugyugin ni Mommy ng tumigil na ang bus sa pangalawang babaan ng pasahero----- sa Santa Cruz....,

Nagtataka pa nga ako habang pababa sa bus. bakit nakapadali naman atang mawala ang epekto ng pills??? baka expired na yun...

kinapa-kapa ko muna ang  namuong Muta sa mata ko, at gamit ang panyo sa bulsa ko ay pinahid iyon.

Nakababa na kami at kasalukuyang nakaupo sa waiting shed na parang matagal ng hindi nalilinisan. kitang kita naman sa pader na halos kulay uling na, bitak-bitak narin ang sementong sahig   at ang pintura ay natutuklap na.

Maliwanag ang paligid ng waiting shed dahil sa mga poste na may ilaw, kahit konti lang ang mga natatanaw kong kabahayan dahil ayon Kay mommy nasa centro ng Santa Cruz ang karamihan sa bahay dito ay maganda parin ang view dahil nakikita ko ang mga ganitong tanawin na wala sa baryo Liwanag.

" Mom, wala pa ba ang susundo sa atin? naantok na po ako." tanong ko dito na nakatayo sa gilid ng may ilaw na poste habang abala sa pag pindot ng kanyang selpon.

" malapit na anak, tinetext ko na nga ang tita Margie mo para sabihing andito na tayo sa waiting shed." kinuha ko nalang ang selpon ko sa bag at Tiningnan kong may nagtext man lang..

May message galing Kay armed  at nagtatanong ito kung bakit daw hindi ako pumasok? at nasaan daw ako dahil Pumunta pala sa bahay namin..

nalimutan ko palang magpaalam dito kaya nagreply nalang ako ng short message at sinabing nagpunta kami dito kina tita, nagbilin rin ako na balitaan sa mga gagawing activity at project sa school......

muntikan ko ng maitapon ang selpon ko ng biglang magbago ang wallpaper nito. biglang naging kulay dugo ang buong screen mula sa  plain cherry mobile nitong wallpaper.....

Pumikit pikit ako bago Tiningnan muli ang selpon ko at dati na ulit ang wallpaper nito...

Mabilis ko nalang itong itinago.

Dahil sa sobra na talaga ang kaantukan na nararamdaman at nahihilo na ako. kaya  Ipinatong ko nalang ang ulo ko sa bag para umidlip ng konti habang wala pa ang sundo...

bakit kapa tumuloy?? diba binalaan na kita!!!!ang tigas ng ulo mo!!!! narinig ko na naman ang boses na iyon sa loob ng ulo ko.

Napabalikwas ako at parang baliw na nagpalinga-linga sa paligid para hanapin ang may ari na boses na yun.

Naka ilang beses na akong lumingon pero wala  naman talaga akong makitang tao na dumadaan Bukod sa amin ni mommy.

" anong nangyari sayo anak? bakit ka lingon ng lingon diyan? may hinahanap kaba?" napansin na pala ako ni mom at nahalata na nito ang pagigi kong aligaga.

" wala po, tinitingnan ko lang kung padating na ang sundo." ngumiti ako ng pilit at saka Pinilit na pakalmahin ang sarili dahil nagsisimula ng mangatog ang tuhod ko, nakakaramdam ako ng takot kasabay ang malamig na ihip ng hangin.

Bumalik na si mommy sa upuan at Ipinatong ang ulo sa pader ng shed. Tanda iyon na inaantok narin ito.

" okay na anak, papunta na daw dito ang Tito mykl mo Dala ang tricycle kaya wag kanang mahiga diyan, ayusin mo na ang gamit mo at ano mang oras ay darating na iyon."

balot...

penoy...

chicharon....

Lihim ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon