Si Mang Pedring

1.1K 7 0
                                    

Copyright © Aspenz18q  2014,  All Right Reserved

---- ---
Si mang Pedring
----

napatakip nalang kami ng ilong Matapos naming makumpirma ang Hinala na nabuo sa aming isip habang mabilis na sinusunod ang daan kung saan maraming Tao ang nagkukumpulan.

Napakabaho na ng hangin sa lugar na iyon, talagang masusuka ang sinumang makakaamoy ng alingasaw na nanggagaling sa nagsisimula ng mabulok na katawan ng kalunus-lunos na katawan ni Jasmine.

Nakipagsiksikan pa kami ni armed para Mas makalapit sa mismong harap ng bangkay. pero sobrang dami ng mga usyosera't usyosero kaya naipit lang kami sa gitna kung saan marami ang nagbubulungan.

" grave naman ang nangyari sa dalagang yan. siguradong wala ng kaluluwa at halang na ang bituka ng taong gumawa niyan." ang unang pahayag ng matabang babae na nasa unahan namin.

" ay naku mare, halata naman sa paraan ng pagpatay. Ikaw ba naman ay wakwakin ang dibdib at dukutin pa ang Puso.napakabrutal talaga nito." sabi naman ng kaharap nitong babae na sobrang payat.

" baka naman naka drugs ang gumawa dahil ang makakagawa lang ng ganyang bagay ay iyong mga wala sa wisyo, mga drug addict ba." patuloy parin na sabi ng pangatlong babae na halos isigaw na ang bawat salita dahil sa lakas ng boses nito.

Sobrang nacurious ako sa mga  tsismis na narinig ko kaya Mas lalong tumindi yung kagustuhan ko na makita sa malapitan ang katawan ni Jasmine.

Sinipat sipat ko pa ang mga pwedeng daanan para makalapit sa unahan pero wala akong makitang butas para makalusot. masyadong madami ang taong nakaharang para maka daos ako paunahan

Mas lalo pa akong napatakip sa ilong dahil bukod sa Masansang na Amoy na Dala ng hangin. may masamang hangin pa ang tumambay sa butas ng ilong ko. sobra naman itong si manong ang lakas ng loob makipag siksikan dito sa Tao, kasing lakas ng loob Niya ang Amoy ng kanyang namamawis na kili-kili.

" Dennis dito ." ang malakas na sigaw ni armed habang pinapaypay ako sa direksiyon na maaaring may daan para makalapit kami sa unahan. mabilis naman akong tumakbo at napahinga ng maluwag dahil sa nawala na ang Amoy ni manong at nakitang pagkakataon, may daanan nga.

Nakakagulat talaga ang nakita ng mga mata namin ni armed. hindi kapani-paniwala Ang ganoong scene...... parang sa mga pelikulang horror ko lang ito madalas mapanood pero ngayon, mismong nasa harap ko ay ang katawan ng dalagang si Jasmine. nakamulat Ang Mata nito, wakwak ang dibdib at labas pa ang mga bitukang napapalibutan na ng mga nagtatabaang Uod pati na nga mga langaw.

Hindi ko alam pero kahit na Nakaramdam ako ng pandidiri ay wala man lang akong naging reaksiyon na katulad ng ibang nasa harapan ko at katulad ni armed na Panay na ang hawak sa tiyan at sumusuka.

Maaaring dahil narin siguro sa madalas kong napapanaginipang mga weird at Nakakatakot na bagay ay parang nasanay na rin ako sa ganoong mga tanawin.

Pinagmasdan ko lang ng mabuti ang katawan nito at napansin kong may mga maiitim na linya na nakapalibot sa paligid ng bibig nito. parang naging Tanda iyon ng mahigpit na pagpipigil para walang magawang ingay ang biktima.

Dumating na ang mga crime scene investigator pati na ang ambulansiya na kukuha sa bangkay.

Nanatili akong nakatayo sa harap at nakamasid habang inihihiga ang malamig ng bangkay ni Jasmine sa stretcher.

Bukas ang may itaas na bahagi ng damit ng dalaga kaya napansin ko na kulang ang Butones ng bestida nito. kita pa ang hibla ng sinulid sa dapat na kinalalagyan ng Butones, for sure na hindi iyon kulang kundi natanggal or maybe naalis iyon matapos na matamaan ng isang matalim na bagay ang tahi sa Butones ng bestida.

Lihim ni MommyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon