CHAPTER TWO: Boys Talk
CREO's POV
Di ko pala makakasabay si Keah sa lunch. Sabay na lang ako sa mga kumag kong barkada. May jamming din kami mamaya. I really miss playing guitar, ilang linggo na rin kaming hindi nakakapagjam. :DD
"Xian my loves kain na tayo. Gutom na ko.", di ako bakla ah! Ganyan lang talaga trip namin ng mga barkada kasama kami sa Federasyon. Hehe.
"Sure Creo my loves, san tayo kakain? Cafeteria?", ayaw ko sa Cafeteria madaming tao. -.-
"Sa labas na lang tayo kumain. Asan na ba si Raven?", bigla na lang nawala 'yung mokong. Siguro sinundan na naman no'n si Charisse ang ultimate crush niya.
"Oh Creo & Xian my loves, namiss niyo agad ako?", akmang hahalikan kami!
"Kadiri ka talaga kahit kailan!", tinulak ko siya. >____<
"Sungit mo naman Dre, meron ka? BWAHAHAHA", lakas talaga mang-asar nitong Raven na 'to,sarap sapakin.
"Hindi Dre, Broken Hearted 'yan kay Keah pa'no magkasama na naman 'yung magboyfriend.", chismoso talaga 'tong Xian na 'to.
"Manahimik nga kayo! Pwede ba tantanan niyo ko bago ko kayo masapak na dalawa.", asan na ba si JC? Tagal naman no'n gutom na ko.
"Diig pa ni Creo ang babae kung magsungit oh! Hahaha", bigla-bigla namang sumusulpot 'to. Isa pa to' mapang-asar. >____<
"Andiyan ka na pala JC?", minsan talaga mga Pilipino may pagkatanga eh no. Nakita niya na nga magtatanong pa. Hahaha.
"Ay hinde wala-wala, picture ko lang 'to!", ayan basag tuloy si Kuya. :P
"Oh? Astig. Dito ka nalang sa wallet ko para may picture mo ako. Tara na nga kain na tayo.", daldal kasi ng mga 'to eh. San ba masarap kumain? Sa shakeys na nga lang.
"Shakeys na lang tayo.", gusto kong pizza eh.
"Tara.", sabay-sabay pa silang tatlo.
Naglalakad na nga kami palabas ng campus. Sa tapat lang naman ng main gate 'yung Shakeys kaya hindi hassle. Mga barkada ko nga pala 'yung mga 'yon. Si Xian, siya ang pinakamatalino sa aming apat. Sipag niyan mag-aral eh. Si Raven naman matalino din, lalo na sa math walking calculator nga tawag sa kanya ng iba eh. At 'yung isa naman ay si JC, di ganong matalino pero gwapo daw? Lakas ng sex appeal kaya ang dami niyang stalker sa campus, crush ng bayan pati nga ibang Prof. na bakla type 'yang mokong na 'yan. HAHAHA. :D Naalala ko tuloy 'yung sinabi ni Xian, ako broken hearted? Eh wala nga akong GF. Sabi nga nila ang daming girls diyan, eh si Keah nga ang mahal ko. Tagal naman kasi nila mag-break ni Kiel para maging kami na. Ang bad ko ba? Sorry naman nagmamahal lang. -_____-
"Araaaay ko! Tang.na sino bumatok s'kin?", ang sakit batukan daw ba ko. >'<
"SIYA!", takte nagturuan pa ang tatlo.
"Nagturuan pa kayo. Problema niyo ha? Nananahimik ako dito ah. Kanina pa kayo, lakas ng trip niyo.", weird nila, parang mga timang lang.
"Kami talaga tinanong mo? Hindi kaya dapat kaya ikaw ang tanungin namin? Ano ba problema mo kanina pa malalim iniisip mo?", lakas talaga ng radar nito ni Xian.
"Oo nga Creo, what's wrong? Keah na naman ba?", shete pati si Raven ang usisa. Kunsabagay si Keah lang naman madalas reason bakit ang lalim ng iniisip ko eh.
"Hindi mga Pare. Inaantok lang ako. Mind your own business guys", magsisinungaling na lang ako baka isipin pa nila bakla ako eh.
"Sapakin kita diyan eh. Magsisinungaling ka pa. Sus, pare-pareho lang tayong mga lalaki dito kaya nararamdaman namin nararamdaman mo.", wow gumaganon na si JC. Akala ko dati bakla'to eh. Hahaha.
"Bakit ba ayaw mo pang magtapat? Para naman matahimik ka na sa pagpapakamartir diyan!", ayan ang gusto ko sa ka nila eh. Kaya nilang basahin nasa isip ko, kaibigan ko nga sila.
"Oo nga naman. Stop bothering yourself! Ang daming babae diyan oh.", si Keah nga mahal ko. -.-
"Magtapat? Alam niyo namang may BF na siya eh at alam kong bestfriend lang tingin niya s'kin.", alam ko naman kasing maling mahalin siya. Wala sa tamang lugar.
"Creo, kailan ka pa naging anak ni Madam Auring? Natututo ka na manghula?! Alam mo ang pag-ibig hindi 'yan hinuhulaan na ginagamitan lang ng instinct. Minsan kasi may mga babaeng magaling magtago ng damdamin. Malay mo naman may pag-asa ka sa kanya. Why don't you try di ba?", kaibigan ko ba 'tong mga 'to? Galing mag-advice ah.
"Ayoko natatakot ako na baka kapag nagtapat ako layuan niya ko.", ayan angkinakatakot ko. Baka bigla niya kong iwasan. >_____<
"Face your fear. Tae nakakabakla naman 'tong usapan natin.", natawa naman ako sa sinabi ni JC.
"Thanks guys as soon as I can magtatapat ako.", ang supportive talaga ng mga kaibigan ko.
"Tignan niyo sino 'yung nasa kabilang table.", sino naman kaya 'yung sinasabi ni Xian.
Kaming tatlo lumingon sa kabilang table....
"Speaking of the lovers andito pala sila Keah & Kiel. Bagay talaga sila.", hello andito kaya ako JC baka naman nakakasakit ka.
"Ang gwapo at talino pa crush nga 'yan ni Charisse eh.", isa pa 'tong Raven na 'to.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo? Pa-advice-advice pa kayo na magtapat ako eh kulang na lang ipagdukdukan niyo na bagay sila.", lamang kaya ko ng sampung paligo do'n. -____________-
"Sorry naman Creo my loves.", silang tatlo.
KEAH's POV
Nakita ko sila Creo, JC, Xian & Raven sa kabilang table. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila. Hmm.. Ano kayang problema ni Creo. Ang weird niya talaga. Parang iniiwasan niya ako, di ko naman maisip kung anung ginawa kong masama sa kanya. I miss my bebebest. Ikaw masamang espiritu na sumanib sa katawan ni Creo, please layuan mo siya! Ibalik mo na ang masayahin ko at palatawa na Bebebest. -________-
"Hmm.. Keah?", ay tae kasama ko nga pala si Kiel tapus si Creo nasa isip ko. Bad Keah bad.
"Yes? Kiel my loves ^_____^", hahaha nagblush si Kuya.
"Ang lapad ng ngiti mo ah. Amh.. Nextweek baka madalang na kita puntahan dito"
O.o <------ itsura ko. Bakit kaya. >'<
"Bakit naman?", waaaah may babae kaya siya? erase erase di magagawa ni Kiel 'yun.
"Kinuhaan na kasi ako nila Mama ng boarding house malapit sa University na pinapasukan ko.", anooooo? Magbo-board na siya? Eh di madalang na kami magkikita. >'<
"G-good for you. Para di na hassle 'yung biyahe mo.", malayo kasi bahay niya sa University na pinapasukan niya. Three rides din kaya nakakapagod din 'yun.
"Thanks. Every weekends naman uuwi ako kaya magkikita pa rin tayo.", napalingon ako sa kabilang table. Wala na pala sila Creo nakaalis na.
"It's okay, kaso Saturday lang ang free day ko every Sunday may practice kami sa Theater.", once a week na lang kami magkikita? Baka mambabae na 'to. -______-
"Susunduin na lang kita after ng practice mo.", talagaaaaaaaa? Madalas kasi 8pm na kami natatapos magpractice eh. Kaya delikado na.
"Sureeee. Tara na hatid mo na ko sa classroom.", tumayo na kami pareho. Ganito lang naman kami kapag nagkikita kami kakain lang ng lunch tapus maghihiwalay na ulit. Mas madalas ko pa ngang kasama si Bebebest eh.
BINABASA MO ANG
Dare To Love (On Going)
Teen FictionLove is covered with consequence. It's a dare to let go or hold on and a Dare To Love. :)