CHAPTER THREE: Favor
CREO's POV
Tae magse-sembreak na pala. Kaya tinambakan na kami ng sandamakmak na projects. Gagawa din pala kami ng Short Film sa Sociology. Sino ba nag-imbento ng subject na 'yan? Isusumpa ko. Pahirap kasi sa buhay. Kakain ka muna ng bubog o kaya lulunukin mo 'yung karayom bago ka makapasa sa mga test niya sinong niya? Si Mrs. Catacutan o mas kilala sa tawag namin Mrs. Scary. Siya professor namin sa Socio. Sobrang higpit niyan eh. Kapag nagpa-exam kahitna nagreview ka toda max mahihirapan ka pa ding pumasa. Sobrang hirap kasi. (>'<) About the short film? Hindi kami magkagroup ni Keah, hulaan niyo sino ka-group niya? Si Claire lang naman. Di pa din kasi nagkakasundo 'yang dalawa. Parehong ayaw magpatawad, mga babae nga naman.
Ang tagal naman ni Keah. Andito ko ngayon sa 7/11 hinihintay siya. Pareho lang naman 'yung meeting place ng group namin kaya sabay na kaming pupunta. Nakwento niya din s'kin nagbo-boarding house na si Kiel kaya madalang na silang magkikita lalo na ngayon busy sila pareho Mid Term Examination na kasi next week tapus sembreak na.
"Hi Bebebest, sorry ang tagal ko. 'Yung kambal ko kasi nagpasama pa s'kin dumaan sa mall.", yeah may kambal siya lalaki.
"Okay lang. Ano tara na? Kanina pa ko hinihintay ng mga groupmates ko.", tumayo na ko tinapon ko na sa trashcan 'yung pinag-inuman ko ng slurpee.
"Tara."
Pagdating namin sa foodcourt ng SM Fairview (meeting place namin :D), lahat sila nakatingin s'min ni Keah. Para nga nilang lalamunin ng buo si keah sa tingin eh. Bakit kaya anong meron? Lumapit na ko sa mga groupmates ko.
"Sorry I'm late.", ako na lang pala hinihintay.
"Tara na. Kanina pa tayo hinihintay ni Ate Mae.", sabi ng leader namin. Pupunta kasi kaming Payatas dun ang setting ng Short Film namin.
"Carla, bakit parang lalamunin niyo ng buo si Keah kanina no'ng dumating kami?", matanong nga nakakapagtaka kasi.
"Tae ka Creo di mo alam?", psh. tanong din ang sinagot sa tanong ko sakanya. =_=
"Magtatanong ba ko kung alam ko."
"Kayo na ba ni Keah?", bigla namang sabat ni Mae Ann.
O.o Anu daw?! Panong magiging kami eh hindi pa nga niya alam na mahal ko siya. -___-
"Ha? Okay lang kayo? Eh may BF si Keah kaya panong magiging KAMI!!"
"Andito kasi si Kiel kanina hinahanap si Keah. May usapan daw kasi sila ni Keah na sasama siya dito.", paliwanag ni Mae Ann.
Nakakapagtaka naman. Wala naman kasing nabanggit s'kin si Keah, sabi niya lang sabay kami pumunta sa meeting place.
"Oh? Eh bakit daw hindi sila magkasama ngayon?"
"Yun nga eh. Kanina daw no'ng pinuntahan niya si Keah sa bahay nito umalis na daw, sabi pa nga daw ng Mom ni Keah ang aga daw umalis sa bahay ni Keah.", akala ko ba nagpasama 'yung kambal niya sa kanya kaya siya nalate? Anggulo. >___<
"Kanina pa ba kayo magkasama ni Keah?", pagtatanong s'kin ni Carla. Bigla naman nag-vibrate 'yung phone ko. Teka nga babasahin ko muna.
1 message received
From: Keah
Bebebest, ui favor naman. Kapag tinanong ka nila kung kanina pa tayo magkasama pakisabi OO. Please. I'll explain it to you later. Salamat Bebebest. Muah. :*
Psh. Magsisinungaling pa ko. Ay bahala na nga naguguluhan talaga ko sa nangyayari. May muah pa shete kinikilig naman ako.
"Yup kanina pa kami magkasama may pinuntahan pa kasi kami.", best actor na naman ako. Napaniwala ko naman sila. Pero nagtataka talaga ako, saan galing si Keah kung hindi naman pala niya kasama kambal niya? Bakit di niya kasama ni Kiel? Ay takte. Naalog tuloy mga neurons ko kakaisip. =_______=
[A/N: Naks neurons. :P Hintayin mo na lang kasi mamaya, magpapaliwanag naman daw siya di ba. :D]
KEAH's POV
Para talaga kong lalamunin ng buo ng mga classmate ko kanina. =_______= May usapan kasi talaga kami ni Kiel na sasamahan niya ko sa paggwa namin ng Short Film. Alam niya kasi magkagalit kami ni Claire, eh ka-group ko si Claire kaya malamang sa alamang wala akong makakausap do'n. Nahihiya naman akong mag-approach ng iba kong mga classmate kaya sabi na lang niya samahan niya na lang daw ako. Kaso....
*FLASHBACK*
Kagigising ko lang 7:00am pa lang, 1:00pm pa naman call time namin dadaan muna ko sa Mall bibili kasi ako ng pang-gift kay Kiel. Malapit na anniversary namin. Bigla na lang nag-vibrate 'yung phone ko.
1 message received
From: ******
Keah, puntahan mo ko ngayon sa *****, 8:00am dapat andito ka na. No more buts!
Waaaaaaaah. Siya na naman. >_____< Ayokong replyan, ayoko siyang puntahan. AYOKO!! Maya-maya nag-ring 'yung phone ko.
******'s calling......
Ayaw niya talaga ko tantanan. =_______= Tumingin ako sa relo ko 7:09am pa lang. Siguro naman aabot ako sa practice namin. Paano si Kiel? Susunduin niya pala ako ngayon. Maaga pa naman siguro makakabalik naman ako dito before 12. Agad-agad naman na akong naligo at nagbihis di ko na siya tinext di rin naman ako mananalo sa taong 'yun. Pinuntahan ko na siya sa sinabi niyang lugar. Eto na nakita niya na ko. Ano na naman ba kasing kailangan s'kin ng taong 'to. T______T
"Hi Babe.", tinanggal ko nga 'yung kamay niya, inakbayan pa ko. >_____<
"Wag mo nga akong tawaging Babe! May BF ako. Kaya tantanan mo na ko please.", nakakatakot talaga siya.
"Gusto mo patayin ko BF mo? Para akin ka na lang. Pasalamat nga siya, hindi ako selfish at hinahati pa kita sa kanya."
"Ano bang gusto mo, basta I need to go saktong 11:30am may gagawin kaming project ngayon!", susunod na lang ako sa gusto niya. -_____-
"Sure Babe, akin na ang CP mo. Para naman walang makakaabala sa atin." waaaah bakit kailangan niya pang kunin 'yung phone ko paano ko matatawagan si Kiel.
"Pwede wag na? Di naman ako magtetext eh. Wag mo lang kunin, mamaya kasi tatawag 'yung Mom ko s'kin." makalusot sana. >_____<
"NO. If I said NO, it means NO. Understand Babe?"
*END OF FLASHBACK*
Kaya naman hindi ko natawagan si Kiel, si Creo na ang ang tinext ko. Sabi ko sabay kami pumunta sa SM Fairview. Pagdating namin sa Foodcourt alam ko naman kung bakit gano'n mga tingin nila s'kin. Nagpunta kasi do'n si Kiel at hinahanap ako, nalaman ko din na dumaan siya sa bahay at sabi sa kanya ni Mommy maaga akong umalis. Hindi ko naman pwedeng sabihin kay Kiel o kahit kanino ang tungkol sa misteryong lalaki na 'yun. Mapapahamak lang sila. Alam ko iniisip ng mga classmate ko na may something sa amin ni Creo. Tama itetext ko na kapag may nagtanong kung magkasama kami kanina pa sabihin niya oo. Ayan nalang ang naiisip kong paraan. Mamaya na ko magpapaliwanag kay Creo, hindi ko sasabihin sa kanya ang totoo magsisiniungaling na lang ulit ako.
BINABASA MO ANG
Dare To Love (On Going)
Fiksi RemajaLove is covered with consequence. It's a dare to let go or hold on and a Dare To Love. :)