CHAPTER EIGHT: Break up
KEAH's POV
After ng confession ni Creo iniwasan niya na ko. Huhu. I miss my Bebebest. T______T Tama naman ginawa ko di ba? Ayoko lang makita siyang nasasaktan dahil sa akin, kaya mas ginusto kong saktan na lang siya. Gets niyo ba? Basta 'yun na 'yun. Hehe. Balita ko nga may pinopormahan siya ngayon, Yshie ata ang pangalan? Childhood friend niya daw sabi s'kin ni Bevs. Siyempre nacurious naman ako kung sino 'yun kaya pinagtatanong ko din. Haha. Si Bevs nga pala kasama ko sa Theater Arts. Siya madalas kong kasama ngayon.
"Keah, roll call na daw sabi ni Sir." nagpra-praktis kasi kami ngayon, medjo malapit na kasi 'yung major performance namin.
"Tara punta na tayo."
Bumalik na nga kami sa theater room. After 20 minutes natapus na rin. Pinauwi na kami, 9PM na rin kasi. Grabe 'yung Prof namin no? Ganyang oras niya kami lagi pinapauwi, nasanay na lang din kami. Hinihintay na nga pala ko ni Kiel sa labas. Yup. Sinusundo niya ko tuwing may praktis. Ang swerte ko talaga sa boyfriend ko, super protective and caring. ^______^
"Hi Kiel. Ingat kayo ni Keah sa pag-uwi." - Bevs
"Ikaw din. Sino nga pala kasabay mo? Gabi na." - Kiel
"Sila Kuya Erick. Iisa lang naman way namin. Sige una na ko, hinihintay na nila ko sa labas." - Bevs
"Ingat sila sa'yo Bevs. Hahahaha." - Ako
"Tara hatid na rin kita." - Kiel
"Okeeeeeeeey. ^_________^" lapad ng ngiti ko no? Madalang na din kasi kami magkasama ni Boyplen.
"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan, mas lalo akong naiinlab sa'yo." anu daaaw? Feeling ko tuloy ang pula ng mukha ko. :3
"Ui nag-blush. Hahaha." nang-asar pa. -___-
"Sino nagblush? Asa ka." pakipot effect lang. :D
"Sa dinami-dami ng babae sa mundo, sa tingin mo bakit ikaw ang nakapagpatibok ng puso ko?"
"Ewan ko. Bakit nga ba?" marami kasing nagkakagusto kay Kiel. Hayyy. Kaya nga nung naging kami ang dami kong haters. -____-
"Kasi ikaw si Keah Cordova."
Loading.. 1%.. 13%.. 65%.. Waaaaaaaah. Feeling ko ang pula ko na talaga promise! Ba't ganun parang ang simple lang naman ng sinabi niya pero bumilis talaga 'yung tibok ng puso ko. Mahal na mahal ko talaga si Kiel.
"Aww.. Natocuh naman ako dun." sabay kurot ko sa cheeks niya. ^_______^
"Ikaw Keah, gano mo ko kamahal? I'm not doubting about your feelings, gusto ko lang malaman kung gano mo ko kamahal."
"Walang hihigit pa. Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang minahal, minamahal at mamahalin ko. Pangako 'yan" naluluha kong sabi. Kaya naman lahat gagawin ko para sa'yo, kapalit man ng kasiyahan ko. Ganyan kita kamahal Kiel Fausto.
"Ssssh, ba't umiiyak ka?" niyakap niya ko.
"Basta tandaan mo, kahit anong mangyari mahal kita."
******'s calling...
"Wait lang Kiel, sagutin ko lang 'to." huhuhu ano na naman kayang kailangan niya. =_____= Lumayo muna ko ng konti kay Kiel.
"Go ahead."
KINABUKASAN
"Keah, pwede mo ba kong samahan sa Mall?" - Nathan
Si Nathan, schoolmate ko. BS Entreprenurial Management. Pareho kaming member ng Theater Arts ang pagkakaiba lang mentor siya. Halos lahat ng musical instruments kaya niyang tugtugin: guitar, violin, piano, drums at marami pa. Magaling siyang UMARTE, magiging mentor ba siya kung hindi. XD
"Sure. Ano bang gagawin mo dun?" tetext ko na lang si Kiel na 'wag akong sunduin ngayon.
"Nagpapabili kasi si Mama ng grapes."
"Si Tita talaga ang hilig sa fruits." close ko Mom niya. Madalas din kasi akong isama ni Nathan sa kanila.
"Tama. Pero pano si Kiel? Di ka ba niya susunduin ngayon?" alam niya na may boyfriend ako. Pero di pa sila nagme-meet.
"Tinext ko na. Sabi ko sasamahan kita sa Mall." actually di pa nagre-reply si Kiel. Yaan na nga at least nagpaalam ako.
Paalis na sana kami kaso hinarang ako ni Xhana with her idiots. Anak-anakan niya ko dito sa school, wala la ng trip niya lang. Pareho daw kasi kaming maganda. Haha. Kapal ng fezlak.
"Nak, sama ka s'min SM tayo." - Xhana
"Pass muna ko. May lakad kami ni Nathan ngayon."
"Dali na. Ganyan ka naman ei, lagi na lang si Nathan. Asan nga pala si Kiel?" speaking of Kiel, di talaga siya nagreply it means di niya ko pinapayagan. -____-
"Si Kiel? Di niya daw ako susunduin, need to do his project." pagsisinungaling ko
"Project? I'm not stupid to buy your lame reason. Nathan. Nathan. Nathan. Ha-ha, you're in relationship baka nakakalimutan mo."
Bakit masama bang mag-mall with other guy? Hang-outs with friend. -____- Anong mali dun?
Umalis na kami ni Nathan. Pumunta na kami ng mall, before kami pumunta sa supermarket to buy grapes for Tita. We played first, timezone. Super enjoy! At nang makaramdam na kami ng pagod, we decided to eat. Sa foodcourt lang kami kumain. Kwentuhan at tawanan lang. After a couple of minutes umuwi na kami. Baka kasi mabulok 'yung ubas. Hihihi. XD
"Thanks for the day Keah." hinatid ako ni Nathan sa bahay.
"It's my pleasure. By the way, ingat ka."
Dumiretso na ko ng room ko. Nakakapagod din 'tong araw na 'to. :3 I checked my phone kung may message. And viola! 9 messages and 5 missed calls. Puro kay Kiel. Hayyy... I think this is the best time to...
I texted Kiel.
To: Kiel
Kiel, I think we need a break.
After kong i-send 'yan as kanya, I off my phone. Alam ko naman na magtatanung 'yun ng reason. But I can't tell him. I don't know kung ano 'tong pinagagawa ko, basta ang alam ko mahal na mahal ko siya. Love is full of sacrifice.
THIRD PERSON's POV
Nakipagbreak si Keah kay Kiel without telling any reason. Pero hindi sumuko si Kiel, gusto niyang malaman ang reason ni Keah. Hindi niya na ito macontact. Kahit sa FB naka-unfriend list na sila. Di niya alam kung may nagawa ba siyang hindi maganda kaya nakipaghiwalay ito. Pumunta siya sa school nila Keah para kausapin ito.
"KEAAAAH!! KAUSAPIN MO KO." nalilingid na ang luha ni Kiel habang sumigaw sa tapat ng room nila Keah. Ayaw kasi siyang harapin nito.
"KEAAAAAAH!! SABIHIN MONG HINDI MO NA KO MAHAL AT TITIGILAN NA KITA. ANO BANG NAGAWA KO SAYO. KEAH PLEASE TALK TO ME. PLEASE KEAH TALK TO ME." paulit-ulit na sigaw ni Kiel. Pinagtitinginan na rin siya ng ibang mga student sa campus. Pero si Keah, hindi pa rin lumalabas.
Halos araw-araw pumupunta si Kiel sa school ni Keah, ni hindi na siya pumapasok. Tuloy pa rin ang pag-iwas sa kanya ng babae. Samantalang siya ay nagmukha ng stalker sa kasu-sunod dito.

BINABASA MO ANG
Dare To Love (On Going)
Teen FictionLove is covered with consequence. It's a dare to let go or hold on and a Dare To Love. :)