CHAPTER 1: Bebebest

133 3 2
                                    

CHAPTER 1: Bebebest

"WAITING?! Sh*t naman oh! Waiting for nothing? Psh. Nakakabakla naman magmahal. Geez."

Kinakausap ko na naman sarili ko. >________< Ako nga pala si Creo Bustamante. Nakakabaliw pala magmahal noh? Alam ko na di tamang mahalin ko ang bestfriend ko lalo na't may boyfriend siya. Yup. She's taken already and I know bestfriend lang ang tingin niya s'kin. Pero anung magagawa ko? Pigilin ko ang damdamin ko s'kanya? Damn this! I'm so crazy to fall in love with my bestfriend. Teka mamaya na ang emote, papalapit na siya s'kin.

"Bebebest, samahan mo ko sa cafeteria ^________^" - Keah

"Wag ka ngang ngumiti ng ganyan.", break time na pala sabay kaming kumain ni Keah.

"Sige na naman samahan mo na ko, pretty pretty please Bebebest *^_______^*" nagpa-cute pa akala niya naman maakit ako. Belat niya. :P

"Magpasama ka na lang kay Claire.", hahaha. Aasarin ko nga 'to, si Claire ex-bestfriend niya na ngayon ay magka-away sila.

"Sige 'wag na nga lang -____-" - Keah

"HAHAHA. Tara na nga kinokonsensya mo pa ko eh.", tagumpay! Ang benta talaga ng mukha niya nag-pout pa! Samahan ko na nga kawawa eh.

"Salamat Bebebest. :))))))" - Keah

CREO's POV

Sarap niya talaga asarin lalo na kapag ang topic ay si Claire. Halata naman kasing miss na miss niya na 'yun tao. Kaya hindi ko maiwasan at makayang layuan si Keah eh, kasi loner 'yan pero dati naman marami siyang friends and Claire is her bestfriend. Pero nagkagalit sila and that time kailangan niya ng kaibigan kaya nilapitan ko. Ngayon, ako lang ang madalas niyang kasama dito sa University namin. Yup, we're both first year college, classmate din kami and we are taking Bachelor of Science in Indutrial Engineer. (Naks, sarap pakinggan!) At eto pa, muse si Keah ng Block Section namin at ako ang Escort. Maganda naman kasi talaga si Keah kaya nga nagkalat ang stalker niyan sa campus, karamihan din sa mga classmates namin crush siya. Nagtataka ba kayo kung bakit wala siyang mga friend? Kasi maarte 'yan, spoiled brat bunsong anak kasi. Di rin marunong mag-approach ng ibang tao. Pero kapag nakilala mo siya mabait na malambing pa!

"Bebest, ui kanina pa ko nagsasalita dito di ka naman nakikinig. -___-" - Keah

"Ay sorry. Ano ulit 'yun Bebest?", shete nakakahiya tulala na naman ako. >'<

"Lutang na naman utak mo. Sabi ko anong o-orderin mo kanina pa tayo nakatayo dito sa counter." - Keah

"He-he. Ano ba sa'yo? Carbonara na lang tayo?", wala akong maisip eh! :P

"TAO tayo hindi carbonara. :P Joke. Sige-sige. Carbonara na lang!" - Keah

"Pilosopo ka talaga Panciano. :P", hahaha. Ganito lang madalas naming ginagawa, puro kalokohan.

"At ikaw naman Totoy Pacundo. Bwahahahaha. :P"- Keah

Ang kulit talaga nitong babaeng 'to. Pumunta na kami sa available na table sa right side ng Cafeteria. Buti na lang at konti lang 'yung mga student kaya madaming vacant tables.

KEAH's POV

Hellooooooooooo po. ^_______________^v Ako nga po pala si Keah Cordova, BESTFRIEND ni Creo/Bebebest. Hihi. Ang cute talaga ni Bebebest kaya ang daming nagkaka-crush diyan eh. Siya din ang Escort ng Block Section namin ako ang Muse. Partner kami. ^____^ Siya na lang kaibigan ko dito sa school. Nagkagalit kasi kami ng ex-bestfriend ko si Claire buti na lang at lumapit si Creo kaya kahit papano nagiging masaya ang araw ko. Hmm.. Kaso this past few weeks ang weird ng kinikilos niya. Lagi na lang malalim 'yung iniisip niya, madalas sa klase napapagalitan ng mga Professor namin 'yan kasi nga di nakikinig tapos parang nasa kabilang kalawakan 'yung utak niya. Hehe. Kapag naman tinatanung ko siya kung ano ang problema sasabihin niya lang, "Don't mind me. I'm fine." Nakakaasar nga eh parang di niya ko bestfriend ayaw niya mag-open up s'kin.

"Keah, punta na tayo sa room.", hanggang 10:30 lang kasi break time namin 10:20. Hala wala pa pala akong assignment sa College Algebra. -_______-

"Creo, may assignment ka na sa Algeb?", mangongopya na lang ako.

"Meron na. Bakit?", ang haba pala no'n! Psh. May meeting pa pala kami sa Theatrical Arts. Err.. Pano ko magagawa 'yun?

Papagawa na nga lang muna ko kesa wala akong assign ang baba na nga sa mga quiz ko dun eh. >'<

"Pagawa naman oh. Please.", pumayag ka na Bebebest. :(((

"Tsk. Ikaw na lang may gagawin pa ko.", waaaaaaaaaaah. Pano na 'to. T_______T

"Sige na naman. May meeting kasi kami ngayon sa Theatrical Arts.", huhuhu di pa naman ako pwedeng hindi pumunta ng meeting ang sungit ng Prof. ko dun. >________<

"Psh. Sige na nga baka bumagsak ka pa, maging kasalanan ko pa.", yeeeeees!! Di talaga ko matitiis ng Bebebest ko.

"Salamat Bebebest.", ^_____________^v

"Tara na punta na tayo sa room.", bawal nga pala kami malate masungit si Mr.Pacundo. Hihihi.

"Sure salamat ulit Bebebest."

CREO's POV

Psh. Kaya ang daming naiinis sa kanya eh. Madalas kasi siyang mag-take advantage sa mga kaibigan niya. Tsk. Papunta na nga kami sa room. Phil. History na naman nakakantok. Bakit kasi kailangan pang pag-aralan ang History? History na nga di ba. Past is Past! Never come back. Move on na Pilipinas!! Kaya tayo di umuunlad eh laging nabubuhay sa nakaraan. Parang sa Love kapag nag-break na kayo MOVE ON Dre! Wag kang mabuhay sa nakaraan!! Magmumukha ka lang tanga!!

"Mr.Bustamante, may I have your attention?", ay shete. Special mention na naman ako nakakahiya. >____<

"Sorry Sir.", lupit talaga ng teacher na'to ang daming mata nakita pa ako.

"Pare day dreaming ka na naman?" - Raven

"Gago hindi. Nakakaantok kasi.", kaibigan ko 'yang kumag na 'yan. "

"Okay class dismiss!", sabay buntong hininga ko. Buti naman at natapus na ang nakakaantok na history.

"Keah, si Kiel nasa labas.", narinig kong sabi ni Marj classmate namin.

"Ah. Thanks Marj.", sagot naman ni Keah kay Marj. Sabay nga pala silang boyfriend niya maglunch ngayon.

"Bebebest, una na ko maglunch sa'yo andiyan na pala si Kiel my loves. :))))))))", ouch lang. :/

"Ge.", tipid ko sumagot no? Bitter eh. Hahaha.

Si Kiel? Boyfriend siya ni Keah. Di 'yan nag-aaral dito pero dami niyang fans. Kapag pupunta 'yan dito sa university namin para puntahan si Keah naglilitawan mga kababaihan pati mga kabaklaan. :D Actually, Kiel is the type of guy na super fit maging IDEAL MAN ng babae. Matangkad, moreno, gwapo, matalino at gentleman pa pero lamang pa rin ako ng sampung paligo diyan. Bwahahahaha. Gutom na ko. Makapunta na ngasa mga kaibigan kong kumag.

[A/N: Sana makahanap din ako ng Kiel ng buhay ko. :))))]

KIEL's POV

Wow may POV din ako dito kaya love ko si Miss Author eh. :D My name is Kiel Fausto, 17yrs.old. I live at Tierra Nove Subdivision, Caloocan City. HAHAHA.Parang "Introduce Yourself" lang. Anyway girlfriend ko si Keah & I'm so damn inlove with that girl. First year highschool pa lang kami crush ko na 'yan. Stalker niya nga ako eh, ay hindi Secret Admirer pala. Nung third year kami niligawan ko 'yan and as I expect almost 6 months ko siyang niligawan before niya ko sagutin pero WORTH IT naman lahat ng hirap no'ng naging kami na. Ngayon nandito ako sa labas ng classroom niya hinihintay siya. Wala akong pasok ngayon kaya sabay kami maglu-lunch. Hindi naman kasi ko dito sa University na 'to nag-aaral wala kasi dito 'yung course ko. Tama na muna chikahan, palabas na si Keah KO. :)))

"Keah, san mo gusto kumain?", siyempre siya pipili ng lugar.

"Hmm.. Sa Shakeys na lang tayo kumain. May meeting pa kasi kami mamaya.", ayos na rin sa Shakeys sa tapat lang ng main gate 'yun eh. Kabisado ko no? Madalas kasi akong pumupunta dito. :DD

Dare To Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon